Chapter 17

28 29 0
                                    

Hindi maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Raven. Anong mukha nalang ang ihaharap ko sa kaniya kapag nagkita kami? Kung ano-anong sinabi ko sa kaniya, hindi naman pala totoo.

"Wave, samahan mo muna ako. Punta tayong cr," pabulong na sabi sa akin ni Lei. Tumayo kami pareho at nagpaalam sa teacher namin na pupunta kami sa cr.

Habang naglalakad papunta sa cr ay nakasalubong namin ang crush ni Lei, ngumiti ito sa amin kaya naman hanggang sa makarating kami sa cr ay parang kinikilig siya.

"Ano ba, Lei? Kumalma ka nga." Saway ko sa kaniya. Tumahimik naman pero sobra pa rin ang ngiti niya.

"Nakita mo ba, Wave? Ngumiti siya sa akin! Crush niya rin siguro ako?" Napangiwi nalang talaga ako sa ingay ng bunganga ni Lei.

Pumasok siya sa isang cubicle at sinara ang pinto. Hinintay ko naman siya sa labas ng cubicle at nagsalamin nalang muna.

"Baka friendly lang talaga siya?" tanong ko kay Lei.

"Oo! Parang si Raven, very friendly and interactive diba?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Lei. Parang nagising ang sistema ko.

Ibig sabihin, mabait at friendly siya sa lahat? Pero sa totoo lang, mabait at friendly naman talaga si Raven. He even approached me first when we first met. He even gave me his handkerchief because he said, I look sad. Kaya hindi na dapat ako magtaka kung ganoon din ang pakikitungo niya sa iba.

"Hoy, Wave. Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Napalingon ako bigla kay Lei na kakalabas lang sa cubicle. 

"Bakit? Ano bang sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at mahinang hinila ang buhok ko. Mahina ko naman siyang hinampas sa braso niya dahil medyo masakit 'yung paghila niya sa buhok ko.

"Ang sabi ko, mabait din 'yung crush ko. Tapos ang gwapo pa niya, bet ko 'yung dimples niya kapag ngumingiti siya." Tumataas-taas pa ang mga kilay ni Lei habang nilalarawan niya ang crush niya.

"What if ngumiti lang siya sa 'yo pero may iba siyang crush?" Umirap naman agad sa akin si Lei dahil sa sinabi ko.

I think, I just perfectly ruined her mood.

"Tara na nga, balik na tayo sa room." Gaya nga ng sabi niya, bumalik na rin kami agad sa room.

Nang matapos ang lahat ng klase namin ngayong araw, inaya ako ni Lei na bumili at kumain muna ng ice cream. Pinili ko ang ube flavor habang vanilla flavor naman ang pinili ni Lei. Habang naglalakad kami pauwi ay kumakain kami at nagkukwentuhan. 

"Wave, anong ideal guy mo?" Lei randomly asked, napaisip naman ako.

"Hindi ko pa alam." I simply responded. "Siguro 'yung mabait at matalino, tapos family-orriented."

Honestly, hindi ko naman talaga alam kung anong ideal guy ko. Siguro bahala na 'yung tadhana kung sino ba 'yung para sa akin. Pero hinihiling ko na sana hindi siya manloloko at hindi niya ako sasaktan.

"Akin, ang ideal guy ko 'yung kagaya nung crush ko. Mabait, tapos friendly, at saka palabiro," she explained.

Panay lang ang kwentuhan namin hanggang makarating siya sa bahay nila, nagpaalam na ako sa kaniya at naglakad na rin ako papunta sa bahay namin. Inuubos ko ang ice cream na kanina ko pa kinakain nang nakasalubong ko si Pau. Kapitbahay namin siya at kaibigan ko rin.

"Uy, Wave!" Masayang bati niya sa akin. Kababata ko si Pau, kalaro ko siya dati pero ngayon ay pareho na kaming hindi gaanong lumalabas sa mga bahay namin.

"Tagal kitang hindi nakita, Pau." Bati ko rin sa kaniya. "Saan ka pupunta?"

"D'yan sa tindahan ni Aling Berta, wala kaming ulam kaya bibili muna akong sardinas o kaya itlog." Paliwanag niya, nag-volunteer naman akong samahan siya at agad naman siyang pumayag. Habang naglalakad kami papunta sa tindahan ni Aling Berta ay dumidilim na rin ang langit, nagkamustahan kami ni Pau dahil matagal talaga kaming hindi nagkita kahit magkakalapit lang ang bahay namin.

