Chapter 19

2.5K 110 8
                                    

Freen

"Nabalitaan ko yung nangyari sayo, sigurado kabang walang kinalaman ang gobernador dito?"

Napatayo ako at galit na tumingin sakanya

"Pwede ba Ma'am Ana.. tigilan mo na ang pangengealam sa buhay ko..di ko kailangan ng tulong mo.."

she took a deep breath

"Freen upo-"

"aalis nako.."

nandito kasi kami sa loob ng faculty at wala namang ibang teacher dito dahil lunch time na

"Freen you have a potential to grow, you're good at drawing and also good in math.."

"what do you mean?"

"matutulungan kitang makaalis dit-"

"never mangyayari yan."

napaupo ako sa bangko at nag isip ng malalim, walang nakaka alam na bihag ako ng Gobernador, ang alam lang nila ay trabahante lang ako nito sa hacienda

"Bakit?.." I didn't answer her thats why she continue "look freen, pwede kang kunin ng Lolo ko at mabibigyan ka nya ng scholarship..para makapag aral sa engineering school sa manila."

Lumaki ang mata ko sa sinabi nya

yun ang pangarap ni nanay kay ate, kaso nagkasakit ito

"bakit mo ginagawa toh?" tanong ko

inilihis nya ang tingin nya sakin at pinaglaruan ang ballpen na hawak nya

"I'm a fresh graduate student and I applied here to exercise my knowledge at para mag karon ng experience na makapag turo dito sa probinsya.. nung nalaman ko ang mga sabi sabi tungkol sayo, lagi ng tumatakbo sa isip ko yun.. totoo bang hindi ka pinapasahod ng Goberna-"

"Naaawa kaba sakin?" napatawa ako "at kung maaari wag mo nang mababanggit yan ulit.."

"Totoo ba freen?"

umiling ako

"sabi sabi nga lang diba?." I lean on the chair and relax my back since she doesn't want me to go

"hindi lang yun freen, sinasaktan karin..at yung nangyari sayo ngayon? na pinilit kang gumamit ng droga ng tauhan nito.. napapatunayan lang yun na hindi ka nila tinatrato ng tama.."

"Pag nalaman ni Gov. na may kumakalat nanaman na chismiss tungkol sakin.. siguradong malilintikan nanaman ang school nato.."

her eyes widened

natahimik sya bigla at nag isip ng malalim

bakit ba pinoproblema nya pa ako eh hindi nya naman ako kaano ano

hinawakan ko ang kamay nya na nagpagulat sakanya, tinitigan ko sya ng maigi sa mga mata

"Okay lang po ako...at yung mga sabi sabi hindi naman lahat yun totoo.. Ma'am ana kung sakali man na gusto kong umalis sa lugar na ito... ikaw ang una kong lalapitan."

kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata nya at ang pamumula ng pisngi nya

"Pe-pero-" utal na angal nito

"Freen."

Napalingon ako sa pintuan at nakatayo na dun si becca, nakasimangot sya at mukhang galit

hinila ni ma'am ana ang kamay nya ng makita si becca

"Pwede kanang mag lunch." sabi nito

huminga muna ako ng malalim bago tinungo ang pintuan, papalapit nako ng naglakad agad si becca paalis, kaya sinundan ko nalang

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now