CHAPTER 49

570 42 1
                                    

*RANDOLF's POV*

Nang marinig ni jennifer ang balita ay agad siyang nagsalita.

"Ohh? Nalutas na pala ang kaso ng batang yan." Sabi niya at dun ay agad akong nagtaka.

"Kilala mo ang batang yan?" Tanong ko.

Ngumiti lang si jennifer at sumagot.

"Oo dolfy." Sabi niya at ngumiti.

Pinat4y niya ang tv at lumapit sakin.

"Missed me?" Tanong niya at pumatong sa harap ko habang ako naman ay nakaupo.

"Well, maybe?" Sagot ko.

Agad niya akong hinalikan at naghálikan kaming dalawa sa loob ng van namin.

Medyo nasasarapan ako sa labi niya, kaya aakmang hahawakan ko sana ang d*de ni jennifer at lalamasin nang biglang pinagsisipa ni justine yung pintuan ng van.

Agad akong napailing at nababadtrip.

"WRONG TIMING TALAGA TONG HINAYUPAK NATO!!.." pagdadabog ko.

Natawa naman si jennifer at umalis sa kakapatong sakin.

"HOYY!! PAKIBUKAS!!." Sigaw ni justine sabay sipa ng sipa sa pintuan.

"ITO NA!!... BWESIT NG TAONG TO!!." Sabi ko at binuksan ang sasakyan.

Nang mabuksan ko na at ay agad na pumasok si justine.

"Pwede ba justine! Tumingin ka muna sa salamin bago ka gagawa ng ingay! Baka kasi may ginawa yung tao sa loob diba!?" Naiinis kong sabi.

Agad naman siyang nagtaka at nagsalita.

"Ha? Bukod sa pagdadasal at pagbabasa ng banal na bible na yan (sabay turo sa bible) may iba kapa bang ginagawa?" Takang sabi niya.

Dahil dun ay humalakhak ng tawa si jennifer.

Nga'pala, si jennifer ay ang asawa ko, si justine naman ay kailangan ko.

Actually si Justine ang dahilan kung bakit kami naging magkasintahan ni Jennifer, pinsan kasi niya si Jennifer at gusto raw ni jennifer ang maging supernatural pero ayaw naman payagan ni justine kaya nireto niya sakin para daw magka lovelife ako.

See? Bw£sit talaga ang lalaking yan haha.

Kaya ngayon, medyo nawawala na ako sa pagiging mythical hunters ko dahil sa paranormal nayan. Puro nalang multo, multo, multo.

"Nga'pala justine, bakit ka naparito?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya at nagsalita.

"May goodnews ako para sayo, at bad bews naman para kay jennifer." Sabi niya at nagsalita pa.

"Uunahin ko na ang good news!" Sabi niya at natawa.

"Ang godnews ay may bali balita rawng isang fallen angel ang nagkunwaring tao at nag tatrabaho bilang isang cashier sa bintahan ng karne ng baboy haha." Natatawa niyang sabi.

"E'ano naman ang badnews?" Tanong ko.

Tumawa muna siya bago bagsalita.

"HAHAHA! Ang bad news ay hindi makakapunta si jennifer, hindi ko siya papayagang sumama " ika pa niya.

Dahil dun ay hindi na ako nagulat.

"So, kailan natin yun pupuntahan? Tanong ko.

"Ngayon malamang, hindi pwedeng mananatili yun dito. Alam naman nating pupuntahan yun ni lucifer para gawing demonyo." Sabi niya.

Well, may sense naman. At yan ang isa sa rason kung bakit may Angel Blade ako. Dahil kaming mga supernatural hunters ay ang naghahatid sa mga anghel pabalik sa langit.

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon