Chapter 14

1.9K 95 6
                                    

Freen

"Bakit bah ayaw mong sa bahay nalang tayo gumawa? may wifi naman kami dun.."

gusto kong matawa sa mukha nyang nakasimangot dahil ang hina ng signal kanina pa

Nag lalakad kami ngayon papuntang kakahuyan dahil hindi naman pwedeng pumasok ang kotse dito dahil puro puno

"Buti pa umuwi ka nalang ang ingay mo."

napatahimik sya bigla

Tumingin ako sakanya at sinara nya nalang ang laptop nya

"ang sabi ni manang magkapit bahay daw kayo?"

"Oo bakit?"

"bakit sabi mo hindi?"

"Hmm secret hideout ko kasi yung bahay malapit sa falls pero alam ni manang na yun dahil nakapunta na sya dati."

tumango tango ito

"so dalawa ang bahay mo?"

sa totoo lang hindi ko naman bahay yung sa tabi nila manang alicia dahil kulungan ko yun, maliit lang yun na sementong pa box na bahay na akala mo ay bodega lang

iba ang dinadaan ko papuntang falls para kahit papano meron akong lugar na akin lang

"Bakit ba napakadami mong tanong? hays.. "

"Sorry.." she pout

I control myself not to smile

"wag mong sasabihin kahit kanino na may bahay ako dito ah, malilintikan ka sakin."

she nodded

Nakarating kami ng tanghali na, dahil sa pag lalakad, bigla pa syang napahinto ng nasa may pintuan na kami

inilibot nya ang mga mata nya simula sa bubong ng bahay ko hanggang pababa sa lupa

yung bahay ko kasi nasa ilalim na ng Puno ng mangga kung lalagyan mo lang siguro ng bakod tong bahay ko eh hindi mo aakalain na may tumitira dito

nung bata pako medyo nalalakihan pa ako sa bahay namin pero habang lumalaki nako maliit lang pala

"Ikaw lang ba nakatira dito mag isa?"

tumango lang ako.

pumasok kami sa loob at agad nyang ipinatong sa mesa ang laptop nya at bag

dahil mag isa nalang ako dito tinanggal ko na ang devider ng kwarto ko at kwarto ni ate

umupo sya sa upuan at inopen ang laptop nya

"hey.." tawag nya

pumasok ako sa kwarto at gumapang na sa higaan ko at inakap ang unan, bamboo kasi ang sahig ng kwarto kaya malamig dito kahit walang kuryente

"kaya mo na yan matutulog lang ako."

"what? pagkatapos mo kong dalhin dito ako lang pala isa ang gagawa?" sermon nya sa labas ng kwarto

tumingin ako sakanya at ang sama ng tingin nya sakin, kitang kita nya ako sa loob dahil wala naman akong pinto at kurtina

"May tatlong araw pa naman tayo diba?"

"Hays bakit kasi ikaw pa naging partner ko.. nakakastress, hindi lang naman isang subject ang meron tayo.."

"Stress kana nyan? tsk³..ikaw naman nag pumilit na gumawa nito agad agad..may trabaho pa ako sainyo mamaya kailangan kong matulog, marami pang walang partner sa school palitan mo nalang ako.." inis na sabi ko

Tumayo nako at lumapit sakanya

"Hindi ba talaga tayo magkakasundo kahit sa ganitong bagay nalang?" pagod na tanong nya

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now