FFML EPISODE 2

103 4 0
                                    

"Miss Garcia, repeat." Napairap ako sa kawalan nang muli kong marinig ang sigaw ni Rensey or should I say Professor Rensey Chua kasunod ng pagpito nito. Nasa gym kami ngayon ng mga kapwa ko swimmer para mag-ehersiyo. "Mali, Miss Garcia." Hindi ko alam kung ilang beses na nitong pinapaulit ang ginagawa ko, kung ilang beses na niyang sinabi na mali ang ginagawa ko. At hindi ko alam kung sinasadya ba niya akong pahirapan. Ano bang mali sa ginagawa ko?

Huminto ako sa pagkilos saka ito binalingan ng tingin. Naka-jogging pants ito na kulay itim at nakasuot siya ng kulay puting v-neck shirt. May nakasabit na pito sa leeg nito. Muli akong napabuga ng hangin nang itaas nito ang kilay sa akin. Great. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"Okay, dismissed. Miss Gracia, stay." Napaupo na lamang ako sa puting tiles habang ang mga kasama ko ay nakangiti ng aalis. Uuwi na sila while me- nevermind. "Miss Gracia, you're spacing out."

Inaalis nito ang pitong nakasabit sa leeg habang papalapit sa akin. Tikom ang bibig kong pinapanuod lamang ito.

"Hanggang kailan mo ako tititigan, Miss Garcia?" Nilagay nito ang kamay sa kaniyang baywang habang nakataas ang kilay.

"Ano bang mali sa ginagawa ko, Rensey. Ilang ulit mo akong pinapaulit kahit tama naman." Untag ko. Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito.

"I am your professor, Miss Garcia. Address me as Professor Chua. At anong tama? Mali ang posisyon ng paa mo." Wika niya saka ako pinasadahan ng tingin. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa tiles dahil bigla akong nakaramdam ng pagkaconcious sa tinging ipinukol niya.

"Paano ba dapat? E pareho lang naman kahit anong posis-"

"Get up. I'll teach you." Hindi agad ako kumilos nang sabihin niya ito kaya lalong tumaas ang perpektong kilay nito. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya. Ilang saglit pa ay iniyuko nito ang katawan, pinantayan nito ang aking mukha. "Do you have any problem with me, Yeona?" Bulong nito saka bahagyang itinulak ang balikat ko. Nawala ako sa matinong pag-iisip nang makitang malapit na malapit ang mukha nito sa akin. Napalunok ako ng madiin nang gumuhit ang ngisi sa labi nito.

"Wal-wala Professor." Pinilit kong ngumiti sa kaniya kasunod nun ang pag-iling. "Turuan mo na po ako." Umiwas ako ng tingin dahil para akong nalulunod sa tinging iginagawad nito.

"Wala na ako sa mood magturo, Yeona." Mahinang ang pagkakasambit nito habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin. Titig na titig ito sa mata ko hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi ko.

Muli kong iniwas ang tingin at pilit ko rin iniwaksi ang eksenang nabubuo sa isip ko. Tumikhim pa ako, sinusubukang i-divert sa iba ang atensyon. Nang hindi ito kumilos ay inakma kong iurong ang katawan ko upang makalayo ng bahagya sa kaniya but she pulled my shirt making me stop. Gulat akong napatingin muli sa kaniya.

"Rensey, may cctv dito-"

"The hell I care, Yeona." Itinulak ako nito pahiga sa tiles kasunod nun ang pagpatong niya sa akin. Agad kong hinawakan ang waist nito upang suportahan ang bigat niya. "Yeonah.." She cupped my face as she started kissing me.

"Renseyhm.." Nagsimulang gumalaw ang labi nito. Nang makabawi ako ay ibinalik ko ang halik na iginagawad nito. Ibinalik ko ang halik niya with the same intensity. "Hmmm." She's exploring every corner of my mouth.

Sinamaan ako nito ng tingin nang ihiwalay ko ang labi sa kaniya. "Baka may pumunta dito."

"No one, Yeona." Wika nito na may nakaguhit na ngisi sa kaniyang labi. Muli akong napalunok dahil sa sinabi nito. Gagawin ba namin dito yun, dito sa gym talaga? Imbes na makaramdam ng kaba ay naexcite pa ako sa iisiping may mangyayari sa amin. Idiniin nito ang katawan sa akin before capturing my lips again.

PROFESSOR SERIES Donde viven las historias. Descúbrelo ahora