Chapter 24

26 26 0
                                    

Masyado akong nag-iisip, kakalakad ko nakarating na ako sa isang park malapit lang dito sa amin. Walang gaanong tao pero may iilang bata rin ang naglalaro rito.

Siguro masayang maging bata ulit? Pero bata pa naman ako. Bata pa ako pero iniisip ko na agad 'yung financial problem ng pamilya namin. I'm too young to think about this matters, yet here I am, overthinking what might happen in the next few days. Baka sa mga susunod na araw, kailangan na ulit naming umutang nang umutang para may makain kami.

Kung alam ko lang na mawawalan ulit si Papa ng trabaho, sana tinuloy ko nalang magsimula ng business. Pero ano namang negosyo? Hindi ko alam. Kaya nga hindi ko tinuloy magsimula ng negosyo kasi pakiramdam ko hindi pa ako handa, at saka masyado ring busy minsan sa school works.

Habang nakaupo sa isang bench dito sa park, dahan-dahan akong tumingala sa langit para pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko. Mala-kulay kahel na ang kulay langit dahil malapit na rin lumubog ang araw, beautiful scenery, payapa at hindi katulad ng isip ko na marami ang itinatakbo.

"Mukhang malalim iniisip mo ah," bati sa akin ng isang boses. Lumingon ako sa kanan ko, it is Raven. He sat beside me and offered me his handkerchief.

Bakit ba sa tuwing marami akong iniisip, bigla nalang susulpot si Raven at aabutan ako ng panyo? 'Yan ba talaga role niya sa buhay ko?

"How are you, Wave?"

Tinanggap ko ang panyo na in-offer niya sa akin. I gently wiped the tears that escaped my eyes.

"Hindi ko alam..." mahinang sagot ko. Lumapit siya sa akin at mahinang tinapik ang balikat ko. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.

I feel so tired.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong mainggit sa mga kagaya ni Raven, living out his privileged life, o dapat ba akong matakot dahil posibleng sa mga susunod na araw ay mabaon na naman kami sa utang, o dapat ba akong magalit dahil parang hindi man lang nagtagal 'yung kaginhawaan sa pamilya namin?

I'm so confused, hurt, tired, and sick of this life. I shouldn't be worrying about all these as a teen. Isn't it unfair for me?

"You can always tell me what's bothering you. What's making you cry?" Raven asked me.

Hindi ako sumagot. Nanahimik ako. Tahimik akong umiyak sa tabi niya. He moved even closer and gently grabbed my head and leaned it on his shoulder.

Nakakapagod maging panganay. This is sad truth. Hindi man halata, pero nakakapagod talaga. I feel like I'm carrying our family's financial problems on my shoulder and it keeps me from walking forward. Pakiramdam ko, habang naghihirap kami sa buhay, mas nahihirapan akong abutin 'yung mga pangarap ko.

"Swerte mo siguro..." panimula ko nang medyo tumahan na ako sa kakaiyak. Raven looked at me for a second then he immediately looked away.

"Paanong swerte?" tanong niya. Inangat ko na ang ulo ko mula sa balikat niya. I faced him. Tumingin siya sa akin at tumitig sa mga mata ko.

"Mayaman kayo." sagot ko. He gave me a confused look. "Mayaman kayo. Hindi mo kailangan isipin kung saan kukuha ng pera 'yung mga magulang mo para may pambiling pagkain, hindi mo kailangan isipin na baka mabaon kayo sa utang. Wala ka sigurong gaanong responsibilidad dahil mayaman naman kayo, hindi mo kailangang alagaan 'yung mga kapatid mo, o hindi mo kailangang gumawa ng mga gawaing bahay."

Mapakla siyang tumawa.

"Is that what you're thinking about me?" tanong niya. Hindi agad ako nakasagot, dahil kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga dapat sabihin sa kaniya ang mga ganoong bagay hindi ba? Nadala lang ako ng mga emosyon ko!

"To start with, I am the oldest kid at home like you. Although, hindi nagkakalayo ang edad naming magkakapatid, I also care about my siblings like how much you care about your little sister. The difference is, I don't have to change their diapers, feed them, carry them when they're crying, but I have to be with them most of the time. Kailangan ko silang bantayan, alamin kung nasaan sila o kung saan sila pupunta, I manage our monthly allowance, and basically become their 3rd parent." Kalmado lang siyang sumagot sa akin. Malalim siyang huminga at sumandal sa bench.

"Yes, we're not doing house chores. But we need to learn how to do it as much as we can because we're normal humans. What now kung mayaman kami? We're not exempted from responsibilities. I, as the oldest kid in our family, have to take over the family's company in the next few years. Imagine how big that responsibility is, and I've been carrying it since I was 5 years old. Now tell me, do you still think that people like us don't have as many responsibilities as you do?" kalmadong tanong niya sa akin.

Nahiya naman ako. Bakit ko ba kasi sinabi sa kaniya 'yon?

"Sorry. Hindi ko naisip na pare-pareho lang naman pala tayong may mga responsibilidad." Humingi ako sa kaniya ng tawad. He gently smiled and gently tapped my shoulder.

"Hindi ako galit, Wave. But I want you to know that we are human. It's normal for us to have different responsibilities, no matter how big or small, we still carry it everyday and think about it. Normal na tao tayo, we overthink, napapagod tayo but we have to keep fighting in life."

Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko gamit ang panyo niya. Sumandal nalang din ako sa bench at katulad niya, tahimik ko ring pinagmasdan ang kalangitan.

Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng tunog, tunog ng tiyan na parang nagugutom. I'm sure it's not mine.

"Oops. Sorry, hindi na kasi ako nakakain ng lunch kanina," nahihiyang sabi ni Raven. Bahagya naman akong tumawa.

Hapon na pero hindi pa siya nakakakain ng lunch. Bakit kaya?

"Gusto mo kumain ng lugaw? Libre ko." Aya ko sa kaniya. Malamang matapang akong mag-aya ngayon na kumain dahil may 50 pesos pa ako sa bulsa ko. Ito nalang 'yung natira sa baon ko kanina.

Alam ko namang mayaman 'to si Raven, hindi ko siya kailangang ilibre dahil kaya niya ngang bilhin nalang yung lugawan kung gugustuhin niya e. Pero gusto kong bumawi dahil nilibre niya ako nung kumain kaming tatlo sa restaurant. Nakakahiya rin kasi kung lagi nalang niya akong ililibre.

"Sure," sagot niya. Tumayo na kami pareho at sabay na naglakad paalis sa park. Tahimik kaming pareho hanggang sa basagin ko ang katahimikan.

"Sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina... Alam kong hindi ko dapat sinabi 'yung mga 'yun." mahinang usal ko habang magkasabay kaming naglalakad. He looked at me and smiled.

"Wala lang 'yun. Naiintindihan kita. Sorry din pala, I was supposed to listen to you, mukhang ako pa yata 'yung nag-open up sa iyo." Napakamot siya sa batok niya habang naglalakad kami. Ngumiti rin ako.

"Ayos lang. Naiintindihan ko rin naman na napapagod ka rin."

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now