CHAPTER 4

3.6K 65 1
                                    

CHAPTER 4: She’s mad

RAIZER JACK SANCHEZ’s POV

Mayamaya lang ay dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain nang biglang may batang nagsalita malapit sa puwesto namin.

“Whoa! What a coincidence again, froglets!” Nilingon ko si Jacky Merre. Yeah si Jacky Merre iyon. Boses niya kasi iyon na isa pa froglets na naman ang tawag sa amin.

Nasa kabilang table rin siya at nakaupo lang siya mag-isa roon. Anong ginagawa ng batang ito rito? At nasaan na ang mga kapatid niya?

“Jacky naman---” napalingon ako sa nagsalita. Pamilyar sa akin ang boses.

Then I saw her, Quinna Amera nandezo ang Mommy ng triplets. She’s wearing her doctor’s robe. Maganda nga siya sa personal. Ang buhok niya ay hanggang balikat lang ang haba. Matangkad din siyang babae.

"“Raizer...” sambit niya sa pangalan ko at gulat na gulat siya nang makita ako. Kilala ba niya ako kaya alam niya rin ang pangalan ko? Hindi lang ako sigurado kung guni-guni ko ba na tinawag niya ako sa pangalan ko.

“Quinna?” Si Kuya Ram naman ang nilingon ko. Kilala niya si Quinna Amera?
Tiningnan ko si kuya at gulat na gulat din siya na makita ito. Parang may kakaiba sa kanilang dalawa dahil palipat-lipat na ang tingin sa amin ng Mommy ng triplets.

At sa tuwing tinitingnan ko siya ay ang puso ko naman ay nagwawala na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pamilyar talaga siya sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya unang nakita at kapag pinipilit ko naman ay sumasakit lang ang ulo ko.

QUINNA AMERA’s POV

“Quinna?” tawag sa akin ni Kuya Ram.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga nakikita ko ngayon. Is he for real? Siya na ba talaga ang lalaking nang-iwan sa akin years ago at nandito na nga siya sa harapan ko mismo. Palipat-lipat pa ang tingin ko sa magkapatid. Si Kuya Ram at Raizer.

Ang lakas-lakas nang pintig ng puso ko. Feeling ko anytime ay lalabas na sa sobrang lakas ng kabog nito. N-Nakauwi na siya? Kailan naman? Gusto kong magtanong pero ano pa ba ang karapatan ko para tanungin siya? At hindi na kami magkakilala pa. Kinalimutan na nga namin ang isa’t isa. Kaya bakit ko pa iyon gagawin?

“Quinna,” tawag ulit sa akin ni Kuya Ram. Pero na kay Raizer lang ang tingin ko na katulad ko rin nakakatitig din siya sa akin at parang inaalala kung sino ako. So, hindi na nga niya ako maalala pa dahil tuluyan na nga niya akong kinalimutan?

“Mommy! I’m so hungry na po!” Nag-iwas na ako nang tingin sa kanya at binalingan ko na lamang ang anak ko. Ang kanina na gulat na reaction ko ay napalitan na ng kaba. Kasama ko ang mga anak ko at hindi ito maaari...

“M-May anak ka na pala, Quinna?” gulat na tanong sa akin ni Kuya Ram. Tumingin ulit ako kay Raizer. Pero hindi na sa akin ang kanyang tingin. Nang sinundan ko iyon ay dumoble na ang kabang nararamdaman ko. Si Quinne na kasi ang pinagtuunan niya ng pansin.

“Y-Yes,” nauutal na sagot ko pa.

“Is she---” hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil sumabat na ako.

“This is not the right time to tell the truth, Kuya Ram,” mariin na sabi ko.

“Kuya kaibigan mo ba siya?” Biglang tanong ni Raizer sa kapatid. Nagsalubong ang kilay ko. So, tama nga ako na hindi na niya ako nakikilala pa.

“Ah... Yeah. She’s one of my friends... Actually more than a friend,” sabi niya pero hindi ko na alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa more than a friend na iyon. Wala na rin naman akong pakialam sa kanya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now