Chapter 14

28 30 0
                                    

Nang matapos kaming kumain ng tanghalian, sakto namang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Lei, kaya naman ay agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hello, Lei. Kakatapos ko lang kumain. Saan tayo magkikita?" I inquired.

"Sa may sakayan ng jeep tayo magkita, Wave." Agad niyang sagot sa tanong ko. "Papunta na ako sa sakayan ng jeep, saan ka na?"

Bahagya akong tumawa. "Huwag mo akong lokohin, Lei. Alam kong hindi ka pa nakakaligo." Natawa rin siya sa kabilang linya.

"Sa true lang," she said. Kapag sinabi ni Lei na otw na siya, hindi 'yun totoo. She's always late. Kaya naman madalas ay ako ang naghihintay kay Lei kapag magkikita kami.

"Maligo ka na, huhugasan ko lang 'tong mga pinggan namin. Bagal mo kumilos!" Pabiro kong sabi sa kaniya. Tumawa naman siya bago niya pinatay ang tawag. Gaya nga ng sabi ko kay Lei kanina ay huhugasan ko muna ang mga pinggan.

Nang matapos kon hugasan ang mga pinggan ay hinintay ko nalang ulit na tumawag si Lei, mainit kasi ngayon. Kung hihintayin ko siya nang matagal sa sakayan ng jeep, baka pawis na pawis na ako pagdating niya. Kaya naisipan kong hintayin nalang na tumawag ulit si Lei, para alam ko kung tapos na ba siyang maligo at kung paalis na ba siya sa bahay nila.

Higit kalahating oras ang lumipas, nag-ring ulit ang cellphone ko. Kampante akong sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag dahil sigurado akong si Lei na 'to.

"Hello, Lei. Paalis ka na ba sa bahay niyo?" tanong ko sa kaniya.

Tahimik lamang sa kabilang linya at walang nagsasalita.

"Hello? Lei, naririnig mo ba ako?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Who's Lei? This is Raven." My heart beats so fast just by hearing his voice through the call.

Akala ko pa naman, si Lei na ang tumatawag! Mahina kong natampal ang noo ko dahil nasagot ko ang tawag ni Raven. I've been ignoring his calls, I'm trying to ignore him. I'm trying to distance myself from him because he's already in a relationship with someone else. I'm still confuse on whatever I'm feeling towards him. Ayokong maging dahilan ng misunderstanding nilang dalawa o maging dahilan ng pagtatalo nila.

"Wave? Hello?" I bit my lips to stop myself from talking. "Are you okay? Why you're not talking?"

"Busy ako, bye!" I quickly answered. I immediately dropped the call without waiting for his response. 

Nag-message ako kay Lei, tinanong ko sa kaniya kung nasaan na siya.

Wave Chavez

:san kana
:bagal mo teh
:kanina pa kita hinihintay

Maya-maya ay nag-reply agad si Lei.

Lei Reyes

:wait lang teh
:palabas na me sa bahay namin
:san kana

Hindi na ako nag-reply sa message ni Lei, tumayo na ako at pumunta sa kwarto nila mama.

"Ma, aalis na po ako. Sa sakayan ng jeep po kami magkikita ni Lei," sabi ko. Tumango siya sa akin at pinaalalahanan akong mag-ingat daw kami ni Lei.

Lumabas na ako sa bahay namin at naglakad papuntang sakayan ng jeep. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin ako agad doon. Limang minuto akong naghintay kay Lei bago ko siya nakitang naglalakad papunta rito sa sakayan ng jeep. Late na naman siya, medyo malayo kasi bahay nila rito.

"Ay sige, Lei. Bagalan mo pa paglalakad," pabiro kong sabi sa kaniya. Tumawa naman siya bago tumakbo papunta rito sa kinatatayuan ko.

"Ano ba 'yan! Nagmamadali ka naman, Wave." Reklamo niya nang makarating na siya sa tabi ko. "Tara na nga, sakay na tayo rito sa jeep."

