Chapter 18

29 29 0
                                    

Matamlay akong gumising at bumangon sa higaan ko. Namamaga ang mga mata ko kakaiyak dahil sa mga natuklasan ko kagabi. Bakit ba ang hilig ng ibang tao na makialam sa buhay ng ibang tao?

"Wave, gising ka na ba? Bumangon ka na, baka ma-late ka!" Rinig kong tawag ni mama sa akin, binuksan ko ang pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ng nanay ko.

"Oh? Bakit ganiyan 'yung pagmumukha mo? Ang aga-aga parang stress ka na agad?" tanong niya sa akin. Pilit akong ngumiti kay mama.

"Puyat lang po," sagot ko sa kaniya bago ako pumasok sa banyo para maligo.

Nang maramdaman ko ang lamig ng tubig ay sunod-sunod na naman na pumatak ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak sa loob ng banyo at pinipigilan ang malakas na paghikbi. Bakit kailangan nila akong pag-usapan at mag-imbento ng kwento tungkol sa akin kahit hindi naman totoo?

Sino bang tinutukoy nilang boyfriend ko? Si Lei lang naman ang lagi kong kasama. Si Lei ang kasabay kong umuwi, si Lei ang kasama kong gumala, si Lei ang pinaka-close kong kaibigan. Babae naman si Lei.

Nasa gitna ako ng pag-iisip when a sudden realization hit me. Raven was also my friend, may kotse sila, sumakay na rin ako sa kotse nila isang beses nung sinundo niya ako dahil birthday ni Ria, isang beses na rin pumunta si Raven at Ria sa bahay namin. Si Raven ba 'yung tinutukoy nila na boyfriend ko?

"Wave! Ano ba'yan? Ang bagal mo naman maligo, anong oras na, baka ma-late ka na!" Sigaw ni mama at sinabayan niya 'yon ng malalakas na katok sa pinto ng banyo.

Paglabas ko mula sa banyo ay nagluluto na siya ng almusal at baon ko para sa lunch, malapit ng maluto 'yon. Nagpunta na agad ako sa kwarto at nagsuot ng uniform, nang lumabas ako ulit mula sa kwarto ay luto na ang almusal, nakahanda na rin ang baon ko para sa lunch mamaya.

Umupo na ako sa upuan at sabay na kaming kumain ni mama ng almusal, tulog pa siguro sa kwarto nila si Rhys.

"Ma, alis na po ako!" Sigaw ko matapos kong masuot ang sapatos ko, kinuha ko na ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng bahay namin.

Sumakay na ako sa jeep, maya-maya ay huminto ang jeep dahil may mga pasahero na sasakay, isa na sa mga 'yon ang crush ni Lei. Mukhang nagmamadali rin siya. Naupo siya sa harapan ko. Nang magbabayad na sana ako ng pamasahe ay hindi ko mahanap ang wallet ko. Binuksan ko ang bag ko at halos ibuhos ko na lahat ng laman ng bag ko sa jeep pero hindi ko pa rin makita ang wallet ko.

Nagsimula ng magbutil-butil ang pawis ko, para na akong maiiyak dahil wala akong pambayad sa pamasahe ko rito sa jep. Sobra akong kinakabahan dahil wala pa naman akong kakilala rito sa loob ng jeep na pwede kong hiraman ng pambayad sa pamasahe.

"Ate, okay ka lang ba?" Lumingon naman ako sa nagsalita at nakitang nakatingin sa akin 'yung crush ni Lei.

"Ano kasi eh, nawawala kasi 'yung wallet ko." Nahihiyang sagot ko sa tanong niya, tumango-tango siya at binuksan ang bag niya. Nilabas niya ang wallet niya at naglabas siya ng 50 pesos.

"Manong, dalawa po!" sigaw niya nang tuluyan ng makuha ng driver ang 50 pesos na inabot niya.

"Saan 'to?" tanong ng driver.

"Sa school po," sagot ng crush ni Lei, inabot na agad ang sukli sa kaniya. "Binayaran ko na pamasahe mo, ate."

Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya at nagpasalamat. Nakakahiya talaga dahil hindi naman kami close nitong crush ni Lei. Hindi ko nga alam 'yung pangalan niya eh.

Nang tumigil na sa harap ng school ang jeep na sinakyan namin ay magkasunod kaming bumaba sa jeep.

