CHAPTER 34

881 54 4
                                    

Pag tingin ko sa ilalim ng kama ay nakita ko si anna at si irik na natatawa.

Sa gulat ko ay bigla akong napaatras at napatayo.

"AAHH!!.." sigaw ni rosa kaya nilapitan ko siya.

Dito nga ay biglang lumabas si anna sa ilalim ng kama at lumapit sakin, sinakal niya ako samantalang yung batang multo ay patakbo takbo lang sa paligid namin.

"PAPAT4YIN KO KAYO!!..." Sigaw ni anna habang natatawa.

"AARRGGHH!!..." Sigaw ko pa at hinawakan ko ang kamay niya, pilit kong kinuha at sinubukang ilayo.

Pero napakalakas niya, kaya tumingin ako kay randolf at dito nga ay nakita ko siyang binuksan ang holy water at binasbasan si anna sa likod.

"AAAHHH!!.." sigaw ni anna at umusok.

Dahil dun ay nabitawan niya ako at aakmang kukunin ko yung angel blade pero biglang sumigaw si jennifer.

"WAGG!!.." sabi niya at tumitig sakin.

Agad ko namang na gets ang punto niya, kaya hinayaan ko nalang si randolf na i handle si anna.

"ANNA!!.. BAKIT KA NANDITO SA LOOB NG BAHAY!!.." sigaw ni randolf.

Agad namang sumungit ang mukha ni anna at aakmang lalapit kay randolf pero hinagisan siya ng holy water, dahilan para umusok at napaatras.

"AAAHHHH!!..." Sigaw pa niya.

"ANNA!!.. MAKIPAGSUNDO KAMI SA'YO!!.." dagdag pa ni randolf.

Tumingin ulit si anna kay randolf at aakmang susugod sa pangalawang pagkakataon pero hinagisan nanaman ni randolf ng holy water, dahilan para mapaupo si anna dahil sa sakit.

"AAAHH!!.. PAPAT4YIN KITAA!!.." sigaw niya.

Lumapit si randolf at binasbasan niya ulit si anna.

"AAHHH!!.. WAAGG!!.." sigaw ni anna.

Hindi nagpadala si randolf at binasbasan nanaman niya ulit si anna ng holy water.

"AAAAHH!!.. TAMA NAA!!.." sigaw ni anna at aakmang gagapang para sana tumakas pero binasbasan nanaman ni randolf ng holy water.

Dahil dun ay nawalan ng lakas si anna at napahiga.

"P-Pakiusap... T-tama... N-na..." Nauutal na sabi ni anna habang napakahina ng boses.

Dito nga ay tumigil naman si randolf at nagsalita.

"Anong kailangan mo dito sa bahay ni maria, anna?" Tanong niya.

Tumingin si anna sa mukha ni randolf at umung0l ng parang aso...

"Grrrhh!!... Ggrrr!!.." ungol pa niya habang hinahabol ang hininga.

Tinaas ni randolf ang holy water at aakmang babasbasan si anna pero biglang umiyak si anna habang napakaraming usok sa katawan niya.

"Waaagg!!.." sigaw niya.

Binaba ni randolf ang holy water at nagsalita.

"Mag salita ka o susunugin kita gamit ang holy water?" Tanong niya.

Hindi nagbukas ng bibig si anna kaya aakmang babasbasan sana niya si anna pero biglang lumapit si Jennifer at pinigilan si randolf.

"Tama na yan, ako na ang makikipag usap." Sabi niya.

Tumingin si jennifer kay anna at si randolf naman ay lumapit sakin, kinuha niya ang angel blade at dali daling sinugatan ang sarili niyang kamay tsaka siya lumapit kay anna at gumawa ng demon trap spell gamit ang dug0 niya.

Sinamantala ni randolf ang pagkakaon habang mahina pa si anna, dahil anytime ay pwede siyang magrecover at baka lalakas nanaman ang hangin tsaka mag liparan ang mga gamit sa loob ng kwarto.

