CHAPTER 9

3K 52 0
                                    

CHAPTER 9:THE CELLPHONE

QUINNA AMERA’s POV

TATAYO na sana ako nang mabilis na tumayo si Papa at pinigilan niya ako. Kailangan nang umalis dito ng mga anak ko. Hindi sila puwede rito, eh.

“Stay here, anak. Qko na ang kukuha sa mga apo ko,” ani papa. Ang lakas-lakas ng kabog sa dibdib ko. Natatakot na ako para sa kanila, eh.

Nasaan ba ang mga bodyguards ng triplets na ito? Tiningnan ko si Madam Sanchez, halata sa mukha niya ang gulat at mabilis na binaling niya sa akin ang tingin. Umiwas ako agad.

“Let’s go home, kiddo,” narinig kong sambit ni Papa sa mga apo niya.

“No, Lolo Papa. I want to be with my Tito Jack pa po,” naka-pout na sambit ni Quinne.

“Come on, little princess. Mama gonna mad at you,” pananakot pa ni Papa.

“But Papa!” sigaw ni Quinne. Hala siya, pinagtataasan na niya ng boses ang Lolo niya.

“Jecky, you want your Mama get mad at you, hmm do you?” naaaliw na tanong pa ni Papa.

“No po, Lolo Papa. Come on, Jacky we better go home na," pag-aaya na ni Jecky.

“But Kuya, Lolo Papa can stay here?” ani Jacky.

”Ma’am umuwi na raw po kayo ang sabi ng papa niyo,” singit ng bodyguard ni Papa. Tumango lang ako at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

I started walking at naisipan ko pa ang lumingon sa stage. Medyo nagulat pa ako nang nakatingin pala siya sa akin habang buhat-buhat niya si Quinne.

Dàmn! Napakapasaway talaga niya. Lumapit pa rin siya.

Nakarating na ako sa parking lot at pinagbuksan ako ng pinto ng family driver namin.

Pumasok na ako at napasandal. Dàmn it! That was close. Sana naman ay makaalis na agad doon sina Papa.

“Yey! Let’s go home! Let’s go home!” Napahinga ako nang maluwag nang marinig ko na ang masayang boses ni Jacky.

“I’m so happy!” sigaw naman ni Quinne.

Sumandal na lang ako sa likod ng shot gun seat as I closed my eyes. Hindi ko na lang pinansin ang pagsakay sila sa backseat.

“Mommy, galit ka po ba?” tanong sa akin bigla ni Quinne. Ang inosente ng boses niya.

“I’m not, baby. Why do you ask me that?” mahinang tanong ko sa kanya.

“Kasi po pumasok kami sa party kanina kahit ayaw mo,” si Jacky na ang sumagot.

“Okay, I’m not mad,” sabi ko at napaigtad ako ng may pamilyar na mainit na kamay na dumapo sa noo ko pababa sa leeg ko kaya automatiko na napamulat ako.

“What the...” bulong ko nang makita si Raizer. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin kaya naaamoy ko pa ang maamoy na hininga niya. Mabilis kong tinabig ang kamay niya.

“What are you doing here?” gulat na tanong ko.

“Ihahatid ko na kayo,” pagpresenta niya.

“Why? This is your engagement party. You should go there, Raizer,” mahinang sabi ko.

“Fvck that party! The hèll I care!” Sinamaan ko siya nang tingin at binato ko siya ng panyo ko.
Tumama iyon sa ilong niya. ”Sadista, I’m sorry kids. Huwag ninyong gagayahin si Tito na nagmumura, ha?” malambing na sabi niya sa mga anak ko. Bakit ba siya lumalapit sa amin ngayon, ha?

“Yes po, Tito!” sabay-sabay na sagot nilang tatlo.

“Good,” sabi niya. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Bahala na siya buhay niya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now