CHAPTER 33

859 48 4
                                    

"Ito last na, paano nyo maipaliwanag ang mga fallen angel?" Tanong ko.

Tumingin sakin si randolf at nagsalita.

"Sila ang anghel na malaya, pwede nilang magiging kaaway ang mga sundalo at guard ng langit. I mean guardian angels at archangel. At pwede rin nilang maging kalaban si Lucifer at ang mga demonyong alalay niya." Sabi ni randolf.

Ngayon naintindihan ko na, ang dami ko pang gustong itanong pero nakakahiya naman.

Tumango lang ako at dito nga ay tiningnan ni rosa ang oras at 10:23pm na ng gabi.

Nagpahinga muna si justine, buti nalang at hindi ganun kalala ang sugat na binigay ni randolf.

Habang nag uusap kami ay mas pinili na muna namin na sa van na muna si justine, dahil delikado sa loob ng bahay.

Agad naman nilang inilalayan si justine at sinamahan papasok sa van, nakasunod lang ako sa likod nila, at nang makaupo na sa van si justine ay tsaka ko kinuha ang angel blade at pagkatapos nun ay bumalik na kami sa loob at ino-ON ni randolf ang ghost tracker niya.

Nagsimula kami agad sa pag ha-hunting ng mga kaluluwa, si jack pala ang nandoon sa antique na salamin at yung matanda naman kanina ay kailangan pa naming malaman kung bakit niya pinat4y si jack at kung sino siya.

Habang naglalakad kami sa loob ng bahay ay walang sign na may mga multo, dahil hindi nag rereact ang ghost tracker ni randolf.

Feeling ko tuloy umiwas sila samin matapos mawala ang dalawang kaluluwang yun.

Nagpunta kami sa kusina, pero walang na track yung dala ni randolf.

Kaya dumiretso na kami sa taas at pinuntahan namin ang mga kwarto.

Sa hagdan palang ay medyo umiilaw na yung tracker, kaya medyo naalarma kami. Ibig daw sabihin nun ay nasa malapit lang ang kaluluwa.

Nagpatuloy kami sa pag lalakad hanggang sa nakarating na kami sa 2nd floor.

Naglakad lakad kami at dito nga ay biglang umilaw ang tracker ni randolf at saktong nasa tapat kami ng kwarto ni andrea.

Dahil dun ay bigla akong nagkinabahan, tsaka lumapit sakin si jennifer at nagasalita.

"Huwag mong papat4yin ang kaluluwa pag hindi namin sinabi." Ika pa niya at hinawakan ang angel blade na dala ko tsaka niya dinikit sa gilid ng beywang ko.

"Itago mo muna yan jan." Sabi niya at bumalik na sa gilid ni randolf.

Tinago ko nalang, parang gusto nilang makausap muna yung mga multo.

Pagkatapos nun ay dahan dahan naming binuksan ang pinto at dahan dahan kaming pumasok.

Pagpasok namin ay biglang lumakas ang ilaw ng tracker ni randolf at dahil dun ay may kinuha na parang maliit radio si jennifer at may isang speaker na may anthena.

Pinag isa nila yun at doon ay nilagay sa kama ni andrea, lumayo sila ng kunti kaya lumayo nalang din kami ni rosa.

Pagkatapos nun ay agad na nagsalita si randolf.

"Sino ang nandito!?" Sabi ni niya.

Walang sumagot sa kanya kaya nagsalita siya ulit.

"Wag kang mahiya, magpakita ka!" Dagdag pa niya.

Tumingin tingin ako sa paligid pero walang niisang sign na may kaluluwa dito sa loob.

"Ano ang kailangan mo!? Pwede kaba naming tulungan!?" Dagdag pa ni jennifer.

Tumingin ako sa ghost tracker ni randolf at umiilaw ito ng malakas.

Ilang segundo lang ay biglag lumitaw ang batang babae.

Nang makita namin yung bata ay nakatayo lang siya sa gilid ng bintana.

"J-jessa!?" Sabi ni rosa.

Ngumiti lang siya at hindi sumagot.

Dahan dahang umupo si randolf sa kama, ganun rin si jennifer at kinausap nila si jessa.

"Ahmm... Jessa, may maitutulong ba kami sayo?" Kalmang sabi ni jennifer.

Umiling lang si jessa.

"O kaya may gusto kang ipagawa?" Dagdag pa ni jennifer.

Umiling nanaman ulit si jessa, kaya nag tanong si randolf.

"Kung ganun, bakit kapa nandito sa bahay na'to?" Tanong ni randolf.

Sumagot naman si jessa.

"Dahil nandito sila mama at lyka tsaka si irik." Kunti niyang sabi.

Dahil dun ay naintindihan na nila randolf ang ibig sabihin ng bata, at para sakin kung mawawala na si maria dito sa mundo ay mawawala na rin kaagad ang tatlo niyang anak.

Si anna nalang talaga ang kailangan naming mahanap, dahil si maria ay pumayag nang makipag tulungan samin.

"Ahh, ganun ba jessa... Maliban sa mama mo, may iba pa ba kayong kasama dito?" Tanong ni randolf.

Tumango naman si jessa at sumagot.

"Opo, may mabait po na babae ang nakikipag laro ngayon kay irik." Sabi niya.

Dahil dun ay agad na tumingin sakin si randolf.

"Alam mo ba ang pangalan ng babae jessa?" Sabi ni randolf.

Umiling lang si jessa, kaya nagsalita si Jennifer.

"Alam mo ba kung saan sila nag lalaro?" Tanong niya.

Tumango lang si jessa.

"Kung alam mo, saan naman? Pwede mo bang ituro samin kung saan sila naglalaro?" Tanong ulit ni jennifer.

Doon ay bigla niyang tinaas ang kanyang kanang kamay at tinuro niya ang ilalim ng kama.

Agad naman kaming nagulat, kaya nagsalita si jennifer.

"Nanjan ba si irik at si anna?" Sabi niya.

Tumango naman si jessa at ngumiti, kasabay nun ay agad siyang naglaho.

Tumingin ako kay randolf at dahan dahan niyang binaba ang ghost tracker niya, nang makalapit na sa ilalim ng kama ay bigla nalang naging pat4y ilaw, pat4y ilaw ang ghost tracker.

Agad akong kinabahan, kaya dahan dahang lumapit si rosa sa ilalim ng kama at dali dali ko siyang sinamahan.

Magkasabay kaming umupo ni rosa at dahan dahan kaming dumapa.

Medyo kinabahan ako pero kailangan namin tong gawin.

Nang makadapa na kami ay tumingin muna sakin si rosa kaya tumingin rin ako sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko kaya napangiti ako.

Kasabay nun ay dahan dahan kong tinaas ang kumot at tumingin sa ilalim ng kama.

Pag tingin ko ay sumalubong sa harap namin si anna na ginagaya pa ang posisyon ng katawan ni rosa, samantalang si irik naman ay ginagaya niya ang posisyon ko.

Parehas silang natatawa habang napakapula ng mata ni irik, ang mata naman ni anna ay kulay itim.

Sa takot ko ay agad akong napaatras.

"AAAAHHHH!!.." sigaw ni rosa kaya dali dali ko siyang tinaas.

Bigla namang nagsilabasan sila anna sa ilalim ng kama at lumapit, sinakal ako ni anna samantalang yung batang multo ay patakbo takbo lang sa paligid namin.

"PAPAT4YIN KO KAYO!!..." Sigaw ni anna habang natatawa.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now