Chapter 4

38 41 0
                                    

"Wala ka pa bang nahahanap na trabaho?" Rinig kong sabi ni mama sa kausap niya. Maingat at tahimik akong nakikinig sa harap ng pinto ng kwarto nila ni papa.

"Wala pa nga, mahirap maghanap ng trabaho ngayon," sagot ni papa.

"Paano na tayo n'yan? Sa susunod na taon, graduating na si Wave. After niyang maka-graduate syempre kailangan na rin niya mag-college agad para hindi sayang 'yung taon."

Agad akong nalungkot sa narinig ko. Pera pa rin ang problema namin. Baon pa rin kami sa utang.

Sana pala hindi nalang ako nakinig sa usapan ng mga magulang ko, sana pala pagtapos kong uminom ng tubig kanina ay natulog na agad ako. Hindi ko na sana narinig 'yung usapan nila. Napapaisip tuloy ako ngayon kung baka pwedeng huminto muna ako sa pag-aaral after kong maka-graduate ng high school. Pwedeng magtrabaho muna ako at mag-ipon para makapag-college ako.

Kinabukasan, matapos ng klase namin ay napadaan ulit ako sa tulay bago ako umuwi. Doon muna ako sa gilid ng tulay nag-isip isip.

"Lalim ng iniisip mo ah." Kilala ko kung kaninong boses 'yon kaya hindi na ako lumingon pa para tignan kung sinong nagsalita. It's obviously Raven again, hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya sa tulay. Malapit ba rito 'yung bahay nila? Pero mukha naman siyang hindi taga-dito. "Problema mo?"

"Marami," sagot ko. "Gusto mo bigyan kita?" Pabiro kong alok sa kaniya.

Tumawa siya nang mahina. "No, thanks. I already got a lot on my plate."

Lumingon ako sa kaniya at tinitigan siya sa mukha, hindi halata na marami rin siyang problema. He looks shining, sobrang gwapo niyang tignan palagi. Am I complimenting him a lot?

"Sa tingin mo, paano ako yayaman?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Why don't you try starting a small business? O kaya, ganito gawin mo. Mag-ipon ka muna ng puhunan mo, kapag nakapag-ipon ka na ng enough na puhunan at saka ka mag-start ng small business." Napa-isip naman ako sa sinabi niya, he got a point.

Natahimik ako nang ilang segundo bago ako nagsalita ulit, "May alam ka bang business na malaki kaagad 'yung kita?"

Natawa naman siya sa tanong ko sa kaniya. "Walang business na gano'n, Wave. Every business starts with nothing until it grows bigger."

"Tama naman." Pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Wave, smile!" I looked at him and the flashing light of camera shocked me. Sigurado akong sobrang pangit kong tignan sa picture na kinuha niya!

"Hoy! Patingin ako! Burahin mo 'yan!"

Tinaas niya kaagad ang camera gamit ang kamay niya, sobrang taas na hindi ko talaga maabot. Considering his height, parang hanggang balikat niya lang ang height ko. Siguro nasa 6'0 ang height niya, sobrang tangkad niya talaga.

Sa huli, sumuko rin ako at hindi na sinubukan pang abutin ang camera niya. Mapapagod lang ako at nangangawit na rin ang braso ko. Para kaming tanga rito sa gilid ng tulay, nagkukulitan, nagtatawanan.

"Punta tayo sa convenience store, may bibilhin lang ako sandali." Pag-aaya niya sa akin. At first, ayokong sumama. Hindi ko naman kasi talaga gaanong kilala si Raven, pangalan lang niya ang alam ko at hindi ko pa nga sigurado kung totoong pangalan niya ba talaga 'yun. But somehow, I feel comfortable whenever he's with me. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa malapit na convenience store kaya naglakad nalang din ako papunta roon.

"Bagal mo maglakad." Pang-aasar niya sa akin. Inirapan ko nalang siya dahil wala rin naman akong laban kong makikipag-asaran pa 'ko sa kaniya. Palibhasa kasi, matangkad siya kaya sobrang bilis niya maglakad.

Nang makarating kami sa harap ng convenience store ay agad na rin kaming pumasok sa loob. Pinagtinginan pa nga kami ng ibang mga tao sa loob dahil sa sobrang tangkad ng kasama ko. May ilang mga babae rin ang narinig ko na sinasabing ang gwapo raw ng kasama ko.

"Bes, girlfriend niya siguro 'yang babae." Rinig ko pang bulong ng isa sa kasama niya, namula agad ang pisngi ko kaya nagmamadali nalang akong naglakad papunta kay Raven.

Kasalukuyan siyang tumitingin sa mga chocolates na nandito sa loob ng convenience store, at marami na rin niyang bitbit na bibilhin niya.

"Anong gusto mong kainin, girlfriend ko?" Todo ngiti pa siya matapos niyang itanong 'yun. Lalo kong naramdaman na namula ang pisngi ko kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Corny," sabi ko.

"Sinong corny? Ako?" tanong niya habang nakaturo ang hintuturo niya sa sarili niya. 

"Corny ng relasyon natin, boyfriend ko." Pang-aasar ko rin sa kaniya para sabayan ang biro niya.

Natahimik kaming pareho, nagkatitigan kami at halos hindi na kami kumurap pareho. Nawala rin ang mapang-asar niyang ngiti. Nag-panic agad ako dahil pakiramdam ko ay may mali akong nasabi, sinabayan ko lang naman siya sa biro niya.

Ilang segundo pa, bigla nalang siyang humalakhak na nakakuha ng atensyon ng ibang tao sa loob ng convenience store. Awkward sa pakiramdam kaya tumawa nalang din ako kahit hiyang-hiya na ako dahil pinagtitinginan na talaga kami rito sa loob. Pinatong niya ang isang braso niya ang kaliwang braso niya sa kanang balikat ko.

"Do you like some chocolates?" tanong niya sa akin. Umiling ako dahil wala naman akong pera pambili ng chocolate.

Nang matapos siyang pumili ng mga bibilhin niyang makakain ay magkasabay na kaming naglakad papunta sa counter. Ang total ng lahat ng nabili niya ay parang tatlong araw ko ng baon, puro biscuits, chocolates, candies, at mga juice ang binili niya.

Paglabas namin sa convenience store ay madilim na ang langit. Nagpaalam na ako sa kaniya na kailangan ko ng umuwi dahil baka hanapin na ako sa bahay namin.

"Wait lang," he said. "Gusto mo bang samahan nalang kitang maglakad pauwi sa inyo?" he asked. I shook my head and smiled at him.

"Okay lang ako," sagot ko. Lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng chocolate na binili niya sa convenience store.

Ngumiti siya at ginulo ulit ang buhok ko. "Kapag malungkot ka, kain ka ng chocolate." Ngumiti rin ako sa kaniya.

How can a stranger, starting to become my comfort person?

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now