Chapter 13

32 34 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. May tumatawag kaya kahit inaantok pa ako ay dahan-dahan akong bumangon at sinagot ang tumatawag sa cellphone ko.

"Hello? Hello! Wave!" Malakas na boses ni Lei ang bumungad sa tenga ko.

"Hello," sagot ko sa kaniya kahit medyo garalgal pa ang boses ko dahil kakagising ko lang talaga.

"Kakagising mo lang ba? Aayain sana kitang pumunta roon sa bagong bukas na tindahan ng ukay-ukay sa palengke." Paliwanag niya sa akin. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at naghikab.

Kakagising ko lang at hindi pa ako nakapag-almusal.

"Ngayon na ba?" tanong ko sa kaniya. Natahimik naman ang kabilang linya, siguro nag-iisip si Lei.

"Kahit mamayang hapon or ikaw bahala, kung kailan ka hindi busy," sagot niya. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya.

"Okay lang kahit after lunch? Para walang gaanong tao sa palengke, mainit kasi baka maraming namimili sa tindahan ng ukay-ukay," sabi ko sa kaniya.

Nang mag-agree na siya na after lunch nalang kami pupunta roon sa palengke ay agad na rin akong tumayo at inayos ang kama ko. Lumabas na ako sa kwarto at tumingin sa mga pagkain na nakahanda sa lamesa. Ulam kagabi na hindi naubos, kinuha ko 'yon at muling isinalang sa kalan para initin.

Habang hinihintay ko na uminit ang ulam, nakita ko namang lumabas mula sa CR si papa. Nakabihis na siya ng uniform nila sa trabaho.

"Wave, ibigay mo 'tong pera sa mama mo." Utos ni papa sa akin, inabot niya sa akin ang 250 pesos para ibigay ko kay mama pambiling ulam.

"Okay po." Inayos na ni papa ang mga gamit niya sa bag niya na dadalhin niya sa trabaho.

Tinignan ko ang ulam na sinalang ko sa kalan kung uminit na ba, nang maramdamang mainit na ito ay pinatay ko na ang kalan at naglagay na ng kanin at ulam sa plato. Nilagyan ko na rin ng kanin at ulam ang isa pang plato at binigay kay papa.

"Pa, kain ka muna ng almusal bago ka pumasok sa trabaho."

Sabay kaming kumain ni papa ng almusal. Nang matapos kaming kumain ng almusal ay kinuha na niya ang bag niya at lalabas na sana sa pinto.

"Oh, papasok ka na?" Lumingon ako kay mama na mukhang kakagising lang din.

"Oo, binigay ko na kay Wave 'yung pambiling ulam." Tumango naman si mama sa sinabi ni papa.

"Sige, mag-ingat ka lagi." Paalala ni mama kay papa.

"Ingat, pa!" Paalala ko rin kay papa.

Tuluyan ng lumabas si papa sa pinto. Si mama naman naghanda na rin ng pagkain sa plato niya. "Wave, nag-almusal ka na ba?"

Tumango ako kay mama at ngumiti. "Opo, sabay po kaming kumain ni papa ng almusal."

"Nasaan na 'yung perang binigay ni papa mo pambiling ulam natin mamaya?" Kinuha ko mula sa bulsa ko ang pera at binigay 'yun kay mama. "Ano kayang masarap na ulam? Wala na akong maisip na masarap ulamin, Wave. Ikaw naman mag-isip." Pabirong sabi sa akin ni mama.

Tumawa kami pareho. Mas ok ng walang maisip na pwedeng ulamin, kaysa naman walang pambiling ulam. Nang makaisip na kami ni mama ng pwedeng ulamin mamaya, at saka ko naalalang magpaalam sa kaniya na pupunta kami ni Lei sa palengke.

"Ma, pupunta kaming palengke ni Lei mamaya. May bagong bukas daw kasi na tindahan ng ukay-ukay, pwede ba?"

