Chapter 25

29 27 0
                                    

Nang makarating kami ni Raven sa lugawan, agad kaming lumapit sa nagtitinda para um-order na ng lugaw.

"Anong gusto mong toppings sa lugaw?" I asked him. Tinuro ko sa kaniya ang menu na available. "Mayroon silang isaw, atay, twalya, tapos itlog."

Nang tumingin ako sa kaniya ay nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa menu, tila hindi niya naiintindihan kung ano ang mga nakasulat doon.

"Uhh... I'll just take a lugaw with an egg..." nag-aalangan na sabi niya.

"Sure ka? Akin lugaw na may twalya," sabi ko. He just looked at me and smiled weirdly. Ayos lang ba siya?

Inabot ko na sa tindera 'yung 50 pesos. "Ate, isang order po ng lugaw na may twalya tapos isang lugaw po na may itlog. 'Yung sukli po dalawang tokwa nalang."

Kinuha naman ng tindera 'yung pera ko at hindi na ako sinuklian. Inaya ko agad si Raven na humanap na kami ng bakanteng upuan at lamesa. Nang makahanap naman kami ng bakante ay agad kaming umupo. He wandered his eyes through the place. He seems new to this kind of place, he looks unfamiliar with it. Lahat ng ibang kumakain dito sa lugawan ay napapatingin kay Raven, siguro dahil matangkad siya at pogi.

Oo. Pogi talaga si Raven. It's a compliment!

Do I sound defensive or what?

"It's pretty hot here," sabi niya sa mahinang boses ngunit sapat na para marinig ko.

Bahagya akong tumawa dahil sa sinabi niya. Totoo namang mainit dito kahit may ilang ceiling fans pa, tumayo ako at kumuha ng dalawang baso, lumapit ako sa mineral water para lagyan ng tubig ang mga baso. Bumalik ako sa lamesa namin at inabot kay Raven ang isa, "Inom ka munang tubig habang wala pa 'yung order natin."

Habang umiinom ako ng tubig ay tila nag-aalangan pa siyang uminom doon sa baso.

"Hoy, inumin mo na 'yan. Malinis naman 'yan, Raven." Biro ko sa kaniya.

"No, no. I know the water is clean, but a part of the cup is kind of rusty. It might not be safe to drink here." Paliwanag niya. Pinakita niya pa nga sa akin 'yung loob ng baso na may tubig, may kalawang nga 'yon sa loob.

I gently grab the cup from his hand. "Wait lang. Kuha nalang ako ng bago."

Bumalik ako sa lagayan ng mga baso at kumuha ng isa. Nilagyan ko rin 'yon ng tubig at agad na bumalik sa lamesa namin para iabot iyon kay Raven.

Sakto rin naman na hinatid na sa lamesa 'yung order namin. Kumuha na rin ako ng dalawang kutsara para sa aming dalawa.

"Ito oh, spring onions, bawang, tapos chili oil kung mahilig ka sa maanghang. Tapos may patis din dito kung kulang sa lasa 'yung lugaw, tapos ito calamansi." Inabot ko sa kaniya ang mga nandito sa lamesa namin.

Nang magsimula na kaming kumain ay tahimik lang kaming pareho hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Lagi ka bang kumakain dito?" tanong niya sa akin matapos niyang isubo ang isang kutsara ng lugaw.

"Oo. Dito ako madalas bumibili ng almusal namin. Bakit sa inyo? May lugawan ba sa lugar niyo?" Kahit alam ko naman ang sagot sa tanong ko ay itinanong ko pa rin, malamang wala. Sino namang makakaisip na magtinda ng lugaw sa subdivision nila? May bibili naman ba kaya?

"Walang lugawan sa loob ng subdivision namin, pero sa labas meron..." sagot niya. Tumango lang ako at kumain na kami.

"Gusto mo tikman 'tong twalya, Raven?" tanong ko sa kaniya. He looked weirdly at me, tinignan niya rin ang kinakain kong lugaw na may twalya.

"Twalya as in towel?" muntik ko ng maibuga 'yung kakasubo ko lang na lugaw. Uminom agad ako ng tubig bago ako natawa. Namula naman ang pisngi niya dahil hindi niya siguro alam kung bakit ako natatawa, siguro iniisip niyang natatawa ako sa kaniya. Well, totoo naman, but not in a bad way. Ang cute niya kasi! He looks clueless.

"Pfft. Hindi! Lamang loob yata 'to ng baka, hindi siya towel as in pamunas, parang ka-texture niya kasi kaya twalya." Kumuha ako ng maliit na piraso ng twalya mula sa lugaw na kinakain ko at inalok 'yun kay Raven. Dahan-dahan naman niyang sinubo ang kutsara kung saan naroroon ang twalya ng baka.

He looks so amazed nang matikman niya iyon.

"Oo nga! Parang towel 'yung texture, pero malasa." Natuwa naman ako nang nagustuhan niya 'yung lasa nito.

"Sweet naman nila, parang tayo lang nung kabataan natin..." sabi ng isang matandang lalaki sa kasama niyang matandang babae na nasa harapan lang ng lamesa namin. I panicked and felt like my cheeks have turned red.

Sure naman akong kami ang tinutukoy niya dahil sa amin sila nakatingin.

Raven on the other hand smiled and winked at me. Lord, ano bang pagsubok 'to? Ang pogi!

Napatakip nalang ako sa mukha ko nang maramdamang parang umiinit ang mga pisngi ko. Nakakahiya naman, am I really supposed to feel this? I feel like thousands of butterflies flew inside my stomach.

"Tama na nga, Raven! Kumain nalang tayo." Saway ko sa kaniya. Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Habang ako, hindi mapakali at panay ang tingin sa kaniya.

Nang matapos na naming kainin ang lugaw at tokwa ay uminom na agad kami ng tubig. Nagpahinga lang kami sandali bago kami tumayo mula sa upuan.

"Gabi na rin pala," sabi niya. Napatingin kami pareho sa kalangitan, gabi na nga. Habang naglalakad kami ay panay ang tingin namin sa langit, nasa gilid naman kami ng kalsada. The moon is so bright that it lightens the path we're walking to, the stars shine brightly as well.

"Thank you, Wave." sabi ni Raven. Ngumiti ako sa kaniya.

"Wala 'yon, bumawi lang ako sa panlilibre mo sa 'kin nung nasa mall tayo." Ngumiti siya sa akin bago niya inilabas ang cellphone niya mula sa bulsa ng pants niya. He took a photo of the moon, then the surroundings.

Nang matapos siyang kumuha ng pictures ay nasa may bandang unahan na niya ako dahil huminto siya sa paglalakad. Narinig ko ang tunog ng camera ng cellphone niya. He took another photo of the surroundings. Patakbo naman siyang sumunod sa akin dahil nga nasa bandang unahan na ako. Sabay na kaming nagpatuloy sa paglalakad.

"Hatid na kita sa inyo..."

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now