Chapter 5

36 41 0
                                    

A week had passed, I have already made up my mind. I'll try to start a small business, I'll follow what Raven told me last week. Mag-iipon muna ako, tapos sisimulan ko na mag-start ng small business. But right now, wala pa akong naiisip na small business na pwede kong simulan.

"Wave, parang ginagabi ka na yata minsan ng pag-uwi?" Nagsimulang magbutil-butil ang pawis sa noo ko dahil sa tanong ni mama. Halos hindi ko na mahawakan nang mahigpit ang hawak kong kutsara at tinidor. "Nagpunta si Lei rito nung nakaraang linggo, akala raw niya nakauwi ka na."

Ayoko namang magsinungaling sa kanila. Pero anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang may nakilala akong bagong kaibigan? Pero paano kung hindi sila maniwalang kaibigan ko lang talaga si Raven? What if isipin nilang may relasyon kami?

And that thought made a mess inside my mind. I'm overthinking too much. Bakit ko naman iniisip na iisipin nilang may relasyon kami? Hindi nga namin gaanong kilala 'yung isa't-isa eh. Magkaibigan lang kami, hanggang magkaibigan lang.

"Wave, tinatanong ka ng mama mo."

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko sinagot ang tanong ni mama. "Kasama ko po last week 'yung isa ko pang kaibigan."

Ngumiti naman sa akin si mama at sinabihan akong ipagpatuloy ko na ang pagkain ko. "Mabuti naman at may iba ka pang kaibigan bukod kay Lei, dapat humanap ka pa ng mas maraming kaibigan, anak. Para naman maging masaya ka, hindi ka laging mag-isa."

Ngumiti rin ako kay mama at saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko. Nang matapos kaming lahat na kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan, nang matapos kong maghugas ng pinggan ay pumunta na ako sa kwarto ko at doon gumawa ng mga assignment namin na kailangan ipasa next week.

Kinabukasan, Sabado nang umaga, ako ang nagluto ng almusal namin. Maya-maya ay biglang umiyak si Rhys kaya nagising na rin si mama para buhatin siya at patahanin sa pag-iyak.

"Wave, timplahan mo nga muna ng gatas si Rhys." Utos ni mama. Agad ko munang iniwan ang niluluto kong itlog at saka nagtimpla ng gatas para sa kapatid ko. Nang matapos kong timplahin ang gatas ay inabot ko na agad ang bote ng gatas kay mama.

Ilang minuto pa ang nakalipas, naluto na rin sa wakas ang mga itlog na pini-prito ko. Bago ako magsimulang kumain mag-isa ay tinignan ko muna ang cellphone ko kung may nag-chat ba. Sakto namang nag-chat si Raven kaya tinignan ko kung anong sinabi niya.

Raven Del Vega

:Today is my little sister's birthday, you're invited.

Ako? Bakit naman ako invited? Hindi ko naman kilala 'yung kapatid niya, baka niloloko lang ako nito ni Raven.

Wave Chavez

:Busy ako.

Medyo natagalan bago siya nag-reply, siguro may ginagawa siya or busy siya kasi nga birthday daw ng kapatid niya.

Raven Del Vega

:Hahahahaha scam
:She told me to invite you

Wave Chavez

:LOL
:Hindi nga nya ko kilala eh

Raven Del Vega

:Kilala ka nya
:I have to go
:Sunduin kita mamaya
:Bye, see you later

Nahampas ko nalang nang mahina ang noo ko. Nakaka-stress talaga si Raven! Desisyon siya masyado. Paano ako magpapaalam nito kay mama mamaya na pupunta akong birthday celebration? Anong susuotin ko? Wala akong regalo sa kapatid ni Raven!

"Wave, kumain ka muna. Mamaya ka na mag-cellphone." Seryosong sabi ni papa. Binitawan ko muna ang cellphone ko at nagsimulang kumain.