Sakto namang puno na rin ang jeep na nasakyan namin kaya hindi na gaanong naghintay pa ng mga pasahero. Medyo naipit kami sa traffic, higit 15 minutes pa yata ang lumipas bago kami nakarating sa palengke.

"Para po!" Sigaw ko, maingay ang loob ng jeep dahil sa sounds na galing sa speaker. Nakalagay sa ilalim ng mga upuan dito sa jeep ang malalakas na speaker.

Nang huminto ang jeep ay pinaabot na namin sa iba pang pasahero ang pamasahe naming dalawa. Bumaba na agad kami at alertong tumawid sa kalsada.

"Namanhid yata pwet ko roon sa jeep, lakas ng vibration galing doon sa speaker. Grabe ang lakas ng sounds sa ilalim ng upuan!" Reklamo agad ni Lei matapos naming makatawid sa kalsada.

Natawa naman ako sa reaksyon niya, natural na talaga kay Lei ang pagiging maingay at reklamador.

"Saan ba rito 'yung bagong tindahan ng ukay-ukay na sinasabi mo, Lei?" tanong ko sa kaniya. Tinuro niya agad ang tindahan ng ukay-ukay sa bungad pa lang ng palengke.

Naglakad na kami papunta roon. Sakto nga na walang gaanong tao ang namimili ng ukay-ukay dito.

"Ano hanap niyo, mga ate? T-shirt? Shorts? Pantalon? Mga sando ba? Dress? Pasok kayo sa loob, mga ate. Maraming bagong dating na damit, magaganda pa quality," bungad sa amin ng babaeng nagbabantay dito sa tindahan ng ukay-ukay. Pumasok na kami agad ni Lei rito sa loob at kaniya-kaniyang pili na kami ng mga damit na pwede naming bilhin.

Malaki ang tindahan ng ukay-ukay na 'to. Hindi gaanong mainit at nakaayos ang mga damit na binebenta.
Lumapit ako sa mga t-shirt na 25 pesos ang presyo, maraming t-shirt dito ang maganda pa nga ang quality.  Namili ako ng dalawa na sa tingin ko ay kakasya sa akin.

Hinawakan ko na ang mga t-shirt na napili ko at namili pa ng ibang mabibili. Nang lumapit ako sa mga shorts ay nakita ko ang isang short na hanggang tuhod ang haba. Kinuha ko 'yun at mukhang kasya sa akin kaya sinama ko nalang din sa mga t-shirt na napili ko kanina.

"Ang ganda nitong dress, saktong-sakto lang 'yung sukat sa height ko," Lei mentioned. Tuwang-tuwa siya dahil dahil sumakto sa height niya ang hawak niyang dress.

She was holding a simple but nice-looking off shoulder dress, hanggang tuhod ni Lei ang haba no'n.

"Ate, magkano po rito?" tanong ko sa tindera, at saka ko tinuro ang hawak ni Lei na dress. Wala kasing nakalagay na presyo roon sa mga dress na binebenta kaya nagtanong ako.

"D'yan ba? 75 nalang 'yan, maganda pa 'yang dress ah." Agad namang sagot ng tindera.

"75 po, ate? Wala bang tawad? Bigay mo na ng 70 ate," sabi ni Lei. Nag-isip naman sandali ang tindera.

Pumayag siyang ibenta nalang niya kay Lei ang dress na 'yon sa halagang 70. Tuwang-tuwa si Lei nang matapos naming mabayaran ang mga napili naming mga damit. Nagpasalamat kami sa tindera bago kami lumabas doon sa tindahan ng ukay-ukay.

"Ay! Sandali lang, Wave. Inutusan pala ako ni mama na bumili ng isang tray ng itlog, ubos na kasi 'yung itlog sa refrigerator namin." Tumango nalang ako kay Lei at inaya na siyang pumunta sa bilihan ng itlog. Malapit lang naman 'yun dito, kaunting lakad lang.

Bibili na rin siguro ako nung biscuit na pagkain ni Rhys.

Captured Differences (Del Vega Series #1)Where stories live. Discover now