"Anna, ako so jennifer. Nais ko lang malaman kung bakit ka nandito sa loob ng bahay? Diba nasa mental ka at araw araw mong tinatakot si romel? Ang natitirang buhay sa pamilya ni maria?" Tanong ni jennifer.

Tumitig si anna kay jennifer at huminga ng huminga, kaya nagsalita ulit si jennifer.

"Anna? Pwede ko bang malaman ang sagot mo?" Dagdag pa niya.

Tumingin si anna sa paligid at tinitigan niya ako at si rosa, ganun rin kay randolf at jennifer.

Nang makabawi na ng hininga si anna ay dito na siya nag salita.

"Kayo!? Anong kailangan ninyo sakin!?" Sabi niya.

Ilang segundo lang ay unti unti nang nawawala ang usok at unti unti na ring naka recover si anna.

"Gusto lang namin na matulungan ka, ayaw mo bang magpunta sa kabilang buhay?" Kalmang sabi ni jennifer.

Huminga ng malalim si anna at dito nga ay nawala na ang usok sa katawan niya.

"Tulong? Anong klaseng tulong ang maitutulong mo sakin ha!?" Sabi niya.

Dito nga ay natapos na si randolf sa kakagawa ng demon trap spell at saktong nakabawi na ng lakas si anna, kaya agad siyang tumayo at natawa.

"Anna, hangad lang namin ay ang katahimikan ng dalawang to (sabay turo samin ni rosa) dahil mag pamilya sila, at kailangan nila ng mapayapang pamumuhay." Sabi pa ni Jennifer.

Ngumiti si anna at tumingin ng nakakatakot, tinaas niya ang kanang kamay at nagsalita.

"HAHAHA!!.. WALANG MAGIGING MASAYA SA LOOB NG BAHAY NATO!!.." sigaw niya at tinuro si rosa.

Ilang segundong katahimikan ay nagulat si anna dahil hindi lumakas ang hangin tsaka hindi gumalaw ang mga bagay-bagay.

Kaya nagsalita nanaman siya ulit.

"LAHAT KAYO PAPAT4YIN KO!!.." ika pa niya at tinaas ang kabilang kamay.

Dito nga ay wala paring hangin at hindi gumalaw ang mga gamit sa loob ng kwarto.

Agad na nagtaka si anna at nagsalita.

"Ano ang nangyare!? Ano ang ginawa nyo!?" Sabi niya.

Ngumiti lang si jennifer at sumagot.

"Tumingin ka sa ibaba mo anna." Sabi niya.

Tumingin naman si anna at dito nga ay nagulat siya dahil nakaapak siya sa loob ng bilog na gawa sa dug0.

"Ano ang ibig sabihin nito!?" Sabi niya.

Sinagot naman ni jen.

"Isa yang demon trap, pero gagana rin yan sa mga mamasamang kaluluwa." Ika pa ni jen.

"Kaya wala kang ibang pagpipilian kundi ang makipag usap sa'amin ng masinsinan." Dagdag pa ni jen at ngumiti.

Wala ngang pagpipilian si anna at dito nga ay unti unti siyang nagiging maganda, yung buhok niya ay naging straight at naging normal ang mata niya.

Napakaganda ni anna sa normal niyang anyo, May pagka séxy din siya tingnan at maputi. Talagang napakaganda nilang dalawa ni maria.

Huminga ng malalim si anna at nagsalita.

"Ang sagot ko kanina sa tanong mo kung bakit ako nandito ay simple lang, kinuha ko ang pagkakataon habang nasa mental pa kayo at kinausap ninyo si romel. Kaya habang nasa ilalim pa siya ng kama ay agad kona siyang sinapian at nagkunwaring si romel ang kinunan ninyo ng video." Pagpaliwanag pa niya at nagsalita pa.

"Kaya noong paalis na kayo ay tsaka lang ako umalis sa katawan niya at sumama ako sa inyo para maihatid ninyo ako sa bahay ni maria." Ika pa niya.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now