CHAPTER 35

823 56 4
                                    

"Ang sagot ko sa tanong mo kung bakit ako nandito ay simple lang, kinuha ko ang pagkakataon habang nasa mental pa kayo para sumama sa inyo papunta sa bahay ni maria." Sabi niya.

Agad namang nag tanong ulit si jennifer.

"Tapos? Anong kailangan mo ngayong nandito kana sa bahay niya?" Tanong ni jennifer.

Sumagot si anna at nagpaliwanag.

"Ang totoo talagang rason kung bakit nagpunta ako dito ay dahil kukunin ko ang papelist ng kompanyang nararapat sa amin!." Sabi niya.

"Pero pat4y kana anna, paano mo naman patatakbuhin ang kompanya?" Tanong ni jen.

Huminga siya ng malalim at nagsalita.

"Hindi ako ang mag papatakbo, kundi ang pinakamamahal kong bunsong kapatid." Ika pa niya.

Doon ay agad akong nagulat, may buhay pa palang kapatid si anna.

"Bakit hindi mo nalang hayaan na ang kapatid mo ang kukuha?" Tanong pa ni jen.

Sinagot naman ni anna.

"Hindi pwede, dahil nasa kalsada natutulog ang pinakamamahal kong kapatid, nagiging palaboy siya pagkatapos makuha nila maria ang kompanyang pinaghirapan ni mamang at papang para sa kinabukasan namin ng kapatid ko bago sila mamaalam dito sa mundo." Ika pa niya.

Dahil dun ay parang naintindihan ko ang pagmamahal ni anna sa kanyang kapatid, tanging yan nalang siguro ang rason kung bakit siya nandito pa sa lupa.

Magtatanong sana ako pero nagsalita pa si anna.

"Bago ako mawala, gusto ko lang naman na magiging maayos ang buhay ng kapatid ko. Gusto kong makita na masaya siya." Ika pa ni anna at nag salita pa.

"Dahil disi-otso palang ako ay nawala na ako sa mundong to, at sa panahong yun ay 12 years old palang ang bunso kong kapatid."

"Sa murang edad ay naranasan na niyang matulog sa kalsada, nag mamakaawa para humingi ng pagkain."

"At dahil lumaki sa mayaman ang kapatid ko ay wala siyang alam na trabaho. Kaya sa sobrang galit ang nararamdaman ko sa mga panahong yun sa pamilya ni maria, ay pinag iisa isa ko silang pinat4y para makuha ko ulit ang papelist ng kompanya namin at maibigay ko sa kapatid ko." Pag ki-kwento pa niya.

Sa narinig ko ay biglang nawala ang takot ko, napalitan ito ng awa.

"Kung ganun, ano pala ang rason kung bakit nasa mental ka at tinatakot mo si romel?" Tanong ni jennifer.

Sumagot naman si anna.

"Dahil siya nalang ang natitirang buhay sa pamilya nila, kung hindi lang nagpadala sa katawan ni maria si romel ay malamang namumuhay sana siya ngayon bilang isang panadero sa lungsod." Sabi niya at nagsalita pa.

"Tinakot ko si romel dahil gusto ko na pipirmahan niya agad ang papelist pag nakuha ko na." Dagdag pa niya.

Ganun pala ang plano ni anna, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kapatid niya ay handa siyang gawin ang lahat.

"Pero sobrang tagal na nun anna, siguro naman namumuhay na ng normal ang kapatid mo?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti, dahil dun ay bigla akong magulat. Kitang-kita ko sa mukha niya ang saya. Tsaka siya sumagot.

"Oo james, may nakilala siyang babae na palaboy laboy lang din, at dahil dun ay nagawa nilang mag mahalan. Kaso nga'lang, namumuhay lang sila sa kalsada, at nag bubuhat ng mga nakakalakal nilang basura." Sabi niya at biglang nalungkot.

Agad ko namang binilang ang edad ng kapatid niya, kasi namat4y si anna noong 1995, tapos 12 years old palang ang kapatid niya, tsaka 2023 na ngayon, so 12+28=40.

"So, 40 na taong gulang na ang kapatid mo ngayon?" Tanong ko.

Ngumiti siya ulit at tumango.

"I see..." Sabi ko.

Dito nga ay agad kaming napangiti, biglang nawala ang mga takot namin nang marinig namin ang side ni anna.

At dito ko nalaman na ang matanda palang na saks4k ng angel blade ay ang papang ni anna, at si jack ang bunso ni maria.

Base sa nangyari noon, ang nananakot lang samin ay si jack, tapos noong nakulong na namin si jack ay tsaka lang lumabas ang papang ni anna para kunin ang pagkakataon na yun para mawala sa mundo si jack.

Parang nagtutulungan silang dalawa ni anna para maitama ang pagkakamali.

Tumingin ako kay rosa, at nakita ko siyang masaya.

Ngayon alam na namin na hindi pala ganun kasama si anna, at sa palagay ko ay kung bakit nahihirapan kaming mahanap si anna ay dahil wala siyang balak na magpakita samin. Gusto lang niya hanapin ang nasabing papelist.

Napahinga ako ng maluwag, tsaka nalaman din namin na ginamit lang pala ni anna si irik para pang depensa kay maria kung sakaling mag cross ang kanilang landas.

So, si maria lang pala talaga at si romel ang kontra bida sa buhay nila anna.

Tiningnan ko si anna at napakasaya niya nang mailabas niya ang kanyang matagal nang dinamdam sa dibdib.

Masaya rin sila jennifer at randolf, kaya pala ayaw pat4yin ni jennifer agad. Dahil lahat ng mga kaluluwang hindi natatahimik ay may kanya kanyang dahilan at rason.

First time kong maka encounter ng ganito, yung feeling na napakasaya dahil may nalaman kaming maganda.

Lumapit ako kay jennifer at randolf, si rosa din ay lumapit samin. Napaupo kami sa kama ni andrea.

"Ngayon, ano na ang susunod nating gagawin?" Tanong ko.

Tumingin naman si randolf sakin at nagsalita.

"Since nahatid na natin si jack sa purgatoryo ay malamang wala na tayong tutulungan sa side ni Maria, kaya ang susunod nating tutulungan ay si anna na makuha ang papelist." Sabi ni randolf.

Agad namang nagsalita si jennifer.

"At bago natin yan gawin, kailangan muna nating malaman kung ano ang puno't dulo ng lahat. Hindi pa nga natin alam kung sino yung sinasabi ni jack na ikakasal o mag iisang dibdib para sa ikabubuti ng kompanya." Sabi ni Jennifer.

Oo nga pala, napakadami talagang mystery sa bahay na'to. Para kaming mga detective dahil sa mga multong to.

At dahil nakakulong lang si anna ay agad akong napahiga at nagpahinga.

Tiningnan ko ang oras at saktong 11:34PM na ng gabi, ilang minuto nalang ay mag 12midnight na.

Habang nakahiga ako ay napansin kong nawala si irik.

Hindi ko nalang sana iindahin ang batang yun pero nong pumikit ako ay biglang may bumulong sa teynga ko.

To be continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWhere stories live. Discover now