Sa tuwing makakasalubong kasi namin ang isa't-isa, nagmamadali kami pareho kaya puro ngiti nalang ang pagbati namin sa isa't-isa.

Nang malapit na kami sa tindahan ni Aling Berta ay mayroong mga nakaupo sa harap ng tindahan niya, mga kapitbahay din namin sila.

"Tignan mo nga oh, gabi na umuuwi. Siguro hinahatid 'yan pauwi nung boyfriend niya," sabi ng isa sa kanila. Nakatingin sila sa akin kaya agad akong kinabahan na baka ako ang pinag-uusapan nila. Pero kung ako nga, wala naman akong boyfriend. Baka hindi naman talaga ako ang pinag-uusapan nila?

"Ay, mukhang mayaman 'yung boyfriend n'yan. Nakita ko nga nung isang araw, lumabas 'yung lalaki sa sasakyan eh. Tapos nung nakaraang linggo, nakita ko 'yang babaeng 'yan na sumakay doon sa sasakyan kasama 'yung lalaki," sabi naman ng isa pa.

Habang palapit kami nang palapit ni Pau sa tindahan ni Aling Berta ay mas lumalakas din ang ingay ng pagkukwentuhan nila.

"Siyempre, maghahanap talaga 'yan ng boyfriend na mayaman. Wala naman silang kaya sa buhay eh," sabi ng isa pa habang nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako ng kaba, ako ba 'yung pinag-uusapan nila?

"Ayos ka lang ba, Wave?" nag-aalalang tanong sa akin ni Pau. Pilit akong ngumiti sa kaniya at sinabi sa kaniyang ayos lang ako.

"Hoy, may bibilhin ba kayo? Kung wala, umalis kayo sa harapan ng tindahan ko. Ang ingay ng mga bunganga niyo." Rinig kong saway sa kanila ni Aling Berta, tumayo naman agad sila at naglakad na paalis doon. Nang makasalubong namin sila ay tumingin sila sa akin pare-pareho na parang hinuhusgahan nila ako.

"Tatlong itlog nga po, tapos isang kamatis." Inabot ni Pau ang bayad kay Aling Berta para sa mga binibili niya. Nang sumilip si Aling Berta mula sa bintana ng tindahan niya ay nag-aalala siyang tumingin sa akin.

Matapos ibigay ni Aling Berta ang mga binibili ni Pau ay inaya na ako ni Pau pauwi. Habang naglalakad ay lumapit pa sa akin nang kaunti si Pau at humawak sa braso ko.

"Alam mo ba, ikaw 'yung pinag-uusapan nung mga chismosa kanina," mahinang bulong niya.

"Huh? Ako?" Gulat na tanong ko.

"Tagal kasi nating hindi nakapag-usap eh, pero ang sabi kasi nila may boyfriend ka raw na mayaman. Tapos hatid-sundo ka raw ng boyfriend mo." Pagkukwento ni Pau sa akin.

Kumunot naman agad ang noo ko. Nakakapagtaka naman kung saan nila nakuha ang chismis na may boyfriend ako, at hatid-sundo raw ako ng boyfriend ko. NBSB nga ako, no boyfriend since birth.

"Pero hindi 'yun totoo, si Lei ang lagi kong kasabay umuwi. Wala akong boyfriend, hindi totoo 'yung mga sinasabi nila," paliwanag ko.

"Wave, kaya nga chismis, hindi totoo at gawa-gawa lang ng mga chismosa na 'yon ang mga pinagsasasabi nila kanina para may mapag-chismisan sila," paliwanag din ni Pau sa akin.
Gulong-gulo ang isip ko at parang gusto ko ng umiyak habang naglalakad kami ni Pau. Unti-unting tumulo ang mga luha ko, agad kong pinunasan ang mga luha na 'yon para hindi mapansin ni Pau na umiiyak na ako.

"Huwag mo nalang silang pansinin, Wave." Paalala niya sa akin. "Pasok na ako rito sa bahay namin ah, bye!"
Umuwi na rin ako sa bahay namin, hindi na ako nakakain ng hapunan at basta nalang dumiretso sa kwarto para umiyak. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now