CHAPTER 23

1K 47 14
                                    

Natapos ang pangyayareng yun na may dalawang tao na nakagat si ate.

Di ko alam kung sinapian ba sya o nasiraan lang ng bait.

Nakaupo lang kami sa kama habang si kael naman ay nakayakap kay mama, hinintay namin kung kailan babalik sa dati si ate pero lumipas nalang ang isang oras ay wala paring nagbago.

Hanggang sa naisipan nalang namin na pumunta sa sala at iwan si ate sa kama niya tsaka nilock namin ang pinto.

Habang nasa sala kami ay pinag isipan nilang mabuti kung ano ang gagawin nila kay ate, hindi namin namalayan na dumating na pala si papa.

Nabigla nalang kami nang biglang may nag pindot ng doorbell.

Binuksan ko ang pinto at pag pasok ni papa ay nagulat siya dahil nandito nanaman ang mga paranormal expert.

"Ohh? Dahil ba'to sa third eye ni rosa?" Sabi niya at ngumiti.

Umiling lang si mama at napansin ni papa na hindi kami masaya kaya tumigil siya sa kakasmile at tiningnan niya si kael.

Nagulat nalang si papa nang makita niya ang kalagayan ng kanyang anak, at dito nga ay ini-explain nila mama ang nangyare.

Nang marinig ni papa ay halos hindi siya maniniwala, pero nang pinakita ni mama ang kagat ay dito na nabigla si papa at niyakap si kael.

Sinabi rin namin ni papa na nandoon sa kwarto si ate at kinulong.

Para sa kaligtasan namin ay naisipan nila papa na patitirahin nanaman kami sa bahay ng kapitbahay namin ng isang araw.

Umuo nalang ako, pinaubaya ko nalang si ate sa kamay ng mga paranormal expert na'yan since kasama naman nila si papa at mama.

Hinatid kami ni papa papunta doon sa kabilang bahay at agad rin siyang bumalik.

*JENNIFER's POV*

Nang makabalik na si james ay agad niyang pinuntahan si marisa, kaya sinamahan na namin.

Pagpasok namin sa kwarto ay tumambad sa harap niya ang isang batang babae na nawawala na sa sariling pag iisip.

Nang makita ni james ang nangyare sa anak niya ay halos hindi siya makakapaniwala, nilapitan niya at tiningnan ang mata.

Para itong malapit nang mabulag dahil may halong puti ang buo niyang mga mata.

Lumapit siya samin at nagsalita.

"Pwede nyo bang e exorcist ang kaluluwang sumapi sa kanya?" Sabi niya.

Tumango ako at sumagot.

"Oo, pero pag gagawin natin yun ay habang-buhay nang mawawala ang kaluluwa, kailangan nating makipag usap muna kung ano ang dahilan ng pag didisturbo nila sa isang tao. Dahil hindi naman sila gagawa ng ganito basta walang dahilan." Sabi ko.

Agad namang nagulat si james.

"Diba ang exorcist ay pag papaalis sa mga kaluluwang sumanib?" Sabi niya.

Tumango ako ulit at sumagot.

"Oo, pero pwede ring hindi. Kagaya nalang ng nangyare kay maria, sinubukan natin siyang paalisin sa katawan ni rosa. Kaso ayaw niyang umalis kaya napilitan kaming sunugin ng kaluluwa niya dahil kung hindi natin gagawin yun ay malamang hindi babalik sa dati si rosa " dagdag ko pa.

Magsasalita sana si james pero nagsalita agad si rosa.

"Kailangan nating malaman kung sino ang nag utos kay irik na pumat4y, dahil parang may nag uutos lang sa kanya. Napansin ko kasing gusto lang niya makipaglaro pero noong sinubukan ko siyang kausapin ay ang sabi niya sakin ay papat4yin daw niya ako dahil may nagsabi sa kanya." Sabi ni rosa.

Tsaka napansin ko ring pinaglaruan lang kami ng bata.

Habang nag uusap kami ay napagpasyahan namin na subukang paalisin ang sumaping kaluluwa sa katawan ni marisa, pero hindi kami gagamit ng holy water para hindi masaktan ang katawan ng bata.