"Thank you, bayaran ko nalang bukas 'yung utang ko sa 'yo ngayon." Agad siyang umiling matapos kong sabihin 'yun.

"Kahit hindi na, Ate," sagot niya.

Bakit ba niya ako tinatawag na ate? Same lang naman kami ng grade level, siguro 'yung isa sa amin ay mas matanda lang ng isang buwan.

"Wave nalang, huwag mo na akong tawaging ate," sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at nag-thumbs up. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ako si Nico, minsan nakikita kitang dumadaan sa classroom namin tapos may kasama kang babae. Kaya namukhaan kita kanina sa jeep," pagpapakilala at paliwanag niya. Tumango-tango naman ako. Sigurado akong si Lei 'yung tinutukoy niyang madalas kong kasama.

"Oo, kaibigan ko 'yun," sagot ko kay Nico. Sabay na kaming naglakad papunta sa mga classroom namin, medyo magkalapit lang naman ang classrooms namin, isang classroom lang yata ang pagitan.

Nang makarating kami sa harap ng room namin ay tumigil na kami ni Nico sa paglalakad.

"Thank you talaga kanina," sambit ko. Ngumiti siya at doon ko nakita ang dimples niya.

"No problem, Wave. Punta na ako sa classroom namin ah, bye!" Paalam niya. Pumasok na rin ako sa classroom namin at nagtungo sa upuan ko.

Ngumiti ako kay Lei, wala kasi siyang imik at mukhang gulat na gulat habang nakatitig lang sa pinto ng classroom.

"Hoy, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. I waved my hand in front of her face, she looked at me, she held and shook my shoulders. "Ano ba, Lei! Tumigil ka nga!"

"Bakit magkasama kayo nung crush ko?!" Lei hysterically asked. Halos napatingin sa aming dalawa ang iba pa naming kaklase, natawa nalang din  sila dahil sanay na sila sa ingay ng bibig ni Lei.

Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa balikat ko at dahan-dahan kong inalis ang mga 'yon sa mga balikat ko.

"Kumalma ka nga, Lei. Nawala ko kasi 'yung wallet ko kanina," paliwanag ko sa kaniya.

She raised her brow and asked, "So? Ano namang connect ng sinabi mo sa tanong ko?"

"Siya 'yung nagbayad sa pamasahe ko kanina," sagot ko sa kaniya. Nagulat ako nang bigla nalang siyang napatayo sa upuan niya.

"WHAT?!" she exclaimed. Nataranta ako kaya tumayo rin ako at pilit siyang pinakalma.

Pwede ko bang i-deny na kaibigan ko 'tong si Lei?

"Umupo ka nga lang, Lei! Ang ingay-ingay mo, mamaya magreklamo 'yung kabilang section dahil sigaw ka nang sigaw." Saway sa kaniya ni Angelo, kaklase rin namin.

"Wow ah! Kayo nga nila Jack puro sigawan kanina dahil talo kayo sa nilalaro niyo," sagot sa kaniya ni Lei at umirap. Umupo na ulit si Lei sa upuan niya na katabi lang ng upuan ko. Masama pa rin ang tingin niya sa akin at nakakunot pa rin ang noo niya.

"Lei, nawala ko nga kasi 'yung wallet ko kanina. Kaya siya muna 'yung nagbayad ng pamasahe ko sa jeep kanina kasi namumukhaan niya raw ako. Lagi raw kasi tayong dumadaan sa classroom nila, lagi raw kitang kasama," paliwanag ko sa kaniya. Unti-unti namang nagbago ang masamang tingin niya sa akin, maya-maya ay nakangiti na naman siya at parang kinikilig.

"Talaga?! Napapansin tayo ng crush ko?!" tanong niya. Tumango ako, namula ang pisngi niya dahil sa kilig. Gusto na niyang tumili pero pinipigilan niya dahil baka sawayin na naman siya ng mga kaklase namin. "May naisip ako, Wave!"

"Ano na naman naisip mo?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lei. I am curious whatever idea went inside her mind.

"Ibalik mo sa kaniya bukas 'yung binayad niya sa pamasahe mo kanina sa jeep, siyempre dapat kasama mo ako. Para naman may rason na magkita kami ni Nico!" she explained. Pilit nalang akong napangiti sa mga pinagsasasabi ni Lei, minsan talaga hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan 'to si Lei.

Nang dumating na ang teacher namin ay tumigil na rin muna kami ni Lei sa pag-uusap at tahimik na nakinig sa discussion.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now