Chapter 26

10 10 0
                                    

Kinabukasan, paggising ko nagdesisyon na akong sabihin kay Lei ang totoo. Sasabihin ko na sa kaniyang kaibigan ko rin si Raven. Wala namang mali roon 'di ba? Hindi naman ako dapat kabahan kung 'yun lang ang sasabihin ko sa kaniya. Pero ito ako, kinakabahan ngayon habang kumakain ng almusal ko dahil hindi lang naman 'yun ang dapat kong sabihin sa kaniya. I should also tell her that I forgot our friendship anniversary yesterday, and apologize for it too. How? Paano ko sasabihin ang lahat ng 'to sa kaniya without breaking down?

Just imagining how sad she could be once she knew I kept secrets on her.

Matapos kong mag-almusal ay naligo at nagbihis na rin ako. Nang makarating na ako sa school ay halos lakad-takbo akong pumunta sa room namin para tignan kung nandoon na ba siya sa upuan niya. Maaga pa naman, binaba ko na ang bag ko sa upuan ko at lumapit ako sa kaniya. She looked at me.

I sighed. Ang bigat sa pakiramdam! Kabadong-kabado ako ngayon sa harapan niya.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kaniya. She simply nod, lumabas siya ng classroom namin. Sinundan ko naman agad siya, huminto siya sa hagdan at sumandal sa railings.

Huminga ako nang malalim bago ako nagsalita.

"Sorry, Lei." Mahinang usal ko ngunit sapat lang para marinig niya.

"Sorry para saan?" Nakataas ang kilay niya.

Huminga ulit ako nang malalim sa sobrang kaba.

"Una sa lahat, sorry kasi hindi ko sinabi sayo na naging kaibigan ko na rin si Raven..." panimula ko. She was simply listening to me. "N-natakot kasi ako na baka masyado kang matuwa o ma-excite kapag sinabi kong magkaibigan kami. Saka... hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sayo, kung paano ko sisimulan, baka magulat ka, kaya hindi ko agad nasabi sayo."

Nakakunot ang noo niya habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Kinabahan lang ako lalo dahil sa pananahimik niya!

"P-pangalawa, sorry kasi n-nakalimutan ko 'yung f-friendship anniversary natin kahapon. Aaminin ko, nawala talaga sa isip ko, h-hindi ko naalala." Para akong maiiyak na sa harapan niya.

"G-galit ka ba, Lei? Maiintindihan ko naman kung galit ka... sumagot ka naman oh?"

"Hindi." Tipid na sagot niya. "Hindi ako galit dahil hindi mo agad sinabi sa akin na magkaibigan na kayo ni Raven. Alam mo bakit ako nagagalit sayo ngayon?"

Posibleng galit siya sa akin dahil nakalimutan kong friendship anniversary namin kahapon, pero hindi ako sumagot sa tanong niya. I stayed silent. Nagkatitigan kami pero agad akong umiwas ng tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko anytime maiiyak na ako.

"Nagagalit ako kasi pakiramdam ko parang  nakakalimutan mo nang ako 'yung bestfriend mo, Wave." Her words were like invisible slaps. Those words slapped me harder than how hard her hands can. "Pakiramdam ko kinalimutan mo na ako. Pakiramdam ko wala kang tiwala sa akin!"

"H-hindi 'yan totoo, Lei." My voice broke.

"Hindi totoo?" She smiled sadly. "Kahapon, naisip mo man lang ba pumunta sa bahay namin para sa akin magkwento ng mga problema mo?" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa mata niya.

I can't stand seeing her crying, sunod-sunod na rin ang pagpatak ng mga luha galing sa mga mata ko.

"Naisip mo man lang ba kahapon na sa akin mag-open up?" Umiiyak niyang tanong sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Marahas niyang pinahid ng kamay niya ang mga luha sa kaniyang mukha.

"Pumunta ako sa bahay niyo kahapon para sana magkasama nating i-celebrate 'yung friendship anniversary natin pero sabi ng mama mo wala ka raw. Kaya dumaan nalang ako sa park, nakita kita roon. May kasama ka, nakapatong pa nga ulo mo sa balikat niya e!" Malakas na singhal niya. Umalingawngaw sa buong paligid ang mga sinabi niya. Buti nalang at walang gaanong mga tao ang dumadaan.

"Umiiyak ka sa balikat ng ibang tao, Wave. Umiiyak ka sa balikat ni Raven, which you never did to me. Never kang umiyak sa balikat ko! I felt betrayed yesterday, I felt forgotten. Pakiramdam ko, I just lost a friend..." Patuloy ang pag-iyak niya at ganoon din ako. I feel so ashamed right now.

