Chapter 2

41 41 0
                                    

"Huwag mo na kasing gaanong isipin 'yung score mo doon sa test, Wave. Mas mababa pa nga score ko sa score mo eh," sabi ni Lei. Magka-video call kami ngayon habang pinag-uusapan 'yung test namin kanina. Totoong mas mababa 'yung nakuha niyang score sa score ko pero nanghihinayang pa rin ako. I can't stop myself from overthinking. What if, that failed score I got on thw test might affect my final grade? "At saka, pwede ka namang bumawi sa next test o kaya sa performance tasks."

Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko, siguro pakiramdam niya sobrang affected pa rin ako sa bagsak kong score kanina.

"Siguro dapat sa susunod na test, hindi na ako magpupuyat sa pagrereview," sagot ko sa kaniya. Tumango-tango naman siya at nag-thumbs up pa.

"Oo, true 'yan. Huwag ka na magpupuyat ulit sa susunod na test. Kasi pwede namang mag-review ka ulit sa room before 'yung test. Complete ka naman lagi 'yung notes mo eh." Payo niya sa akin.

Habang nag-uusap kami, bigla kong naalala ang lalaki kanina na nagbigay ng panyo sa akin. Hindi ko man lang nalaman 'yung pangalan niya.

"Oh bakit natulala ka?" tanong ni Lei. Napansin niya sigurong may malalim akong iniisip habang magkausap kami.

"Lei, halimbawa hindi tayo magkakilala. Tapos nakita mo akong malungkot, ibibigay mo ba sa 'kin 'yung panyo mo?" Kumunot naman ang noo ng kaibigan ko sa tanong ko. Nag-isip siya ng isasagot niya sa akin.

"Hindi. Kung hindi naman kita kilala, hindi kita kakausapin o bibigyan ng panyo unless you initiated the conversation." Napa-isip ako sa naging sagot niya. If I were her, I'll do the same. But I was the one who approached that guy. Tinanong ko siya kung kinuhanan niya ba ako ng picture kanina. "Bakit mo naman natanong, Wave?"

"Ah, wala naman. May na-meet lang ako kanina." Nang-aasar na ngiti naman ang naging sagot sa akin ni Lei.

"Pogi ba?" Bestfriend ko 'tong si Lei kaya kilalang-kilala ko na ugali niya.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Narinig ko siyang tumili ng hindi gaanong malakas dahil gabi na rin. Hinampas-hampas niya pa ang kamay niya sa unan na parang kinikilig.

"True ba, Wave? Anong itsura niya? Matangkad ba?" Sunod-sunod na tanong niya. Napa-isip naman ako sandali, inalala ko 'yung mukha nung lalaki kanina.

"Mukha siyang..." panimula ko. "Tao."

Mukha namang nadismaya si Lei sa naging sagot ko. Pero sa totoo lang, sobrang gwapo nung lalaki kanina.

"Joke lang." Biro ko sa kaniya. "Matangkad siya, matangos ang ilong, mukhang mayaman, mukha rin siyang palabiro at saka mukhang mabait."

"Ano namang pangalan niya?" Sunod na tanong ni Lei.

"Hindi ko nalaman 'yung pangalan niya." sagot ko.

"Ay,sayang naman." Sumimangot siya at muling humarap sa notebook niya. Nagsasagot kasi siya ng assignment, samantalang ako ay nagtutupi ng mga damit ko para ilagay sa kabinet.

Nang matapos na ako sa gawain ko ay sakto namang tinawag na ako na ako ni papa para kumain ng hapunan. Lumabas na ako sa maliit kong kwarto at nagpunta na sa hapag-kainan. Si papa muna ang kumikilos at gumagawa ng ibang gawaing-bahay dahil hindi pa gaanong makakilos si mama pagkatapos niyang manganak. Medyo lumalaki na rin ang kapatid ko. Hindi ko pa siya sinusubukang buhatin dahil ang sabi ni mama ay malambot pa ang mga buto niya kaya kailangang mag-ingat kung hahawakan siya.

"Pinautang ba tayo ni Marie ng ulam?" tanong ni mama kay papa.

Tumango naman si papa habang nilalagay ang sardinas sa isang maliit na pinggan. Tinulungan kong maglakad si mama papunta sa kusina at maupo.

Kakain na sana kami nang maalala kong hindi ko pala nakain ang baon kong tanghalian kanina, kaya nagpaalam muna ako sa kanila na kukuhanin ko muna 'yun sa bag ko. Sana lang ay hindi pa 'yun panis dahil sayang naman.

Nilapag ko ang maliit na baunan sa lamesa namin na may lamang isda. Nagsalo-salo kami sa pagkain habang nag-uusap.

Nang matapos kaming kumain ay naghugas na kaagad ako ng mga pinggan. Nang matapos ay pumasok na ulit ako sa kwarto ko at inayos na ang higaan ko. Kanina ko pa nasagutan ang mga assignment namin kaya wala na akong ibang gawain pa.

Kinaumagahan, maaga akong pumasok sa school. Maya-maya ay dumating na rin si Lei at agad na naupo sa tabi ko. Hingal na hingal siya kaya naman inabot ko sa kaniya ang lagayan ko ng tubig. Agad siyang uminom at nagpasalamat.

"Akala ko late na 'ko," sambit niya at saka tumawa.

Nilapag ni Lei ang cellphone niya sa arm chair ng upuan niya, doon ko napansin ang isang picture na naka-ipit sa likod ng phone case niya.

Nanlaki ang mga mata ko, nahampas ko ng mahina ang braso niya.

"Ano ba, bakit ka nanghahampas?"

"Kilala mo 'yang dalawang 'yan?" tanong ko sa kaniya habang tinuturo ang dalawang lalaking nasa picture sa likod ng cellphone niya. She looks so confused with my sudden reaction, pero tumango pa rin siya bilang sagot. "Bakit? Hindi mo ba sila kilala?"

Umiling ako sa kaniya. Kilala ko ang mukha nila pero hindi 'yung mga pangalan nila. 'Yung lalaking nasa kaliwa, siya 'yung nagtanong sa akin kung saan 'yung pinakamalapit na restaurant sa lugar. The other guy is the one who gave me his handkerchief yesterday. 

"Ahh, oo nga pala. Hindi ka nga pala kasi active sa social media. Pero magpinsan 'yan sila, itong nasa kaliwa si Reed 'yan. Itong nasa kanan naman, siya si Raven."

So, that guy yesterday is Raven?

"Sikat ba sila?" tanong ko ulit sa kaniya. Napaisip siya sandali pero agad din siyang umiling.

"Maraming nakakakilala sa kanila pero hindi sila gaanong sikat. Pero gwapo sila diba?" Tumango naman ako kasi, where's the lie? Totoo namang gwapo sila pareho.

Nang magsimula ang klase namin, sinubukan kong i-focus ang isip ko sa mga lesson. Pero paulit-ulit kong naalala 'yung ngiti ni Raven. Masyado na niyang ginugulo 'yung isip ko.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now