Agad na hinawakan ni james ang batang babae at sa kabila naman ay si milagrosa, si randolf naman ay bumaba, kumuha ng holywater in case of emergency.

Pagkabalik ni randolf ay agad na naming sinimulan.

"In the name of the father, and to the son, to the holy spirit..." Sabi niya at nag sign of the cross.

"Amen." Sabi naming tatlo.

Lumapit ng kunti si randolf at kinuha ang kwentas ni milagrosa na binigay ko noong si maria pa ang multong gustong pumat4y samin, tsaka siya nagsimulang nagsalita.

"Panginoon!!... Ang batang ito ay nangangailangan ng iyong awa para labanan ang iyong anak na gustong angkinin ang katawan ng batang ito!!.." sabi niya at hinarap ang maliit na cross sa kwentas.

Biglang sumigaw at um0ng0l si marisa, parang may gusto siyang sabihin kaya kinuha ni james ang damit sa bibig ni marisa.

Nang makuha na ay agad siyang sumigaw.

"I WILL DELIVER YOU TO EVIL!!.. HAHAHA!!.." sabi niya.

Dahil dun ay agad akong nagulat, ganyan rin ang sinabi ni Maria.

Magsasalita sana ako pero pinagpatuloy na ni randolf ang pag exorcist.

"Humihingi kami ng tulong sa inyo o'aking panginoon upang-.."

Naputol ang pag sasalita ni randolf nang biglang natawa si marisa at nagsalita.

"HAHAHA!!.. PAPAT4YIN KO KAYONG LAHAT!.." sigaw niya at dito nga ay parang familiar ang mga lumalabas sa bibig niya.

Kaya agad kong kinuha ang holywater at binasbasan ko siya ng kunti.

"AAAAHHH!!... PAPAT4YIN KITAAAA!!.." sigaw niya.

Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni rosa.

"M-maria?" Kunti niyang sabi.

Ngumiti lang si marisa at sumagot tsaka siya humalakhak ng tawa.

"You missed me!? HAHAHAHAHA!!.." sabi pa niya at dito nga ay tumingin siya sa mukha ni milagrosa at dinuraan niya.

"HAHAHA!!.. PAPAT4YIN KO KAYO MGA TRAYDOR!!.." sigaw pa niya.

Bigla kaming napaatras.

"P-papanong nandito kapa sa mundo?" Tanong ni randolf.

"Diba nasusunog kana?" Dagdag pa niya.

Natawa lang si maria na nasa katawan ni marisa at hindi sumagot.

Dahil dun ay naalala ko ang video, kaya agad kong nilabas ang phone at dito nga ay hinanap ko ang video tsaka ko pinapakita sa kanya.

"Maria, alam kong nagagalit ka samin nang makita mo ang video. Pero pwede bang sabihin mo samin kung bakit ka nagagalit?" Tanong ko.

Bigla namang sumeryoso si maria at sumagot.

"Pwee!! (Sabay dura sa camera) sa tingin ninyo si romel yang nagsasalita ha!!??" Sabi pa niya at huminga ng malalim tsaka sumigaw.

"HINDDII!!!.. HINDI YAN SI ROMEL!!.." sigaw niya.

Dahil dun ay agad kaming nagulat.

"H-hindi? Pero si romel yan, hindi mo ba naalala ang mukha ng asaw-..."

Naputol ang pagsasalita ko dahil agad siyang nagsalita.

"ALAM KO ANG HITSURA NG ASAWA KO!!.." sigaw niya at sumigaw pa ulit.

"PERO ANG NAGSASALITA JAN SA VIDEO AY SI ANNA!!!..." Dagdag pa niya.

Agad kaming napaatras,

"Anong ibig mong sabihin!?" Sabi ni rosa.

Huminga ng malalim si maria at sumagot.

"DINALA NINYO SA PAMAMAHAY KO ANG KALULUWA NI ANNA!!.." sigaw niya at dito nga ay biglang humangin ng malakas.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now