I'm asking for her permission. Nagpapaalam ako kay mama kung saan ako pupunta para aware naman siya kung saan ako nagpupunta. Kapag hindi pumapayag si mama na gumala ako, hindi rin ako gagala.

"Si Lei ang kasama mo?" Pag-uulit niya sa sinabi ko. Agad naman akong tumango bilang sagot. "Sige, pero huwag naman marami ang bilhin niyong damit. Medyo napupuno na 'yung lagayan mo ng damit kakabili niyo ni Lei ng mga damit sa ukay-ukay."

Natuwa naman ako dahil pumayag si mama. Tumango ako at nangakong hindi bibili ng maraming damit.

Matapos kong magsabi kay mama ay agad akong nag-message kay Lei.

Wave Chavez

:pinayagan ako ni mama

Maya-maya lang ay mabilis ko rin na natanggap ang reply niya.

Lei Reyes

:after lunch tayo punta sa tindahan ng ukay-ukay ah

Wave Chavez

:sige

Matapos kong mag-reply kay Lei ay naglinis na muna ako rito sa bahay namin. Nagwalis ako ng sahig namin at naghugas ng mga pinggan na nasa lababo. Si mama naman ay lumabas ng bahay para humanap ng ulam. Binilin niya sa akin na alagaan ko raw ang kapatid ko.

Nang marinig kong umiiyak ang kapatid ko ay agad akong nagtungo sa kwarto nila at maingat siyang binuhat. Tumigil din siya agad sa pag-iyak at nakatulog siya habang buhat-buhat ko. Maingat ko siyang nilapag muli sa kama at pinagpatuloy ang paglilinis dito sa bahay.

Matapos kong maglinis ay nagpahinga muna ako sandali, naupo ako sa upuan at tinignan ang cellphone ko kung may nag-message ba o tumawag. Nakita ko namang nag-message si Raven, nung una ay wala akong balak na tignan kung ano ang message niya. Pero sa huli, binasa ko pa rin ang mensahe niya.

Raven Del Vega

:Hi ate wave!
:tatanong ko lang po sana kung san mo nabibili yung ano
:yung ano po hahahahaha
:yung biscuit po na kinakain ni rhys nung nakaraan hehehe
:wala po kasing mahanap si kuya na ganun sa mall
:ria po ito hehe

Sa tingin ko, hiniram ni Rianon 'yung cellphone ni Raven para itanong sa akin kung saan makakabili ng biscuit para sa baby. Pero bakit naman niya tinatanong? May baby ba sila sa bahay nila? May pagbibigyan ba siya nung biscuit?

Wave Chavez

:bakit

Raven Del Vega

:Where can I buy that biscuit?
:Nalibot na yata namin yung buong mall kakahanap sa biscuit na yan

Wave Chavez

:sa palengke kami bumibili nitong biscuit ni Rhys

Raven Del Vega

:Palengke?
:Saang palengke? Saang part ng palengke?

Wave Chavez

:medyo malapit yung palengke dun sa mall
:diba mall tapos diretso tapos kanan tapos diretso ulit
:ayun palengke na yun
:sa may tabi ng tindahan ng itlog, nandun yung bilihan ng biscuit

Raven Del Vega

:Okay
:Thank you, Wave

Wave Chavez

:no problem

Our conversation ended. Nang binitawan ko na ang cellphone ko ay doon ko lang napansin na todo na pala ang ngiti ko. Why am I smiling without reason? Mahina kong natampal ang noo ko para sabihin sa sarili kong wala namang ibang dahilan ang ngiti ko, siguro pakiramdam ko masaya ako kasi pinayagan ako ni mama na samahan si Lei mamaya sa tindahan ng ukay-ukay.

Uminom muna ako ng isang basong tubig at hinintay na makauwi si mama para may magbantay kay Rhys habang natutulog siya dahil maliligo na rin ako kapag nakauwi na si mama.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now