CHAPTER 30

948 58 15
                                    

Paglingon namin ay bigla nalang akong nagulat, dahil nakita ko si jennifer na kasama si rosa at nagsalita siya.

"Oh, justine. Nandito ka pala?" Takang sabi niya.

Dahil dun ay bigla kaming nagulat.

"Tsaka, bat mo binalik yung antique na salmin?" Dagdag pa ni jennifer.

Agad na binuksan ni randolf ang isa pang holy water at dahan dahan siyang lumapit kay jennifer.

Nang makalapit na siya ay doon niya binasbasan ang katawan ni jennifer.

Dahil dun ay biglang nagtaka si jen at nagsalita.

"Hmm.. dolfy?" Kunting niyang sabi.

Napabugtong hininga kami nang malaman naming totoong tao sila.

Dahil dun ay sinermonan ni randolf si jennifer.

"Saan kaba galing jennifer ha!? Ang akala namin ikaw yung kanina pa namin kasama!" Sabi ni randolf.

Agad na nagtaka si Jen at sumagot.

"Ha? Bakit? May iba pa ba kayong kasama maliban sa inyo?" Tanong niya.

Tumango kami at pinaliwanag namin na may gumagaya sa mga katawan nila maliban kay rosa.

Ilang minitong pag paliwanag ay nagulat rin sila, tsaka pinaliwanag rin ni jennifer kung bakit siya nawala sa bahay.

Sinabi niya na pag gising daw niya ay siya lang daw mag isa sa sofa kaya lumabas siya at pumunta sa kabilang bahay, baka daw nandoon kaming lahat.

At alam naman namin na sa mga oras na yan ay nasa kwarto kaming tatlo nila randolf, dahil sa mga kaluluwa na ginagaya nila ang kayawan ng mga anak ko.

"I see..." Sabi ni rosa at nagsalita naman si jennifer.

"Kailangan na natin tong tapusin." Sabi ni jennifer.

At dito nga ay pinakita niya ang ghost tracker ni randolf, dinala pala niya.

Dahil dun ay agad na natuwa si randolf at agad niyang sinagot si jennifer.

"Nga pala jen, walo pala silang lahat dito. Sabi nung gumagaya sa katawan mo." Sabi niya.

Tumango lang si jennifer at dito nga ay napag pasyahan na naming huntingin ang walong kaluluwang hindi matatahimik.

Pumayag na rin ako dahil may isang supernatural naman kaming kasama at isang paranormal expert. At dating supernatural na ngayon ay paranormal nalang na si randolf.

Kinuha ni randolf ang tracker at pinagana, si Justine naman ay ang humahawak sa angel blade ni randolf tsaka si jennifer ang nag hahawak ng natitirang holy water at holy bible ni randolf pang exorcism.

Dito kami nag simula sa basement, sa mismong antique na salamin kami nag sisimula.

Dinikit ni randolf ang ghost tracker at umilaw ito ng umilaw.

Dahil dun ay agad na binigay ni jennifer ang holy bible at holy water, at sinimulan na namin ang pag basbas sa Antique.

Binuksan ni randolf ang bible at nag hanap ng pahina, nang makahanap na ay tsaka na siya nagsalita.

"In the name of the father, and to the son, to the holy spirit..." sabi niya at nag sign of the cross.

"Amen.." sabi naming apat.

Tumingin si randolf sa salamin at nagsalita.

"Ama namin, sumasalangit ka." Sabi niya at binasbasan niya ng holy water ang salamin.

Bigla naman itong umusok na ikinagulat nila jen at rosa.

"Sambahin ang ngalan mo, mapasa'amin ang kaharian mo." Dagdag pa ni randolf at binasbasan ulit ng holy water ang Antique.

Umusok nanaman ito ng umusok.

"Sundin ang loob mo, dito sa lupa para lang sa langit." Ika pa ni randolf at dito nga ay may biglang tumakbo sa likuran namin.

Titingnan ko sana pero siniko ako ni justine.

