Chapter 11

32 37 0
                                    

Nang minsang mapadaan ako sa harap ng convenience store na malapit sa tulay ay nakita kong nakaupo roon sa loob si Rianon at kumakain ng ice cream. Wala siyang kasama. Nang lumingon siya sa kinatatayuan ko ay sigurado akong nakita niya ako. Agad siyang tumayo dala ang cellphone niya at ang ice cream na kinakain niya. Tumakbo siya palabas ng convenience store papunta sa akin.

"Hi, Ate Wave!" Masigla niyang bati sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at binati rin siya.

"Hello, Rianon. Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong. Masyado kasing malayo ang bahay nila rito.

"Kasama ko po si Kuya Raven, pero sabi niya may pupuntahan lang siya sandali tapos babalik siya agad." She cheerfully said.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Gusto mo ba munang sumama sa akin sa bahay namin?" Alok ko sa kaniya.

Mabilis siyang tumango at parang tuwang-tuwa sa sinabi ko. Para siyang sobrang excited makapunta sa bahay namin. Pero bigla nalang siyang napaisip.

"Paano naman po Ate Wave kung bigla akong hanapin ni Kuya Raven?" Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Tawagan mo muna siya o kaya i-text mo. Sabihin mo kasama mo ako." I suggested. Nag-agree naman siya.  Nagpaalam muna siya sa akin na tatawagan niya muna si Raven kaya lumayo muna siya sa akin bago niya tinawagan si Raven.

Hinintay ko siya habang kausap niya si Raven sa cellphone. Nang matapos silang mag-usap ay inaya na niya akong maglakad papunta sa bahay namin. Nang malapit na kaming makarating sa bahay namin ay bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad.
"Ate Wave, bili tayo calamares!" Agad siyang bumitaw sa pagkakakapit sa braso ko bago siya tumakbo papunta sa bilihan ng calamares. Naglakad ako palapit doon at tumabi sa kaniya.

Naglabas si Rianon ng 500 galing sa likod ng cellphone niya na nakaipit sa phone case. "Kuya, pabili nga po ng limang calamares. Ilan gusto mong calamares, Ate Wave?"

"Ay, sandali neng. Limang calamares lang ba bibilhin mo? Wala akong baryang panukli sa pera mo," bungad sa kaniya ng tindero.

"Okay po. 20 pieces nalang po ng calamares." Inabot na niya sa tindero ang pera at agad naman siyang sinuklian, hindi na binilang ni Rianon kung magkano o ilan ang sinukli sa kaniya. Basta nalang niya inipit sa likod ng cellphone niya ang binigay na sukli sa kaniya.

Kumuha siya ng dalawang cup at inabot niya sa akin ang isa. "Kuha ka na ng calamares, Ate Wave. Ten sa akin, ten din po sa 'yo."

"Sige, thank you." I responded. Kinuha ko ang cup na inaabot niya at ngumiti. Bumilang ako ng sampung calamares at nilagay ko 'yon sa cup, ganoon din ang ginawa ni Rianon. Sabay kaming naglagay ng sawsawan sa mga cup namin. Naglagay ako ng maanghang na suka sa cup ko, at siya naman ay kumuha nung suka na hindi maanghang.

Nagpasalamat muna kami sa tindero bago naglakad paalis habang kinakain ang binili niyang calamares.

Habang naglalakad ay nililipad ng malakas na hangin ang wavy at mahaba niyang buhok. Nakalugay lamang 'yon.
"Kumakain ka pala ng calamares?" I asked her. Kumunot ang noo niya habang kumakain.

"Huh? Opo, kumakain naman po ako ng calamares. Masarap naman po diba?" Tumango ako sa kaniya. Totoo namang masarap 'yung calamares. Favorite ko nga 'to eh.

"Oo, masarap nga. Minsan kapag may tira pa sa baon kong pera, bumibili ako ng calamares o kung anong streetfoods makita ko." Pagkukwento ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tahimik na nakinig habang kumakain ng calamares.

Nagkwentuhan pa kami sa daan hanggang sa maubos na namin ang kinakain namin, nang makarating kami sa harapan ng bahay namin ay tumigil na kami pareho sa paglalakad.

Captured Differences (Del Vega Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें