CHAPTER 14

1.2K 44 16
                                    

"O-Oo!!.. P-pero hindi talaga ako!!. Ang sabi nila ay ako daw ang may gawa!!.. Pero wala naman akong maalala na pinat4y ko ang mga anak ko!!.." sigaw niya at humagulhol ng iyak.

Wala akong masabi, paano namin malalaman kung ano talaga ang totoo kung hindi naman maalala ni romel ang mga nangyare?

Hinimas himas ni Jennifer ang likod ni romel at dito nga ay nagtanong pa siya.

"Ano ba ang huli mong naalala na magkasama pa kayo ng mga anak mo?" Tanong ni jen.

Pinunasan naman ni romel ang kanyang luha at sumagot.

"Sa pag kakaalam ko, bigla nalang akong nagising na nakaupo na sa sahig at hawak hawak ko ang kuts1ly0 sa kamay ko, tsaka napakaraming dug0 na sa sahig at sa buong damit ko, tapos nakahiga na rin sa sahig ang mga anak ko. Kasama na si maria, ang minamahal kong asawa." Sabi niya.

Napahawak si Jennifer sa panga.

"I see..." Kunti niyang sabi.

Agad kong tinanong si jennifer kung ano ang nasa isip niya.

"Sa tingin mo, ano kaya ang nangyare jen?" Sabi ko.

Tumingin sakin si Jennifer at sumagot.

"May sumanib kay romel na kaluluwa, at ang kaluluwang yun ang pumat4y sa mga anak niya sa pamamagitan ng katawan ni romel." Sagot niya.

Nang marinig ni romel ang sinabi ni Jennifer ay agad siyang kinabahan.

"Sabi na eh!!.. Si anna talaga ang may kagagawan nito!!.." sigaw niya at humagulhol ng iyak.

Sa sinabi ni romel ay bigla kong naalala ang sinabi ni maria na si anna daw ang may gawa ng panananaks4k.

I think hindi siya nagsisinungaling, ang nakita lang ng mga bata ay ang katawan ng ama nila kaya nasasabi nilang si romel ang gumawa ng saks4k sa dibdib nila. Pero ang totoo ay alam ni maria na si anna talaga ang nasa katawan ni romel nung mangyare ang trahedya.

Na gets ko na ang lahat, kaya nagsalita ako.

"Uhm... Sabi kasi ni maria na umalis ka daw romel, at sinabi mo rin na babalikan mo sila sa bahay. Ano ang ibig sabihin nun?" Kalma kong tanong.

Tumingin sakin si romel at sumagot.

"P-papano nyo nalaman yan!? Tsaka paano nyo nakausap si maria!?" Ika pa niya.

Ngumiti naman si Jennifer at sumagot.

"Kagaya ng sinabi ko romel, naniniwala kami sa mga multo. Itong hospital kung nasaan ka ngayon ay sila lang ang hindi naniniwala sa mga multo." Sabi ni jen.

"G-ganun ba... P-pero sa sinasabi ng babae (sabay tingin sakin) ang sagot sa tanong niya ay ganito.." ika pa niya at huminga ng malalim tsaka nag salita.

"Gabi kasi nun, at may isang pulis ang nag bukas ng kasong ginawa ko noong 1995, tsaka nasulba niya ang kaso kaya pinuntahan ako ng mga pulis sa bahay... Nabigla nga ako nun, kaya agad kong pinuntahan ang mag ina ko sa kwarto nila at sinasabi ko na huwag silang aalis sa bahay, dahil babalik at babalik ako.

Pagkatapos ko masabi yun ay agad na akong umalis ng bahay at doon ako dumaan sa likod...

Oo inamin ko na ako ang pumat4y kay anna. Pero hindi ko naman inexpect na babalikan niya ako bilang isang multo at maghihiganti...

Kaya habang pinaghahabol ako ng mga pulis ay biglang nagpakita si anna at iwan ko ba pero parang pumasok siya sa katawan ko, at dahil dun ay bigla nalang akong walang naalala...

Nagising nalang ako na nakaupo na sa sahig at wala akong alam kung ano ang nangyare, aakmang tatayo na sana ako nang biglang may sumipa sa pinto at nakita ko ang mga pulis na sumigaw at nakatutok na sakin ang mga baril nila...

Simula nun ay nakulong ako, kaso hindi pa nakuntento si anna at palagi niya akong tinatakot hanggang ngayon, kaya ang sabi ng mga pulis ay nasiraan na daw ako ng bait at dahil dun ay dinala nila ako dito sa kwartong to..." Pag kikwento pa niya.

Nang marinig namin ang kwento ay parang may tutulungan nanaman kaming isang kaluluwang hindi matatahimik maliban sa pamilya ni romel.

"Ngayon, paano natin dadalhin si romel pabalik sa bahay?" Sabi ni james.

Bukod sa limitado lang ang oras namin sa pag bisita, malapit na rin kaming paalisin.

Agad na kumuha ng camera si Jennifer at nag video.

"Para saan yan?" Tanong ko.

Sumagot naman siya.

"Kahit mag mamakaawa pa tayo sa mga doctor na ilabas si romel ay hinding hindi sila papayag, kaya ang tanging sulosyon nalang natin ay gumawa ng video kung saan magsasalita si romel sa harap ng camera para makumbinsi si maria at matahimik na'rin ang kanyang kaluluwa." Ika pa ni jen.

Dahil dun ay pinapasalita na namin si romel sa harap ng camera at sinasabing patatahimikin na namin ang kaluluwa ni Maria dahil marami na ang natatakot sa asawa niya.

Sa awa ni romel ay napagpasyahan niyang magsalita at dito na nga ay saktong may lumapit na doktor tsaka niya kami pinalabas.

Natapos ang pag uusap namin sa loob ng 30 minuto.

Nang makalabas na kami sa hospital ay madilim na ang paligid at tiningnan ko ang relo ko at alas 6:05PM na ng gabi.

Agad kaming nagtungo sa van at sumakay, bunalik kami sa bahay namin at syempre dumaan na muna kami sa mc do para umorder sa likoran nila, di na kami pumasok.

Kumain kami sa loob ng van habang nag mamaneho si randolf.

Dahil sa traffic ay nakarating kami ng 6:50pm.

Dali dali kaming bumaba at maglalakad na sana ako papasok nang biglang hinawakan ni Jennifer ang kamay ko.

"Kunin mo'to." Sabi niya sabay abot ng isang cruz na kwentas.

"Hindi lang yan basta kwentas lang, niliguan yan ng holy water na may basbas ng panginoon, kayaga lang ng latin bible ni randolf." Sabi niya.

"Thanks." Kunti kong sabi at sinuot ang kwentas.

Agad na kaming naglakad papasok at pagkarating palang namin sa pinto ay nag pat4y ilaw pat4y ilaw nanaman ang ghost tracker ni randolf.

"Ayan nanaman ang signal." Sabi niya.

Agad kong binuksan ang pintuan at dito nga ay pumasok kami sa loob kahit madilim.

Ini-ON ni jen ang flashlight ng phone at tinapat sa bobong kung saan nakalagay ang switch ng ilaw.

Agad ko yung pinuntahan at ini-on.

Okay naman ang lahat at umilaw naman, kaya nakampanti kaming apat at aakmang uupo sa sofa nang biglang namat4y ang ilaw.

Agad kaming nagulat at dito nga ay biglang lumakas ang hangin, yung pintuan ay nag bukas sara bukas sara.

Aakmang lalapitan ni randolf para isara dahil nakakapasok ang hangin sa loob pero biglang lumutang si maria sa ere at galit na galit itong nakatingin samin.

To Be Continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!



DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now