FFML EPISODE 3

81 3 0
                                    

Hindi ako makatingin kay Mama ng diretso. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung paano ko aaminin sa kaniya ang totoo. Ang daming pumapasok sa utak ko. Paano kung hindi rin nila ako tanggapin kagaya ng kay Kuya? Knowing them, alam kong hindi nila ito babalewalain.

Muli kong pinagmasdan si Mama. Sumisimsim ito ng kape habang abala sa tablet na hawak niya. Tumikhim ako upang makuha ko ang atensyon nito. At sa sandaling iniangat nito sa akin ang tingin ay muli na namang sumibol ang kaba sa dibdib ko.

"Ma.." Panimula ko. Kinakabahan ako pero kailangan ko itong gawin. Kailangan kong umamin. Mas mabuti na iyung malaman nila mismo sa akin kaysa sa iba manggaling. Kung ano man ang kalalabasan nito ay 'yun ang dapat kong tanggapin at paghandaan.

Ibinaba ni Mama ang tablet at ibinigay nito sa akin ang buong atensyon. Hindi ito nagsalita pero alam kong hinihintay nito ang sasabihin ko. "Ma, may gi-"

"Good morning." Naudlot ang sasabihin ko sa biglang pagdating ni Daddy. Napalingon ako sa kaniya maging si Mommy. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Daddy sa aming dalawa ng aking ina. "May mali ba?" Seryoso nitong tanong habang ang mga mata ay nakapukol lang kay Mama.

"May sinasabi kasi itong anak mo. Ano nga ulit iyun, Yeona?" Ibinaling muli ni Mama ang tingin sa akin at sa pagkakataong ito ay pati na si Daddy ay naghihintay ng sasabihin ko. Umupo ako sa tapat ni Mommy saka umiling-iling.

Sinimulan kong sumandok ng fried rice at maingat iyung nilagay sa platong nasa harap ko. "Wala po 'yun, Ma." Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang ito ay agad kong sinimulan ang pagkain. Marahil ay hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Hindi ko nagawang iangat ang tingin dahil ramdam ko ang tingin ng magulang ko sa akin. Alam kong hindi sila naniniwala, lalo na sa kilos ko.

Napatalon ako sa gulat nang may biglang tumakip sa mata ko. Naglalakad lang naman ako sa tahimik na pasilyo, at nag-iisip ng paraan kung paano ko ipagtatapat ang totoo sa kanila nang may kung sinong tumakip sa mata ako at kumakaladkad na sa akin kung saan. I swear, kapag nakawala ako sa hawak niya, papaulanan ko siya ng suntok. Rinig ko ang pagbukas ng pinto at ang dahan-dahan nitong pagtulak sa akin papasok sa loob.

Agad kong inihanda ang kamao ko para sa kaniya ngunit bigla ako nitong niyakap at agad nanlalaki ang mata ko nang mapagtanto kong si Rensey pala ito.

"Shhh.. Don't move. I miss you." Suway nito sa akin nang tangkain kong kumawala sa yakap niya. "Did I scare you that much?" Bahagya nitong inilayo ang katawan at sinilip ang mukha ko.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Agad din gumuhit ang pag-aalala sa itsura nito. "Sorry. I'm just.. I'm excited to see you.. to be with you." Lihim akong napangiti nang bitawan niya ang mga salitang ito. Well, Miss ko rin naman siya. Dalawang araw din kayang hindi ko siya nakita.

"I miss you more, Meimuu." Turan ko pero isang irap ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Miss mo ako pero hindi ka nagrereply?" Biglang naging masungit ang tono ng boses nito at hindi lang iyun dahil tumaas pa ang isang kilay nito. Wow. "Naghihirap kana ba at wala kang load pangreply? Free naman ang messenger ha."

Kinuha ko ang kamay nito saka marahan kong hinalikan. Umiwas ito ng tingin at halata ko sa mukha niya ang pamumula.

"I was busy doing my schoolworks." I said. "Babawi ako ngayon." Lumiwanag ang ekspresyon ng mukha nito lalo na nang halikan ko muli ang kamay niya.

"Talaga? Kahit ano?" She mumbled saka ako nito hinila sa mahabang sofa na nasa office niya. Pinaupo niya ako rito kasunod nun ang pag-upo niya sa lap ko na labis kong ikinabigla.

"Rensey!" Suway ko sa kaniya. Pinanlakihan lang ako nito ng mata nang akmain kong ilisin siya dito. Sa huli ay hinayaan ko nalang siya tutal maganda naman siya e.

PROFESSOR SERIES حيث تعيش القصص. اكتشف الآن