CHAPTER 9

1.4K 36 18
                                    

"WAAAAAHH!!..." sigaw ng bata kasabay nun ay biglang lumutang yung TV at lumipad papunta kay james.

"James!! Ilag!!.." sigaw ni father.

Agad namang umupo si james nang marinig niya ang sigaw ni father.

Dahil dun ay naligtas nga siya sa kapahamakan, tumingin ako sa batang multo pero bigla nalang siyang naglaho.

Agad kong nilipat ang tingin ko sa babaeng multo pero nawala na rin siya, tsaka napansin ko nalang na binuhat na ni father Joseph ang sofa na nakaharang sa katawan ko.

Agad akong tumayo at saktong sinubukang buksan ni father ang pintuan at sa wakas ay nabuksan nga niya.

Dali dali kaming lumabas pati si james, nang makalabas na kami ay napahawak nalang si father sa tuhod niya at huminga ng malalim.

Ganun rin si james habang nagdudurugo pa ang kanyang balikat dahil sa sugat.

"Wala akong magawa sa bahay ninyo, pasensya na talaga." Sabi ni father.

Napatingin nalang sakin si james at ngumiti, kasabay nun ay agad siyang lumapit sakin at niyakap, hinalikan niya ako sa noo.

"Okay lang father, talagang nakakatakot ang bahay nayan. Ininom ba naman yung holy water." Sabi ni james.

Agad na kaming sumakay ng jeep at hinatid namin si father sa simbahan, humingi na'rin kami ng pasensya dahil muntik pa siyang mamat4y dahil lang sa pagbasbas ng bagong bili naming bahay.

Pagkatapos namin mahatid si father ay nagtungo kami sa hospital at pina check up ko si james.

Nang malaman kong okay na si james ay agad akong napangiti, kasabay nun ay naghanap ako ng paranormal expert sa social media para kausapin o gawan ng solusyon ang bahay namin tsaka makausap na rin namin yung multo.

Nahanap ko ang grupo na pinangalanang 'Ghost hunters' at kinuntak ko sila.

Ilang minuto lang ay nakalabas na kami ng hospital dahil hindi naman ganun kalala ang sugat ni james.

Umuwi kaming dalawa pero hindi kami pumasok sa bahay, nag antay lang kami kung kailan darating yung paranormal team na kinuntak ko.

Habang nag aantay kami ay biglang lumapit samin yung kapitbahay na tumulong samin kanina at pinapasok nila kami sa bahay nila at doon ay taos pusong nila kaming niwelcome.

"Pasensya na ha, di ko kasi alam na ganun ang mangyayare samin." Sabi ko.

Ngumiti naman yung ali at sumagot.

"Maliit na bagay, tsaka ano na ang balak ninyo ngayon?" Tanong niya.

"Ito, kumuha kami ng paranormal team baka sakaling may maitutulong sila." Sagot ko.

Tumango lang yung ali at doon ay nagluto kami ng  tanghalian at kumain, ilang oras ang lumipas ay saktong kakatapos lang namin kumain ay dumating na yung mga paranormal team.

Nagpaalam kami ni james at lumabas na sa bahay nila, kasabay nun ay nilapitan namin yung mga paranormal expert.

"Magandang hapon." Bati ng babae.

Napatingin ako sa relo ko at dito ko nalaman na alas 1:20pm na pala, di ko namalayan ang oras dahil napasarap yung pag uusap namin kanina.

"Magandang hapon rin, ako pala si milagrosa. Just call me rosa nalang." Sabi ko.

Ngumiti siya at sumagot.

"Ako si jennifer, tawagin mo nalang akong jen (sabay tingin sa kanan at tinuro niya yung lalaki) sya nga pala si Randolf." Pagpakilala pa niya.

Ngumiti naman si Randolf at kumaway.

Ngumiti rin ako at nagpakilala si james.

Kwinento ko sa kanila ang nangyare kanina at sa nangyare noong tumawag kami ng pari.

Ilang minutong pag kikwento ay namangha sila sa nalaman.

"Wow, yan ang tunay." Sabi ni randolf at tumingin sa sugat ni james.

Pagkatapos nun ay agad na silang bumalik sa van at kumuha ng mga kakaibang gamit tsaka sila bumalik at dito nga ay nag aya na silang pumasok kaming apat sa bahay.

Nagsimula na akong kabahan, ilang oras nalang at uuwi na sila marisa.

Tumingin ako sa dalawang experto at nakita kong hindi manlang sila kinabahan at agad na kaming naglakad papunta sa loob.

Paghawak ko palang sa doorknob ay kinikilabutan na ako, pero hindi ako nagpadala sa takot at binuksàn ko na agad ang pinto.

Bago sila pumasok ay hinanda muna nila ghost tracker at mga iba't ibang bagay na hindi ko alam kung ano ang pangalan.

Dahan dahan silang pumasok sa bahay at dito nga ay biglang umilaw ng kulay red na ilaw ng ghost tracker nila.

"Parang malakas ang presensya ng multong to ahh." Sabi ni randolf at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating na kami sa sala ay agad na nabigla si Randolf, dahil pat4y ilaw pat4y ilaw yung dala niyang tracker.

Bigla kaming napahinto at sinubukang ayusin ni randolf ang ghost tracker niyang dala pero nagulat nalang kami nang biglang sumabog yung tracker at kasabay nang biglaang pag sara ng pintuan.

Agad kaming nagulat at dali daling tumakbo si jennifer para sana buksan ang pinto pero nang makalapit na siya ay hindi na ito mabuksan.

Lumaki ang kanilang mga mata at agad na nilabas ni jennifer ang kanyang kwentas na cruz.

Si randolf naman ay may dalang bible na latin yung lengwahe.

Napansin ko si jennifer na hindi umalis sa kinatatayuan niya at parang may tinitingnan siya sa gilid ng tv.

Dahil dun ay agad kaming nagtaka ni james, tsaka nagsalita si randolf.

"Anong nakikita mo jen?" Tanong niya.

Sumagot naman si jennifer.

"Isang batang babae, nakatingin siya ngayon satin." Ika pa niya.

Agad kong tiningnan yung gilid ng tv at wala naman akong nakita.

"Segurado ka?" Tanong ni james.

Tumango kang si Jennifer at dahan dahan siyang lumapit sa gilid ng tv kasabay nang pagtatanong niya.

"Sino ka?" Kakmang sabi ni Jennifer.

Naguguluhan talaga kami hanggang sa nagsalita si randolf.

"Si jennifer ay may third eye, nakakakita siya ng mga hindi natin nakikita." Sabi niya.

Dahil dun ay doon ko napag alaman na totoo pala ang mga ganyan at magsasalita sana ako pero nagsalita pa si Jennifer.

"Ahh... Ikaw si Jessa?" Dagdag pa niya at huminahon siyang umupo sa sahig dahil yung sofa namin ay nasa gilid ng pintuan nilagay ni father joseph noong sinubukan niya akong tulungan.

"Pwede kabang magpakita samin jessa?" Dagdag pa ni jen.

Dito nga ay unti unting nagpakita ang batang babae at hindi nga ako nagkamali, dahil ang batang babae na yun ay ang kasama sa tatlong batang multo na may saks4k sa dibdib na nakita namin sa kwarto.

To be Continue...

SenyoritongAnel

Author's Note:
Dont forget to vote before you leave.
And please FOLLOW me.

Thanks for reading!

DELIVER US FROM EVILWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu