CHAPTER 16

2.8K 44 4
                                    

CHAPTER 16: Missing Jacky

NAGPANGGAP ako na sumusunod nga ako sa kanila. Kaya tiniis ko ang lahat ng iyon at nagtitimpi lang ako. Pero habang kasama ko ang mga anak ko ay magkakaroon pa pala ako ng problema.

“Quinne, baby. Kumain ka na please, anak...” Maingat kong hinawakan sa braso ang anak kong babe na si Quinne at pinaharap ko siya sa akin. Ibinaba ko sa bedside table ang platong may laman na pagkain niya.

She was crying kanina pa. Ang hirap niyang patahanin sa totoo lang. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang paghikbi niya. Namamaga na kasi ang mga mata niya at panay pa rin ang pagbuhos ng mga luha niya. Marahan kong pinunasan ang luhang iyon at masuyo kong hinalikan ang noo niya.

“Why are you crying, baby?” malambing na tanong ko at hinaplos ko ang buhok niya. Dinala ko sa dibdib ang ulo niya.

“I missed my Mommy, Dad...” mahinang sagot niya sa akin. Ang lungkot ng boses niya.

“Makakasama rin natin si Mommy. Don’t cry, baby. Daddy has a plan to bring back our Mommy Quinna. Just don’t cry baby,” pag-aalo ko pero mas umiyak lang siya sa sinabi ko.

“I hate Catherina po. I don’t like Lola Mommy Divine too, Daddy. They are monster, I don’t like them,” naiiyak na sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.

“Daddy is always here, I won’t let Mommy and Catherina hurt my baby Quinne. Tahan na, hindi kita iiwan, anak. Dito lang si Daddy...” sabi ko.

“Okay, Daddy. T-Thank you po and I love you,” malambing na sabi niya at kumalas  pa siya mula sa pagkakayakap ko sa kanya at nagulat pa ako nang halikan niya ako sa labi. Napangiti rin ako sa huli and I kissed her temple again.

“I love you, Quinne. Now, kakain na ang baby ko, hmm? Mommy is gonna be mad at you if you don’t want to eat your lunch,” sabi ko at nakita ko ang pagngiti niya.

“Yes po, Daddy,” tumatangong sagot niya.

“Good girl,” I said at tumayo ako na buhat-buhat ang anak ko. Nagtungo kami sa sofa at doon ko na siya pinakain pa.

***

“Raizer!” Napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

“Myrah? What are you doing here?” gulat na tanong ko sa kanya.

“I heard the news that you have a kids. Is that true, Raizer? Paano na ang kasal natin? Matutuloy pa ba iyon?” nag-aalalang tanong niya and honestly speaking I don’t know what to say. Dapat nga ay hindi ako ang tanungin niya. My Mom.

“Yes, Myrah dear. Itutuloy natin ang kasal ayon sa napagkasunduan but... If you still accept my son that he’s already a father,” Mom’s uttered. Kahit saan talaga ay sumusulpot siya.

“Yes po, Mom! Tatanggapin ko pa rin po siya. He’s my fiancé after all.” Nababaliw na ba siya? At saka ano naman ang plano ni Mom sa babaeng iyon na umaangkin na siya nga ang biological mother ng triplets ko? “Siya na ba ang anak mo, Raizer?” tanong niya sa akin at itinago ni Quinne ang mukha niya sa leeg ko.

“Yes,” sagot ko.

“Myrah, tatlo na ang anak ni Raizer,” kuwento pa ni Mommy.

“Wow... T-That’d great and amazing. Mas marami ay mas maganda, right Mommy?” As if, tsk.

“Of course, dear,” pagsang-ayon naman ni Mommy.

Habang pinagmamasdan ko si Mom ay parang nag-iba na rin yata ang ugali niya. Dámn it. Akala ko ay si Catherina na lang ang magiging problema ko pati ba naman si Myrah? Fvck...

You're Still the One I Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now