"Wag mo silang pansinin, mag focus kalang." Sabi niya.

Hindi ko nalang yun pinansin at nakinig ako kay randolf.

"Bigyan nyo po kami ng lakas na loob ngayong gabi para itaboy ang mga anak ninyong hindi na nararapat pa dito sa mundo." Sabi niya.

Parang naninibago ako sa prayer, hindi kasi ganyan yung nakasanayan kong Our Father.

"At patawarin nyo po kami sa aming mga kasalanan, kagaya nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin." Sabi pa niya at binasbasan ng dalawang beses ang Antique.

Umusok ng umusok ang Antique at dito nga ay biglang natumba ang mga lumang gamit sa gilid-gilid.

Agad akong nabigla pero hindi parin namin pinansin.

"At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya mo kami sa lahat ng masama." Sabi pa ni randolf at binasbasan ng huling basbas ang antique.

Dahil dun ay biglang umusok pa ang Antique at gumalaw.

Agad kaming napaatras at napansin nalang naming may tumatawa sa gilid.

"Amen." Sabi naming lahat at dito nga ay biglang may nag relfect na lalaki sa salamin na ikinagulat namin.

Napaatras kaming lahat at tsaka bigla nalang itong sumugod.

"PAPAT4YIN KO KAYOO!!.." sabi niya at lumabas ang reflection sa salamin.

Lumapit siya kay randolf at bigla niyang sinakal.

"AAAHHH!!.." sigaw randolf at dito nga ay aakmang lalapitan sana ni Justine ang multo para saksakin ng angel blade pero biglang nagsalita si randolf.

"WAG JUSTINE!!.." sigaw niya.

Napatigil naman si justine sa kakalakad at huminto.

"Bakit!?" Sagot ni justine.

"Gumawa ka nang kulungan!!." Sagot ni randolf.

Tumango nalang si justine at nagpunta sa likod ng multo, dahil ang multo ay nakasakal sa leeg ni randolf.

Habang gumagawa ng kulungan si Justine ay nakipag usap naman si randolf sa multo.

"K-kapatid... N-ni maria..." Ika pa ni randolf.

Agad namang nagulat yung multo nang marinig niya ang pangalan.

"P-PAANO MO NALAMAN ANG PANGALAN NG ATE KO!!?" Sigaw niya.

Sinara ni randolf ang holy bible at dinikit sa mukha ng lalaking multo ang cover na may tatsulok at mata sa gitna.

"AAAAAHHHH!!.." sigaw ng multo at napaatras dahil umuusok ang pisnge niya.

"Kumalma kalang!!.. nandito kami para tulungan ka!!." Ika pa ni randolf.

Nakita kong nasasaktan ang multo nung dinikit ni randolf ang holy bible, tsaka siya sumagot.

"BAKIT!!.. ANO BA ANG MATUTULONG MO!!.." sabi niya at hinawakan ang dibdib.

Doon namin nakita ang sugat niya, parang silang lahat yata ay may sugat sa dibdib.

Agad namang lumapit si jennifer at sumagot.

"Humingi ng tulong ang ate mo samin, kaya pakiusap makipagtulungan ka samin." Sabi niya.

Dahil dun ay mas lalo pa siyang nagalit at sumagot.

"WALAAA!!.. WALA KAYONG MAITUTULONG!!.." sigaw niya at aakmang maglalaho pero tinapunan ng kunting holy water ni randolf ang multo.

Dahil dun ay umusok ang lalaki.

"AAAHH!!.. GUSTO NYO BANG MAMAT4Y!!??" Sabi niya.

Aakmang mag lalaho nanaman yung multo pero binasbasan nanaman ni randolf, dahilan para umusok ang multo at napaatras dahil sa sakit.

Dahil dun ay mas lalong nagagalit ang multo at aakmang susugurin niya si randolf nang bigla siyang hindi makaalis sa tinatayuan niya.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILDär berättelser lever. Upptäck nu