Chapter 28

4 3 0
                                    

Pagsapit ng lunes, tahimik akong naglalakad sa hallway ng building namin nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko kung sinong tumawag sa akin, it was Lei. Nakatayo siya malapit sa CR ng mga babae. My mood lit up when I saw her. Agad akong lumapit sa kaniya.

Binuksan niya ang bag niya at inabot niya sa akin ang isang paper bag. Dahan-dahan ko iyon kinuha mula sa kaniya.

"A-ano 'to?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Buksan mo kaya, girl?" Agad na sagot niya. Medyo napangiti ako dahil sa sagot niya, looks like she is in a good mood today.

Nang buksan ko ang paper bag ay bumungad sa akin ang cellphone ko. Hindi na basag ang screen nito at mukhang bagong-bago na ulit. Nanlaki ang mga mata ko at masayang niyakap si Lei. Niyakap ko siya nang mahigpit habang tahimik na lumuluha sa balikat niya. Weird man sabihin, but I really feel so emotional right now. Lei is my best friend for a long period of time, never niya akong iniwan through ups and downs. Paano ko ba nagawang kalimutan na mayroon akong kaibigan na tulad niya?

She hugged me back and gently pat my back. "Sorry, Wave."

Napahiwalay ako sa kaniya nang yakap at pinunasan ko muna ang mga luha ko gamit ang panyo na dala ko bago ako magsalita. "Bakit ka naman nagsosorry? Ako nga ang dapat humihingi ng tawad sa 'yo eh, ako 'yung naglihim, ako 'yung nakalimot sa friendship anniversary natin. Kaya huwag ka na mag-sorry sa akin."

Umiling siya.

"No, dapat mag-sorry din ako. I was too petty last week para sabihan ka nang kung ano-ano. I'm sorry, Wave. Sorry kasi wala ako sa tabi mo nung araw na 'yon para i-comfort ka, sorry din kasi nag-assume agad ako nang kung ano-ano without hearing your explanation." She insisted. She spread her arms in the air and hugged me. It was a warm hug, full of sincerity. I hugged her back. I can't contain my smile and so I smiled while hugging her.

When we ended the hug, we were both smiling as we faced each other. Masarap sa pakiramdam na wala na kami parehong iniisip na alitan sa pagitan naming dalawa. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib ko. Nakakahinga na ako ngayon nang maluwag ngayong magkaayos na kami ni Lei. Hinihiling ko nalang ngayon na huwag na sanang maulit ang ganitong pagtatalo sa pagitan namin.

"Tara na, girl! Baka ma-late na tayo," sabi niya. Tumango naman ako sa kaniya, kaya naman sabay na kaming naglakad papunta sa room namin.

Madaling natapos ang mga una naming subjects sa araw na ito. Oras na ng break kaya narito kami ngayon ni Lei sa bench ng court namin dito sa school. Magkatabi kaming nakaupo rito, habang may hawak na mini fan si Lei na nakatapat sa mukha niya. Ako naman ay kumakain ngayon ng tinapay na baon ko.

"Ikaw ha, close pala kayo ni Raven, hindi mo man lang sinabi sa akin." She teased me. Napahinto naman ako sa pagnguya bago humarap sa kaniya.

"H-hindi naman super close na parang bff gano'n, but I consider him as a friend." I explained before I bit again on my bread.

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Tell me naman, paano kayo nagkakilala gano'n, anong klaseng lalaki siya, o kaya anong klaseng tao siya?" She demanded.

Inubos ko muna ang tinapay ko bago ko siya sinagot. "Mabait siya, Lei. I must say, matalino siya. He's a caring brother, a good friend, responsible, and he has a comforting personality." As I described Raven's personality, I can't help but smile and think of the moments we were together. Ang random lang nitong opinion ko, pero iba talaga vibes ni Raven.

Lei screamed really loud which causes me to aggressively shut my eyes closed. Talaga naman! Dito pa napili nitong kaibigan ko na sumigaw nang sobrang lakas, napakarami kayang naglalaro ng volleyball dito sa court tuwing break. Halos karamihan tuloy sa kanila ay napatingin sa direksyon namin. I covered my face using my hands and made sure I won't have any eye contact with the people around us.

"Huwag ka namang sumigaw, Lei. Baka matamaan tayo ng bola sa gulat nila sa sigaw mo." Paalala ko sa kaniya. She just gave me a 'peace sign', so I just shrugged it off.

"Nakakatuwa kasi! Feel ko talaga green flag 'yan si Raven. Hindi lang pogi, matangkad, mabango, matalino at mabait pa!" She smiled from ears to ears while praising Raven merrily. "Pero don't worry, Wave. Si Nico naman na ang crush ko, Raven is all yours na."

I was caught off guard after she said those words. I felt my cheeks were on fire, so I tried covering my face again using my hands. But she gently grabbed my hands as if she doesn't want me to hide my face.

"Ano bang pinagsasabi mo, Lei? Hindi ko naman siya crush." I denied.

"Gaga. Wala naman akong sinabing crush mo siya. Desisyon ka, sis?" She jokingly claimed. "Ah basta, hindi ko na crush 'yan si Raven. Pero he's really that type of an ideal guy tha everyone wishes to be close with." Dagdag pa niya. "Haba ng hair mo, girl! Sabunutan kaya kita?"

We both laughed after she said that.

"Oh, ikaw naman." Panimula ko. "Kamusta ka?"

She chuckled. "Hindi ka maniniwala sa 'kin, girl! Talking stage na kami ni Nico," she boasts. I covered my mouth in shock. Like, grabe! Parang last week lang yata nung nahampas niya ng buhok niya si Nico ah! Ang speed naman ng mga 'to.

"Hindi ka makapaniwala ano? Kahit ako rin eh!" I was totally speechless. Maraming gusto lumabas sa bibig ko pero hindi ko masabi.

"Tapos, syempre magkausap kami nitong weekends. Siya nag-advice sa akin na kausapin na raw kita at magbati na raw tayo." She added.

She continued telling me how she spent her whole weekend talking to Nico.

"Marami na rin kaming napag-usapan. Like about sa acads, na-kwento na nga niya sa 'kin na honor student pala siya nung elementary. Grabe! Ang dami niyang medals." She said.

"Grabe 'yung progress niyo!" I exclaimed before I covered my mouth again. I can't help it! I'm really happy for my friend, pero grabe, nagugulat talaga ako sa progress ng talking stage nilang dalawa.

After class, kumain kami ng ice cream. We spent most of our time today, together. I'm really delightful and grateful dahil okay na ulit kaming dalawa, I hope she feels the same.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now