Kumuha na rin ng kanin at ulam si papa, naupo siya sa harapan ko at nagsimula na rin kumain. Napaisip naman ako bigla kung pupunta nga ako sa birthday celebration ng kapatid ni Raven, kung magpaalam muna kaya ako kay papa? Kung payagan niya ako, okay lang, kung hindi ako payagan, okay lang din. At least may rason ako kay Raven kung bakit hindi ako makakapunta sa birthday ng kapatid niya.

"Pa, pwede ba akong pumunta sa birthday ng kapatid ng kaibigan ko?" tanong ko kay papa habang kumakain kami.

"Huwag ka sa akin magpaalam, doon ka kay mama mo magsabi." Tumango nalang ako. Nang matapos akong kumain ay nagpunta ako sa kwarto nila mama. Naupo ako sa tabi niya habang pinapalitan niya ng diaper si Rhys.

"Ma, pwede ba akong pumunta sa birthday ng kapatid ng kaibigan ko?" Nag-angat siya ng tingin sa akin bago kumunot ang noo niya.

"Saan ba 'yan? Baka malayo 'yan ah. At saka may mga kakilala ka ba doon sa pupuntahan mo?" Sunod-sunod na tanong ni mama sa akin. Alam kong nag-aalala siya para sa akin. Pero alam kong gusto rin niya na mag-enjoy ako.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi ko po alam saan 'yung bahay nila. Pero sabi po ng kaibigan ko susunduin niya ako. Wala akong kakilala doon, ma. 'Yung kaibigan ko lang kilala ko doon."

Sandaling napaisip si mama kung papayagan ba niya ako o hindi. Pumayag naman siya pero bilin niya na tumawag daw ako kapag nakarating na kami sa birthday. Nangako naman ako sa kaniya na tatawag agad ako sa kaniya kapag nakarating na kami sa kung saan gaganapin ang birthday ng kapatid ni Raven.

Habang nag-iisip kung anong damit ang susuotin ko, narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong nilapitan. May nag-chat sa akin.

Raven Del Vega

:Diko pala alam san bahay mo
:Is your house near the convenience store?

Actually, malayo ang bahay namin sa convenience store na 'yon.

Wave Chavez

:Malayo pa

Raven Del Vega

:Okay
:San kita pwedeng sunduin?

Wave Chavez

:Sa may tindahan sa gilid ng kalsada
:Yung may nakalagay na Aling Berta's Sari-Sari Store
:Dun nalang kita hintayin

Raven Del Vega

:Okay

Matapos naming mag-usap ay nilapag ko na ulit ang cellphone ko at nagsimulang mamili ng damit na susuotin. Nang makita ko ang isang kulay pink na dress na bigay sa akin ni Lei ay kinuha ko 'yun at sinukat. Maganda naman ang dress, sakto lang siya sa tuhod ko at may sleeves din na hindi naman mahaba. 

Nang matapos akong pumili ng susuotin ko ay naligo na rin ako, matapos maligo ay sinuot ko na ang dress na napili ko at nagtali ng buhok. Nagsuot lang ako ng flat shoes at nilagay ko rin sa balikat ko ang bag na nabili namin ni Lei sa palengke.

Nang matapos na akong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko at nagsabi kay mama na doon ko nalang hihintayin ang kaibigan ko sa tapat ng tindahan ni Aling Berta. Tumango naman siya at sinabihang mag-ingat ako. Nang makalabas ako sa bahay namin ay napatingin sa akin ang iba naming kapitbahay. Sinabi nila sa akin na napakaganda ko raw tignan, ang iba naman ay nagtanong kung saan ako pupunta. Sinabi ko naman sa kanila ang totoo na pupunta ako sa birthday ng kapatid ng kaibigan ko, nagpaalam na ako sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang naglalakad ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito sa loob ng bag ko at tinignan kung sinong nag-chat.

Raven Del Vega

:I'm already here
:Where are you?

Hindi na ako nag-reply sa kaniya at binalik nalang ulit sa bag ko ang cellphone ko bago ako nagpatuloy maglakad.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now