Tiningnan lang ako ni Kuya Uno at parang sinasabi ng mga mata niya na totoo nga 'yong narinig ko. Sinulyapan ako ni Kuya Ash na parang binabasa yung utak ko.
"H-hindi biro lang, meron talaga" Nag-iwas ako ng tingin at kinuha pa ang isang paperbag na may lamang Hoodie, perfume, at Chocolate. Magkakapareho lang silang tatlo magkakaiba nga lang 'yung amoy ng perfume para hindi sila magkatulad ng amoy.
Inabot ko kay kuya Uno ang paperbag ng hindi tumitingin sa kanya, nagkunwari lang akong pinapanood si Manang Fe. "Gago ka talaga, Ash kahit kailan." Rinig kong sabi ni Kuya Uno, tsaka ko naramdaman na kinuha na niya ang paper bag sa kamay ko. "Bakit na naman ba?" Mahina lang ang boses nilang dalawa pero naririnig ko.
"Manong Ambo, Manang Fe, Kuya Ash and Kuya Uno" Tiningnan ko sila. "May request lang sana ako" Ngumiti ako at pinasingkit 'yong mata ko.
"Ano?" Kuya Ash
"Ano 'yun ija?" Manang Fe
"Sige ba" Manong Ambo.
Tanging si Kuya Uno lang ang hindi nagsalita, talagang nakinig lang siya sa akin. "Ayaw ko po kasing tinatawag na Ma'am, hindi naman po ako katulad nila mom and dad" Ngumiti ako ng pilit. Ayaw ko kasi talagang tinatawag na ma'am lalo na kapag malapit na ang loob ko sa isang tao.
"Pleaseeeee......" Ngumuso ako at nagpuppy eyes pa sa kanila. Alam kong ang pangit ko sa ganong porma pero, bahala na. Tumawa si Kuya Uno ganon rin sila manang at manong ambo, si Ash kasi parang nagpipigil ng tae.
"Ano ba gusto mong itawag sa'yo" Tanong ni Lucas. Kanina pa itong lalaki na ito, kung kausapin ako parang close na close kami ah. Pero baka gusto mung tawagin akong mahal, 'di biro lang. "You can call me, Reign" Nginitian ko siya pero kaagad ko ring binawi. Nakita ko pang Tunulak siya ni Kuya Ash tsaka tumawa. Problema ng dalawang lalaking 'to.
"Tama na muna 'yan, Reign? luto na yung paborito mo" sabi ni manang Fe kaya tumango ako. "Sabay na tayo lahat, tutal birthday ko rin naman at wala sila mom dito, then let's eat together." Kalmado kong sabi. Aayaw pa sana sila pero wala silang nagawa kasi mahal nila ako.
Nag lunch kaming lima, binigay ko na lang kay Guard yong Jollibee tas pinadala ko na rin yung pasalubong ko sa kaniya.
"Uno? diba paborito mo rin ito?" Tanong ni Kuya Ash kay Uno na naghihigop ng sabaw, Sinigang na baboy na hinaluan ni Manag fe ng hinog na saging.
"Oo" Tipid na sinabi ni Kuya Uno. Gutom ba yan? o sadyang masarap lang talaga ang ulam?. "Manang Fe, aalis nga pala ako mamaya". Sabi ko habang ninanamnam ang sabaw ng sinigang na baboy. "Saan ang punta, Raign" Tanong ni kuya ash habang hawak ang kutsara at tinidor. Matatawa sana ako sa mukha niya kasi naman may kanin pa sa ilong nya.
"Kasama ko naman sila, Madi tsaka Thalia" Sagot ko. "Nako, maimpluwensyahan ka lang ng kalokohan ng dalawang 'yan" Sabi ni Uno pero hindi niya ako tinignan naka focus lang siya sa hawak niyang kutsarang hawak niya. "Sige ba, Ija. Basta mag-iingat ka lang ah" Sabi ni Manang Fe, kaya nginitian ko siya tsaka tiningnan si Kuya Uno.
"Sa'n ba punta nyo?" Sabi ni Kuya Uno, finally nagtama na rin ang mata namin pero kaagad rin siyang umiwas. Ahay naman itong lalaking to. "Hindi ko alam, basta" Nainis ako kasi hayop na 'yan parang nakikipag-away ako kay Uno. Tapos na rin naman ako sa pagkain kaya nagpaalam na muna ako kay Manang Fe kasi palubog na ang araw.
