FFML FINALE

105 4 0
                                    

Isang hindi katandaang babae ang sumalubong sa amin ni Rensey nang makapasok ang sasakyan nito sa isang modernong bahay. Sa labas palang ng bahay ay makikita mo na agad ang personality ng mga nakatira rito.

"Good morning, Ma'am." Masayang bati sa amin ng babae saka inayos ang natabinging apron nito. Todo ngiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Nakangiti ring tumango sa kaniya si Rensey bago ako nito hilahin papasok ng bahay.

Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko dahil mamemeet ko na talaga ang buong pamilya niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko nang mapansin niya ang pagtahimik ko. Kahit naman na sinabi nitong excited akong makilala ng family niya ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-isip ng kung ano. Paano kung hindi nila ako nagustuhan?

"Ate.." Isang batang babae ang agad tumakbo kay Rensey nang makapasok kami sa sala. Agad nagningning ang mata ko dahil sa kakyutang taglay nito. Sa isang tingin mo palang ay makikita mo na little version siya ni Rensey.

"Miss mo agad si Ate?" Malambing na tanong sa kaniya ni Rensey saka ito binuhat. Tumango-tango ang bata saka ako nito itinuro gamit ang maliliit niyang kamay. "Sino 'yan? Kilala mo ba siya?" Tanong ni Rensey sa kaniya saka ako nito pilyong tinignan.

"Ate Yuna, asawa ni Ate." Masigla nitong turan na ikinapula ng pisngi ko. Ngumisi sa akin si Rensey bago ito lumakad palapit sa isa ring babae na sa tingin ko ay nasa edad sampu. Seryoso lang itong nakatingin sa TV. Kung hindi pa siya tinabihan ni Rensey ay hindi ito titingin sa amin. Nang makita ako nito ay agad itong ngumiti sa akin saka tumayo. Gulat ako nang yakapin ako nito.

"Ate Yeona.." Turan nito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi ko inaasahan ang kilos nito. Akala ko ay snob ito base na rin sa seryosong ekspresyon nito ngunit hindi pala.

"Look honey, andito na sila." Isang malamyos na tinig ang narinig ko mula sa likod ko. Nang bumitaw sa akin ang kapatid ni Rensey ay nakangiti akong lumingon dito. Isang morenang babae na may hawak na bowl ng popcorn ang nakatingin din sa akin. "Mana talaga sa akin ang anak ko, magaling mamili. Hey, darling." Inilapag nito ang bowl sa coffee table saka ako inalukan ng yakap. Muli ay hindi ako nakagalaw.

"Good morning po." Magalang kong bati nang pakawalan ako nito sa kaniyang yakap.

"Drop the po Darling, I'm still young." Usal nito saka binalingan ng nakakalokong tingin si Rensey. Napansin ko ang pamumula ng pisngi ng girlfriend ko. "Honey, hurry up. Your daughter's girlfriend is here. She's beautiful like me."

Isang nagmamadaling yabag ang narinig ko mula sa hagdan. Nang lingunin ko ito ay natigil sa paghakbang ang matangkad na babae na may mahabang buhok. Sa unang tingin palang ay mapapansin mo agad na isa siyang modelo dahil sa tindig niya. Gulat itong nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay nagmamadali itong lumakad palapit sa akin.

"Bagay kang maging model ng clothing line namin, sweetie." Natutuwa nitong saad. "Rensey baby, napakaganda naman ng girlfriend mo. Yeona tama ba? Halika, marami akong ikwekwento sa'yo about Rensey." Hinila nito ang braso.

"Ma." Nagmamaktol na saad ni Rensey. Taas kilay na lumingon sa kaniya ang babaeng ngayon ay hawak parin ang braso ko.

"What? She deserves to know kung paano mo siya ikwento sa amin, araw at gabi."

"Ma naman." Asik ni Rensey saka ako hinila palapit sa kaniya. Natatawa naman ang babaeng morena. "Sila ang mommy ko. Sina Renley at Renbey ang kapatid ko." Pakilala sa akin ni Rensey. Nakangiti sa akin ang mga ito na parang kilalang-kilala na ako. Mukhang inaasahan na rin nila ang pagdating ko sa bahay nila.

"Oh, ituloy natin ang kwentuhan sa kusina. Marami akong niluto, lahat paborito mo." Wika sa akin ng mommy ni Rensey saka ikinawit ang kamay sa braso ko. Naiiling na lamang si Rensey. Marami pang kwento ang dalawang Mommy nito habang papunta kami sa kusina. Hindi ko na nga alam kung sino ang papakinggan ko sa kanilang dalawa. Minsan ay nagtatalo pa sa kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now