SPECIAL CHAPTER 1

2.8K 36 1
                                    

Special chapter 1: Harper Isla’s Birthday

I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one

QUINNA AMERA’S POV

“MIMI?” Mariin kong hinalikan ang matambok na pisngi ni Harper nang sambitin na naman niya iyon. It means ‘mommy’ tinatawag niya akong Mommy.

Ngayon ang first birthday niya at hinahanda na namin para sa kanya. Nasa loob lang kami ng kuwarto namin dahil binibihisan ko pa siya.

“Happy birthday, baby Harper,” malambing na bati ko sa kanya at hinalikan ko ang leeg niya kaya bumungisngis siya. Malaki kasi ang kiliti niya sa leeg niya, eh. Kaya agad siyang matatawa.

Suot-suot niya ang pink baby gown niya na binili namin kahapon ng Daddy niya. Lahat kami ay excited para sa birthday party niya.

“Mimi?”

“Yes, baby?” tugon ko sa kanya at kinuha ko na siya mula sa kama. “Baka nasa baba na ang mga Ninang at Ninong mo, Harper,” ani ko at nang kinandong ko siya ay napatingala siya sa akin. “Labas na tayo, hmm?” pag-aaya ko sa kanya. Inabot niya lamang ang mukha ko saka niya marahan na hinaplos. I kissed her forehead bago ako tumayo at nagpasyang bumaba na rin.

Family and friends lang namin ang invited at dito lang din kami sa bagong bahay namin nag-celebrate.

Nasa hagdanan pa lamang kami ni Harper nang mapansin kami ng Daddy niya. Mabilis itong lumapit sa amin. Hinalikan pa niya ang sentido ko. Hindi pa nga niya kinukuha sa akin ang bunso namin nang itinaas na nito ang dalawang braso niya. A sign na magpapabuhat siya sa Daddy niya.

“Dada...” Humaba ang nguso ko.

“Favoritism talaga itong si Harper, ay,” komento ko na ikinahalakhak ng asawa ko. Binuhat na niya ito at pinugpog ng halik sa magkabilang pisngi nito. Kung ibang tao ang gumagawa niyan sa kanya ay mabilis siyang umiiyak.

“Happy birthday, anak,” bati niya rito.  “Tara na, kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo, sweetheart.” Tumango ako. Inalalayan pa niya akong maglakad at sabay kaming nagtungo sa pool.

“Sina Mommy at Daddy?”

“Hayon busy na agad sa pakikipagkuwentuhan nila,” sagot niya.

Doon napili ng triplets na i-celebrate ang first birthday ng nakababata nilang kapatid. Pinagbigyan na namin sila dahil minsan lang sa isang taon nangyayari ang ganitong pagkakataon.

Pagdating namin doon ay napako agad ang tingin ko sa swimming pool. Nandoon si Levi na buhat-buhat niya ang bunso nilang kapatid na si Kevi. Malapit na ring mag-two years old ang anak nila ni Tharisma.

Natawa ako na pati si Dervon ay nandoon din. Si Daeron naman ang hawak niya. Ang dalawang lalaki ang nagbabantay sa mga batang naglalaro lang sa tubig. Naka-swimsuit silang lahat.

I couldn’t really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if
It was worth the try
So I can decide

Nandoon sina Deny at Deno na kambal nina Levi at Tharisma, ang mga batang marami nang pinagdaanan sa buhay kahit napakabata pa nilang dalawa pero matapang sila at hindi sumusuko agad. Proud na proud ako sa Mama nila, of course sa best friend ko rin dahil sa pagtatanggol niya dati sa mag-iina niya. Mas pinili niya ang pamilya niya kaysa sa parents niya.

Kung sina Deny at Deno ay may pinagdadaanan din, pati sina Drunk at Margarita na nagkahiwalay. Ibang tao ang nagpalaki sa kanila pero pareho naman na hindi maganda ang pagtrato sa kanila. Si Drunk ay napunta pa...sa taong nagtangkang sirain ang marriage ng kaibigan ko at si Margarita naman ay sa stepmother pa ng Mommy niya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon