Chapter 12

2K 109 9
                                    

Poblacion Malaya ay ang pinaka magandang lugar para sakin dahil nandito ang ala-ala ng mga magulang ko, ayokong umalis

pero

napapagod nako

simula ng bata pa ako bihag nako ng Gobernador, utosan at pag nag kamali hindi lang normal na palo ang natatamo ko, hindi nila naririnig ang iyak ko dahil mas natutuwa pa silang nasasaktan ako

ang sabi pa ng tauhan ni Gov. si kevin daw ang panganay nila at pinaka mamahal na anak at nakatadhana na magmamana ng hacienda at magiging sunod na Gobernador, kaso pinatay ko

gusto kong malaman sino yung lalaking tumakbo papuntang kakahuyan dahil sigurado akong pinahawak nya lang kay becca ang patalim na yun

bakit kaya ako yung tinuro nyang may gawa nun? wala naman akong ginawang masama sakanya, nagalit ba sya sakin nung gabing pinilit ko syang umuwi? pero hindi ko maintindan dahil sinusubukan ko syang kausapin nun pero parang hindi nya ko naririnig at nakikita

hindi ko alam pano ako nakasurvive sa loob ng ilang taon ng walang pera, si manang alicia lang ang nagbibigay sakin ng pagkain madalas

malaya naman akong nakakapaglibot sa poblacion, nakakauwi pa rin naman ako sa bahay namin

May DSWD na pumunta kila gov. at may nakapag sumbong na may inaalila daw sila na batang babae, mabilis kasi kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko Hanggang sa paiba iba na ang mag impormasyon dahil sa mga tao

Napaka galing ni Gov. magpa ikot ng tao, akala ko makakaligtas nako pero umuwi pa yung DSWD na may ngiti sa labi

kapalit ng kalayaan ko at makapag aral ay naging trabahante nako ng Hacienda

pina boy cut ako ni Gov. para maiwasan ang sabi sabi sa poblacion nung bata pako at naging boy ang tawag sakin ng mga tauhan ni Gov.

pag may okasyon na nagaganap sa hacienda tuwing may mag tatanong kung sino ako, ang sinasabi ni gov. 'ah yan si boy anak ng tauhan ko'

trabahanteng walang sweldo at halos walang pahinga madalas..

sinubukan kung magbenta ng isda sa palengke para atleast may pang baon sa school pero halos wala nakong oras para sa ibang bagay, dahil nag tatrabaho ako sa hacienda at mas pinipiling mag pahinga nalang sa bahay at matulog

Gusto ko lang naman umalis ng poblacion dahil kay Gov. alam kong hindi tama yung ginagawa nila, sabi pa ng tauhan nya swerte ko pa daw dahil hindi na nila ako kinukulong sa selda at malayang nagagawa ang gusto at nakakapag aral pa

pero narealize ko.. kinulong lang nila ako dito sa loob ng poblacion, bawat Fieldtrip bawal ako sumama

at narealize ko na kung bakit, pwede pala akong makatakas kung sakali

tuwing nag tatangka akong tumakas lagi akong bigo at napaparusahan

ang saya ko dahil ang principal at mga guro parang may alam sila sa sitwasyon ko at hindi nako pinapabayad ng kahit ano

chismis nga kung baga

dahil nagulat sila habang lumalake eh babae pala ako, hindi nako pumayag na galawin nila ang buhok ko, tuwing pumapasok ako na may pasa dun lang napapatunayan ang mga chismis nila na preso ako ng Gobernador at pinapayagan lang na makapag aral

tagong chismiss yan dito sa poblacion, makapangyarihan si Gov. at iniiwasan nilang mag karon ng balita na nagpapakalat ng kahit ano

"Ano? uulit kapa?" Tanong ni Rudolfo

umiling ako

halos tatlong araw nakong nakakulong dito halos hindi ko lang napansin dahil nahihimatay ako dahil sa hindi ako makahinga pag masikip at madilim ang lugar, tuwing nagigising ako nawawalan ako ng malay agad

Prisoner of the Governor's daughter's heart - Freenbecky Where stories live. Discover now