Tama naman kasi siya. I didn't thought about her yesterday. Hindi ko nga naisip na pumunta sa bahay nila para magkwento sa kaniya ng tungkol sa financial problems namin e. Kaya kung nagagalit man siya sa akin ngayon, tinatanggap ko nalang. Dahil in the first place, totoo naman 'yung mga sinasabi niya.

"May nahanap ka na palang bagong kaibigan e. Kaya pala nakakalimutan mo na ako, Wave." I looked at her directly. Nagtama ang paningin namin. She looked away while wiping her tears, patakbo siyang dumaan sa harapan ko. Nabangga pa nga niya ang balikat ko.

Naiwan akong nakatayo roon malapit sa hagdan habang umiiyak. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang maiparamdam sa kaniya na parang nakakalimutan ko na siya. Hindi ko na alam. Iyak lang ako nang iyak.

Naglakad ako papunta sa CR, I looked at myself in the mirror in front of me. My eyes were red because of crying, gulo-gulo rin ang buhok at uniform ko kahit hindi naman kami nag-away physically ni Lei. Kinuha ko ang panali ko sa buhok na nakalagay lang sa bulsa ko, I tied my hair in a ponytail. Dahan-dahan kong binuksan ang gripo sa sink at naghugas ako ng kamay ko. Nilapit ko ang mukha ko sa sink, I washed my face gently to wash all those dried tears, at para na rin hindi gaanong halata ang pag-iyak ko.

Paglabas ko sa CR ay parang sumakit naman bigla ang ulo ko kaya dapat ay hihingi lang ako ng gamot sa clinic, pero sabi ni Ma'am Vina, ipahinga ko raw muna ang ulo ko, she told me to stay at the clinic pagtapos kong inumin 'yung gamot. Humiga ako sa isa sa mga higaan na nasa clinic, while I was trying to sleep, nag-flashback bigla sa utak ko 'yung mga sinabi ni Lei sa akin kanina. Those words made me cry in silence. It breaks my heart seeing her cry, I felt like I failed as her friend.

I cried silently while I'm in bed. Hindi ako umiiyak dahil masakit ang ulo ko. Umiiyak ako dahil naaalala ko 'yung usapan namin ni Lei, naalala ko kung paano siyang umiiyak sa harapan ko, nasaktan ko siya... nasaktan ko 'yung best friend ko.

I woke up 1 hour later. Paggising ko tapos na ang first period namin, dumiretso agad ako sa classroom namin. Nandoon na ang 2nd period namin kaya agad na akong umupo sa upuan ko na nasa tabi ni Lei. She was silently listening to the discussion while I am genuinely checking her out kung ayos lang ba siya. Malamang hindi siya ayos ngayon, are you even thinking, Wave?

She's not looking at me, kahit sulyap wala. Hindi ako makapag-focus sa discussion, hanggang natapos ang buong klase namin ngayong araw, parang wala akong naintindihan. Uwian na, sinubukan kong sabayan si Lei sa paglalakad pero mas lalo lang niyang binilisan ang bawat hakbang niya. Nakasakay siya agad sa jeep na halos siksikan na sa loob at wala ng space kaya naman hindi na ako nagpumilit pa na sumabay sa kaniya pauwi. Naghintay nalang ako ng ibang jeep na masasakyan.

Pag-uwi ko sa bahay, isang lamesa na katamtaman lang ang laki ang nasa harapan ng bahay namin, nasa ibabaw nito ang isang kawali, maliit na gasul, at mga sawsawan. Ano 'to? Sa amin ba mga 'to?

Pumasok agad ako sa bahay namin at bumungad naman agad sa akin si Mama na may bitbit na tupperware, may laman iyon na fishball at kikiam.

"Oh, Wave. Nandiyan ka na pala, kumain ka na diyan. Magbihis ka na, tapos timplahan mo na rin ng gatas si Rhys." Utos sa akin ni Mama.

Binaba ko sa sahig ang bag ko at agad na sumunod kay mama sa labas ng bahay namin.

"Ma, ito po ba 'yung business na sinasabi niyo po sa akin nung nakaraan?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

"Oo," sagot niya. "Ayos ba?"

Tumango ako sa kaniya at ngumiti rin. Siguro, swerte rin talaga kami ni Rhys dahil may masisipag kaming magulang. Baka hindi lang talaga umaayon ang tadhana sa pamilya namin minsan.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now