"Epal mo kasi, pre. Umalis tuloy" Rinig ko pang sabi ni Kuya ash. Tumawa ako ng makapasok na ako ng kwarto, kaagad akong naligo at pagkatapos ay inayosan ko ang sarili ko. Naglagay lang ako ng light make-up but dark lipstick, mas bagay kasi sa akin kapag dark lipstick.
Nagsout lang ako ng mini skirt na kulay pula at corset top pinarisan ko ng stilettoes heels. Ngayon lang ako ulit makakasout ng ganitong damit, pinagbabawalan kasi ako ni Auntie Keira no'ng nasa Europe pa ako. Kinuha ko na ang ang minibag ko at susi ng sasakyan ko na Ferrari, ngayon ko lang ulit masasakyan to.
At the age of 15 nakikipag karerahan na ako ng kotse kay kuya Jacob kaya sanay na sanay pa rin akong mag drive kahit na tatlong taon na hindi ako nakakahawak ng manibela. Lumabas na ako ng kwarto ko at madilim na nga, tiningnan ko ang relo ko at 7:18 na. Habang naglalakad ay tinitext ko si Madi na paalis na ako. Malayo pa ako sa pinto pero tanaw ko na si Kuya Uno na nakasandal sa pinto at naninigarilyo. Ang gwapo niya pa rin hanggang ngayon, matangkad, moreno tapos minsan maldito pa, kaya lang naman naging crush ko siya noon kasi napaka protective at caring niya.
Hindi na ako nag isip pa nang kung ano at nagpatuloy na sa paglakad palabas ng pinto. Kunwaring hindi ko siya nakita at hindi pinapansin ang presensya nya, malapit na akong makalabas ng pinto ng nahawakan niya ang kamay ko kaya kaagad akong napa tingin sa kaniya. "Po?" Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa pala-pulsuhan ko. "Aalis ka ng ganitong oras? Delikado na sa labas, Reign" Aniya bago tinapon ang yosi niya at binitawan na rin ang kamay ko. "Bakit ba kasi? tsaka hindi ba may girlfriend ka na? baka magalit yun" Inis na sabi ko sakanya at nag-iwas ng tingin. Hindi ako nag seselos, lumalayo lang sa gulo.
"Paniguradong mapapagalitan ka na naman ni sir kapag nalaman niyang aalis ka ng ganitong oras" Sabi niya at seryoso pa rin nakatingin sa mga mata ko. "Paki mo ba? tsaka hindi naman nila malalaman kapag walang may mag sumbong" mas lalo lang akong nainis sakanya kaya tinalikuran ko na siya pero hinila niya ako pabalik sakanya. "Concerned lang ako sayo- Ano bang problema nating dalawa, Reign?" Aniya na ikinatigil ko bigla. Napatingin ako sa mata niya kaliwa't kanan, sinusubukang i proseso sa utak ko ang sinabi niya. "A-ano? T-teka" binawi ko ang kamay ko sakanya tsaka tumawa na parang naguguluhan.
"Kuya Uno, remind ko lang sayo ha- may girlfriend ka, tapos ano itong sinasabi mong "Problema nating dalawa?" Seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya ganon rin siya. "Oo, May girlfriend na ako pero-" Natigilan siya nang biglang nag ring ang cellphone na hawak ko. Sino ba itong demonyong tumatawag sa'kin?
It was Madi, sinagot ko ang tawag niya "Oh? Ano naman ba?" Inis kong sinagot ang tawag. "Hoy bruha, problema nito?" Inis niya rin akong sinagot. "Bakit nga kasi? paalis na ako" Sagot tsaka sinulyapan si Uno na ngayon ay nakasandal sa pinto, nakapamulsa habang nakatingin sa malayo. Ano ba problema nito?
"Kakarating lang ni Thalia, paalis na rin ako" Kalmadong sabi ni Madi, kaya pinakalma ko muna ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at nagsalita "Sige, pupunta na ako" Sabi ko at pinatay na ang tawag.
"Let's talk tomorrow" Sabi ko at kaagad na umalis sa harapan niya. "Uwi ka ng maaga, hindi umaga" Pahabol niya bago ako naka sakay ng sasakyan. Natawa ako sa sinabi niya, siguro hanggan ngayon ganon oa rin ang iniisip niya sa akin, umaga na umuuwi hindi maaga.
Kahit kailan talaga napaka caring nitong si Kuya Uno. Wala ka lang jowa Uno nilandi na kita. Bukod sa gwapo na, malaki ang katawan, moreno, matangkad, at may may matangos na ilong at makapal na kilay, nasa kanya na ang lahat. Napaka high standard ko pero pag dating kay Uno bumabagsak ako eh.
Chapter 1
Start from the beginning
