CME FINALE

228 10 0
                                    

Nakatuon ang buong atensyon ko sa files ng bagong kasong hawak ko. Hinilot ko muli ang aking noo dahil kanina pa sumasakit ang ulo ko, ilang gabi na akong walang sapat na tulog.



"Atty Erin." Umayos ako nang pagkakaupo sa swivel chair nang pumasok ang intern namin dito sa firm.



"Yes?" Maikling tugon ko sa kaniya. Lumakad ito papalapit sa akin saka niya inilapag ang mga bagong files na may kaugnayan sa kasong hawak ko. "Ito na lahat 'yun?" Usisa ko muli saka inisa-isang tinignan ang dokumento.



"Yes Attorney." Tumango-tango ako sa kaniya. Nagtataka akong tinignan ito nang nanatili itong nakatingin sa akin. Ginawaran ko ito ng nagtatanong na tingin. "Yung kabilang partido, humanap daw sila ng ibang Attorney na hahawak doon sa kaso."



"What do you mean?" Pinaningkitan ko ito ng mata.



"Nagback-out daw kasi yung nakuha nilang Attorney nang malaman nilang ikaw yung hahawak ng kaso, kaya kinailangan nilang humanap ng iba."



"Nakahanap na ba sila?" Bigla itong natahimik sa tanong ko. Lumunok pa ito at tila kinabahan siya. "Silent means yes." Bumuntong hininga ako saka sumandal sa swivel chair.



"Ang dinig ko po ay sikat daw na Attorney sa ibang bansa yung nakuha nila. Umuwi siya dito sa Pilipinas 1 year ago at ayun pa sa ibang information na nakuha ko, siya ang bunsong kapatid nang nagmamay-ari ng Chadelion Firm."



"Chadelion Firm." Hinimas ko ang aking baba saka inalala ang mga impormasyong alam ko patungkol sa Firm na iyun. Balita kong ni isang beses ay hindi pa natatalo ang Firm na ito dahil mahuhusay daw ang mga Attorney nila dito. "Nakuha mo ba yung pangalan nung Attorney?"



"Nabanggit rin iyun sa akin nung nakausap ko e, kaso nawala sa isip ko. Mahaba kasi yung pangalan niya." Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga. Sa huli ay tumango na lamang ako sa kaniya.



Ilang hakbang nalang ay makakapasok na ako sa loob ng court room ngunit biglang tumunog ang telepono ko na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Kunot-noo kong sinagot ang tawag ng kaibigan ko.



"Joy?" Sinalubong ako ng maingay na background nito.



"Erin, birthday ng asawa ko ngayon, nasan kana? Diba sabi ko pumunta ka." Pasigaw nitong saad. Napasapo ako ng noo nang maalala ko ang imbitasyon nito.



"Sorry I can't, Joy. May trial ako." Mahinahon kong saad saka muling inihakbang ang paa ko papasok. Rinig ko ang pabulong-bulong niya sa kabilang linya. Nanahimik nalang ako saka tuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang harap kung saan naroon na rin ang kliyente ko. "I call you back later, Joy." Saad ko saka ko ibinaba ang tawag.



Matapos kong iayos ang sarili ko ay binalingan ko ang kabilang bahagi ng court room, kung saan naroroon ang kabilang panig. Pansin kong wala pa ang Attorney nila.



Nang dumating na ang tatlong judge ay muli akong tumingin sa kabilang partido. Tahimik ang mga naroroon at mukha silang kalmado. Nagtataka tuloy ako kung paano sila kakalma gayong wala pa ang abogado nila.



Nanaig ang sandaling katahimikan sa loob hanggang sa bumukas ang pintuan ng silid. Halos lahat ng taong nasa loob ay napalingon dito. Huminga ako ng malalim bago ko dahan-dahang inikot ang leeg ko upang makita kung sino ang taong iyun. Ganun na lamang ang pagsibol ng malakas na kabog ng dibdib ko at tila nawala ang mga tao sa paligid ko, liban sa aming dalawa.



Sopistikadang pumasok roon ang babaeng higit sampung taon ko ng hindi nakikita. Si Miss Chad. Sa bawat tunog ng takong nito ay sumasabay ang palakas na palakas na tibok ng puso ko. Ang pagkakabigla ay lalo pang tumindi nang lumanding ang tingin nito sa akin. Sandaling nanatili ang tingin nito sa akin hanggang siya mismo ang nagbawi ng tingin.

PROFESSOR SERIES Where stories live. Discover now