CHAPTER 19

2.6K 42 0
                                    

Chapter 19: Quinna

“BUHATIN mo na lang siya papasok sa kuwarto niya,” kalmadong sabi ng lalaki at mabilis na sinamaan ko siya nang tingin.

“Gàgo ka ba? Nahimatay na nga siya tapos sa kuwarto ko pa siya dadalhin?! Hindi ba dapat sa hospita?!” pagalit na tanong ko sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay.

“Pigilan mo ako, Pearls. Pigilan mo akong suntukin ang kolokoy na ito.”

“Ayoko, calm down, Sanchez. She will be fine.”

“Fvck! Ano’ng maayos lang siya, eh hinimatay na nga siya!” natatarantang sigaw ko.

“Calm down, Raizer Jack Sanchez. She’s just sleeping. That’s the main reason why I need to hide her from you and others,” sabi naman ni Aurora. Ano ba talaga ang mayroon?

“Pero bakit...siya hinimatay?”

“Three or four times in a day siya nawawalan ng malay. Thankful lang kami kung sa loob lang ng isang araw ay hindi siya nagco-collapse. Don’t worry, pina-check up na namin siya and she’s fine naman. Normal na raw iyon sa kanya lalo pa na naaksidente siya at na trauma sa nangyari one year ago,” paliwanag pa niya na ikinagulat ko lalo. Naaksidente?

“Dalhin mo na siya sa kuwarto niya at dahan-dahan lang sa pag-aalala. Baka kasi ikaw ang dalhin namin sa hospital, eh. Aalis na ako kung magigising na siya. Alagaan at bantayan mo siya nang mabuti. Sa oras na malaman ko na iniwan mo na naman siya...magtago ka na,” banta sa akin ng lalaki.

“Right, this is the last time na pinagbigyan ka namin, Sanchez. Naawa lang ako talaga ako sa ’yo, eh.”

“Thank you, then,” sabi ko at maingat na binuhat ko na lang si Quinna.

“Nasa left side ang kuwarto niya,” sabi ni Aurora.

Maingat na ibinaba ko sa kama si Quinna at inayos ko pa ang pagkakahiga niya. Kinumutan ko siya pagkatapos at umupo ako sa gilid ng kama.

I caressed her cheek and stared at her face. I felt relief and happy at the same time, when I finally seeing her alive and she’s now in front of me.

Mahimbing na natutulog na siya. Nakaramdam din ako ng kaba at takot kanina ng nalaman kong madalas siyang hinihimatay at nangyayari ito sa kanya araw-araw.

“Sweetheart, I miss you...” I whispered and I leaned my head to kiss her lips.

Tears falling down on my cheek. Sa loob ng dalawang taon na nakalipas without her in my life ay hindi na ako naging maayos pa. Ni hindi na ako nakakatulog pa sa gabi sa kaiisip sa kanya.

To think that she’s gone and I can’t hug her again, but right now... I'll assure that, hindi na siya mawawala pa sa akin. Hindi ko na hahayaan na masaktan pa siya nang ganito.

“Good night, sweetheart.” I kissed her forehead.

QUINNA AMERA’S POV

I woke up one morning at hindi na pamilyar sa akin ang kuwarto. A color white, dark brown and black wall. A big room and if I am not mistaken ay kuwarto ito ng isang lalaki.

Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may mabigat na bagay na nakapatong sa bandang tiyan ko.

Hinawakan ko ito at akmang tatanggalin na sana ito nang matanto kong isang braso pala ito.

“W-What the...” I was shocked when I saw him, Raizer.

B-Bakit siya narito? At nasaan naman ako? Magkatabi ba kaming nakahiga, siguro ganito kami magdamag?

Nagulat din ako sa biglaan niyang pagdating sa penthouse ni Pearls at hindi ko inaasahan iyon. Akala ko kasi ay ukod kina Levi at Pearls ay sila na lang ang nakakaalam tungkol sa akin.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon