FFML EPISODE 4

97 4 0
                                    


Iginala ko ang tingin nang makapasok ako sa loob ng opisina ni Lolo. Kabado pa ako dahil sa biglang pagpapatawag nito sa akin. Kahit na batid kong alam na nito ang totoong pagkatao ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng kaba. What if ganun lang siya dahil nakaharap si Rensey sa amin? What if ayaw niya lang masira ang image niya?

Bumuntong hininga muna ako bago ako naglakad patungo sa bakanteng upuan na nasa harap ng lamesa niya. Nakatingin lang sa akin si Lolo habang nakasandal ang likod sa swivel chair niya. Sa mga tingin nito ay mukhang hinihintay ako nitong makaupo. Nang makaupo ako ay tumikhim ito saka ipinatong ang siko sa lamesa. Umiwas ako ng tingin.

Nang hindi magsalita si Lolo ay muli kong iginala ang tingin sa paligid. Nakaayos ang lahat ng gamit ni Lolo. Maraming libro ang nasa shelves. May mga frame kung saan nakalagay ang picture nila ni Lola. Sa lahat ng picture na nakadisplay ay naagaw ng pansin ko ang isang picture na nasa pinakataas. Picture iyun ng kabataan ni Lolo kasama ng isang lalake.

Napabawi ako ng tingin sa litrato nang muling bumukas ang pintuan ng silid. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Kuya ang pumasok doon. Mukhang kakarating lang nito dahil na rin sa suot. Nag-bow ito kay Lolo bago lumapit at umupo sa upuang nasa tapat ko.

Muling tumikhim si Lolo bago nagsalit-salit ang tingin sa amin ni Kuya. Pansin ko ang kabang nakaguhit sa mukha ng Kuya ko.

"Andrei, how's your relationship with Jion?" Napatingin ako muli kay Kuya nang tanungin siya ni Lolo. Halatang gulat din ito.

"Ok- okay lang po, Lo." Magalang nitong sagot. Tumango sa kaniya ang Lolo saka nito ibinaling ang tingin sa akin.

"And you?" Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko upang doon kumuha ng lakas ng loob.

"We're okay po." Maikli kong tugon. Kumunot pa noo ni Kuya, nakalimutan ko palang hindi pa nito alam ang relasyong mayron ako. Bumuntong hininga si Lolo saka sumandal muli sa swivel chair at itiningala ang tingin sa picture na kanina lang ay tinitignan ko.

"Nung kaedad niyo ako, ganiyan din ako. Marco is my greatest love.." Gulat kaming pareho ni Kuya sa mga salitang binitawan ng Lolo namin. Hindi namin ito inaasahan. "Nung nalaman kong baliko ka Andrei, nakaramdam ako ng saya, kasi alam kong sa akin mo iyun namana, pero hindi ko maiwasang hindi matakot. Baka husgahan ka rin gaya ng nangyari sa akin, baka masaktan rin kayo gaya ng sakit na naramdaman ko noon." Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Lolo nang tumingin ito sa amin. Mahahalata mo sa mga mata nito ang labis na pagmamahal sa lalake. Ang labis na pangungulila.

Tipid na ngumiti si Lolo saka binuksan ang drawer na nasa tabi ng lamesa niya. Kinuha niya roon ang dalawang kulay puting box. Iniabot niya sa amin iyun ni Kuya. Puno ng kyuryusidad ang buong pagkatao ko kung anong laman nun kaya agad ko itong binuksan. Isa iyung bracelet na kagaya ng suot naming magpapamilya.

"Give it to them. It's a sign na welcome na sila sa family natin." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Lolo.

"Totoo po ba-" Hindi itinuloy ni Kuya ang sasabihin niya nang tumayo si Lolo at lumapit sa kaniya. Maging ako ay nagulat lalo na ng yakapin ni Lolo ito. "Thankyou po." Mahinang usal ni Kuya saka mahigpit na niyakap si Lolo.

Maybe- I was wrong. Mali ako ng iniisip kay Lolo. He's strong outside, but truth is, he's a softhearted person. In addition, siguro ay nabigla rin ito sa mga nalaman kay Kuya Andrie noon kaya ganun ang reaksyon niya. Alam kong ganoon din ang magulang namin. Maybe, dapat ay maging understanding din kami pagdating sa kanila. Dahil darating din naman yung araw na matatanggap nila ang pagkatao namin. Na mapagtatanto rin nila hindi kasalanan ang maging ganito- ang magmahal ng kapareho mong kasarian. Just be patient with them. One day, magigising ka nalang isang umaga na tanggap kana nila. Besides, sino bang magulang ang hindi susuportahan ang anak lalo na kung nakikita niya itong masaya. Siguro hindi ngayon o matatagalan pa, pero sooner or later, mararamdaman mo nalang na masaya sila para sa'yo.

PROFESSOR SERIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon