CHAPTER 48

606 43 1
                                    

*MILAGROSA's POV*

Its been 5 months nang mangyare ang kababalaghang yun, hindi parin mawala sa isip ko ang ginawang pang gugulo nila maria at anna sa bago bili naming bahay.

Habang nakasakay ako sa jeep ay huminto ako sa isang restaurant kung saan nangyare ang isang aksidente noon, huminto ako dun dahil bibili ako ng lutong ulam dahil gusto raw ni james ng sinabawang buto ng baka.

Agad akong pumasok sa loob at napansin kong katatapos lang nitong nirepair, may isang bus kasi ang bumangga dito at sa sobrang lakas ay pumasok sa loob ng restaurant ang bus at may namat4y na mga pasahero. Kasama na yung maliit na bata na nakita ko noon.

Nang makalapit na ako sa nagtitinda ay agad akong nagsalita.

"Pabili ng sinabawang buto ng baka." Sabi ko.

Ngumiti naman yung ali at sumagot.

"Sge, ilan ba?" Tanong niya.

"Isa lang hu, pwede paki ramihan nadin ng kunti yung sabaw? Thank you." Sagot ko.

Ngumiti siya at tumalikod, titingin sa sana ako sa ibang mga ulam pero nang umalis na yung ali at kumuha ng plastic ay biglang may isang batang pumalit sa pwesto niya na ikinagulat ko.

Puno ng dug0 ang mukha niya at nawala yung isang mata, napakaputla pa ng kulay niya habang nakanganga yung bibig.

Dahil sa gulat ay napaatras ako sa likod.

"Aah! Ano ba!" Sabi nung babae.

Agad akong lumingon sa likod at nakita kong nasagaan ko yung table ng kumakain doon.

"Ay hala! Pasensya na po!" Panghihingi ko ng patawad.

Agad kong nilingon ang batang babae sa harap at dito nga ay bigla nalang siyang nawala.

Di ko alam kung panibagong problema nanaman ba'tong pinasok ko.

Agad na bumalik yung ali at nag balot ng isang buto ng baka, tsaka niya binigay sakin at nagsalita.

"45 pesos." Sabi niya.

Agad kong kinuha ang pitaka at dumukot ng 50, tsaka ko binigay. Sinuklian niya ako ng 5pesos tsaka ako dali daling umalis sa restaurant na yun.

Umuwi ako sa bahay dahil 11:52am na, 8 minutes nalang at uuwi na yung asawa ko.

Pagkauwi ko ay saktong nakita ko si james na papasok palang sa bahay, kaya tinawag ko siya.

"Hon!" Sigaw ko sabay lapit sa kanya.

Tumingin siya sakin at nang makalapit na ako ay nag halikan muna kami ng ilan minuto tsaka pumasok sa bahay.

Dumiretso kami sa kusina at pinaghanda ko siya ng buto ng baka, masaya naman siyang kumain samantalang umiinom ako ng sabaw ng baka.

Pagkatapos nun ay nagpahinga muna siya ng ilang minuto at bumalik na sa mini computer shop namin para bantayan.

Naiwan nanaman akong mag isa sa bahay, at dito nga ay agad na sumagip sa isip ko ang bata kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung nakita ko noon na nagpapapansin sa babaeng busy sa kaka celphone.

Hindi ko nalang yun ininda at nagpunta ako sa sala, aakmang bubuksan ko sana ang tv nang biglang nahagip ng mga mata ko ang reflection nung bata sa salamin nung tv na ikinagulat ko.

Kaya agad akong lumingon at nagsalita.

"ANONG GINAWA MO DITO SA PAMAMAHAY KO!." Sigaw ko.

Ngunit pag tingin ko sa likod ay biglang naglaho yung bata.

DELIVER US FROM EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon