CHAPTER 38

832 60 3
                                    

Tumingin sakin si randolf at dito nga ay lumapit siya sa lamesa, pagkalapit niya ay aakmang hahawakan sana niya ang lamesa nang biglang may tumakbo nanaman sa likuran namin.

Agad kaming napalingon pero pag lingon namin ay wala namang tao o kaya multo.

Kaya hindi nalang yun ininda ni randolf at hinawakan niya ang lamesa.

"Parang may kakaiba." Sabi niya.

"Anong kakaiba?" Sagot ko.

Kinuha niya ang holy water sa bulsa at winisikan niya ng kunti.

Dito nga ay biglang nag usok ang lamesa.

Dahil dun ay tumingin si randolf sa paligid at agad na nagsalita.

"Sino ka!?... Pwede kanang lumabas!." Ika pa niya.

Mga limang segundong katahimikan ay walang sumagot sa kanya winisikan pa niya ulit ng holy water ang lamesa.

"Magpakita ka! Hindi ka namin sasaktan!." Dagdag pa niya.

Tumahimik kami at nag antay ng multong lilitaw pero wala parin, kaya binuhusan ni randolf ng maraming holy water.

Agad na umusok ng marami ang nalagyan ng holy water sa lamesa, at dahil dun ay biglang may sumigaw sa ilalim ng lamesa.

"AAAHHH!!.." sigaw niya at lumabas sa ilalim.

Agad kaming napaatras at nakita namin ang batang babae na kasama nila jesaa ar irik.

Takot na takot ang batang multong to, hindi kagaya ni irik na siya pa mismo ang nananakot samin.

"P-pakiusap!.. wag nyo akong saktan!!." Sigaw niya at umiyak.

Agad namang ngumiti si jennifer at nakipag usap ng mahinahon.

"Hello, ako nga pala si jennifer. Tawagin mo nalang akong ate jen." Kalmang sabi niya.

"Ikaw? Anong pangalan mo?" Dagdag pa ni jennifer.

Tumigil sa kakaiyak ang bata at sumagot.

"L-lyka po." Kunti niyang sabi.

Huminga ng maluwag si jennifer at nagsalita ulit.

"Okay, uhm... Lyka huwag ka sanang matakot kay ate ha? May itatanong lang ako sayo." Ika pa niya.

Halatang kinabahan ang batang multo, tsaka base sa litrato doon sa lamesa ay kamukha niya ang isang babaeng katabi ni jessa. I think si lyka ang pangatlong anak ni maria.

Sumagot naman si lyka.

"P-pero wag nyo sana akong p-pat4yin..." Takot na sabi ni Lyka.

Ngumiti lang si jennifer at sumagot.

"Oo lyka, hindi kami masama." Sabi niya.

"P-pero, p-pinat4y ninyo ang m-matanda kanina kasama si t-tito jack." Sabi niya.

Tumingin ako kay randolf at nagsalita.

"Nakita pala niya ang pangyayareng yun." Mahina kong sabi.

Tumango lang si randolf kaya hinayaan nalang namin si jennifer na ang bahalang makipag usap sa bata.

"Ganun ba lyka, masasama kasi sila kaya denidepensahan lang namin ang sarili namin. Pero feeling ko mabait ka naman, kaya hindi namin gagawin yun sayo." Kalmang sabi niya.

Dahil dun ay hindi na sumagot si lyka kaya sinimulan na ni jennifer ang pag tatanong tungkol sa kompanya.

"Uhmm.. lyka, may alam kaba tungkol sa kompanya ng pamilya mo?" Tanong ni jennifer.

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now