Chapter 16

2.1K 114 9
                                    

Freen

"Nam.."

"bakit?"

"may alam kaba na trabaho na pwede kong pasukan?"

nandito kami ni nam sa may 4th floor at sinasamahan akong naninigarilyo, bata pa lang ako ng tinuruan nako ng mga nag babantay sakin kung pano manigarilyo..halos sila lang rin nag bibigay sakin ng isang kaha kada linggo, nung una labag pa sa kalooban ko pero habang tumatagal nagiging comfort ko na, lalo na pag stress ako o natatakot

"Hoy Sarocha." Bigla nalang ako sinapak sa ulo nito

"tsk. arayyy."

"Maawa ka sa katawan mo, may trabaho ka na nga eh dadagdagan mo pa.."

"Eh kailangan ko ng pera?"

"Pera? bibigyan nalang kita."

"wala akong pambayad sayo noh.."

"bigay nga eh-"

"hindi pwede, hayss."

Gusto ko kasi sanang bilhan ng bulaklak si becca or kahit pang libre man lang, kung sakaling ayain ko ng date..

maling mali tong nagagawa ko sakanya itong mga nakaraang araw, Oo galit ako sakanya kaya hindi sadyang hindi ko sya narerespeto, babae rin ako.. alam ko kung ano ang pakiramdam pag alam kong yun lang ang ginagawa sakin

maling mali na ginalaw ko si becca, nakokonsensya ako.. ayoko na syang pahirapan pa, gusto ko sana syang kaibiganin ulit pero nung nakita ko si nop na nanliligaw sakanya sa mansion, parang ayoko na syang kaibiganin, gusto ko nalang sya maging akin..

kahit anong pigil ko sa puso ko, gustong gusto ko na sya, idinadaan ko nalang sa galit para lang masunod ang gusto ko

"Magkano ba kailangan mo?"

inupot ko yung sigarilyo sa semento at itinapon na ito sa basurahan

"Wag na nga... balik na tayo, late na tayo oh."

hinila ko na sya para bumalik na ng room, naghati lang kasi kami sa pagkain nya

hays..wala kasi si manang at Natalia ngayon dahil may isang linggong leave si manang para makabisita sa pamilya nya sa probinsya sa Cagayan, kaya wala ng nagbibigay sakin ng pagkain, minsan naman si manong nag bibigay sakin tuwing may pagkakataon na magka engkwentro kami
-

"Freen you can talk to me.."

"Ma'am Ana okay lang po ako"

uwian na ng bigla akong kausapin ni Ma'am ana kaya kailangan kong magpahuli ng uwi

kami nalang dalawa ang nasa loob ng classroom at pinipilit akong mag open up sakanya

"Hindi na biro ang pagkakaroon mo ng pasa madalas sa katawan, may nananakit sayo Freen bakit hindi mo sabihin at mag hingi ng tulong sa mga teachers o sakin?"

ipinatong nito ang kamay nya sa kamay ko at hinawakan ng mahigpit

"Ma'am ana.. hayaan nyo na po, ayoko na po ng gulo.." pagod ko syang tiningnan

"alam kong nag tatrabaho ka sa Hacienda ng Gobernador, sila ba ang nananakit sayo? pakiusap freen.. alam kong kailangan mo ng proteksyon dahil wala kana ring mga magulang.."

biglang bumilis ang paghinga ko dahil sa galit

binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya, ang pinaka ayaw ko yung pinapaalala sakin na wala nakong magulang at mag isa nalang ako

napalingon ako sa may bintana ng classroom ng makita ko si becca na mukhang kakarating lang nya nagkasalubong pa ang mga mata namin

may nakalimutan ba sya?

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now