CHAPTER 2

4.3K 79 1
                                    

CHAPTER 2:The music lover but a cry baby

“SAAN kaya nagmula ang batang iyon? Bakit ganoon iyon kung makipag-usap sa nakatatanda kaysa sa kanya?” tanong ni Jersyn at napahilot pa siya sa batok niya.

“Whoa! Cool ng bata, ah. May naaalala ako na kasing ugali no’n,” ani Mazeke sabay na sulyap sa akin. Kinunotan ko siya ng noo.

“How I wish na magkakaroon ako ng anak na katulad ng stubborn kid na iyon,” nakangiting wika ni Milley. Paano siya nagkakaroon ng anak kung wala naman siyang girlfriend ngayon?

“Nah! Sakit lang sa ulo ang bagang iyon,” komento naman ni Jersyn.

“Froglets daw. Nakatutuwang bata talaga siya,”  natatawang saad naman ni Mazeke.

***

The pilot captain announced that the airplane is about to land on the iirport kaya pinaalalahanan na kami na isuot ang seatbelt namin.

“Finally, makakaapak na tayo ulit sa Pinas,” sabay-sabay na sambit nila. Ako ay halos hindi ko na maalala pa kung ilang taon akong nawala sa bansang ito.

“Be careful, Young Master!” narinig naming sigaw ng isang babae at sabay kaming napatingin sa direksyon na iyon. May naka-black in men naman ang humahabol sa bata.

“Yuhoo, we’re about to land at the airport!” sigaw ng batang lalaki at tumakbo pa talaga siya.

“Young Master!”

“Talaga namang pasaway ang isang ito, eh.”

“Man, iyong eroplano.”

Patalon-talon na tumakbo ang bata at papunta siya sa amin. Kaya nang makalapit na siya sa direksyon namin ay mabilis kong hinuli ang braso niya nang hindi siya nasasaktan at binuhat ko siya para kandungin siya.

“You know that the airplane is about to land and it’s dangerous to roamed around. You’re so stubborn, little boy,” mahinang sita ko sa kanya.

“This is my life, Mister staring-is-rude.” Tsk, ang dami talaga niyang nalalaman. Nasaan na ba ang mga magulang nito? At hinahayaan nilang basta-basta na lamang na umalis ang bata.

“Hey, kid. Eroplano ito at hindi mo playground. Kaya umayos ka, ha,” suway sa kanya ni Jersyn at mahinang kinutusan pa niya na mabilis niyang hinawakan ang noo niya.

“Sumbong kita sa Mommy ko, eh,” anito.

“Sige ba, iharap mo sa akin ang Mommy mo. Akala mo ay matatakot ako?”

“Dude, bata iyang kausap mo,” sita ni Milley.

Nang tuluyan na ngang lumanding sa airport ay may isang batang lalaki naman ang lumapit sa amin.

“What the...kambal kayo?” gulat na tanong ni Mazeke.

“We’re not,” sagot ng batang kinakandong ko ngayon.

Grabe, may kakambal pala ang pasaway na batang ito? At napansin ko na masama pala ang tingin sa amin ng pangalawa. Hala, wala naman kaming ginagawa sa kakambal niya, ah.

“How many times do I have to tell you not to run away from us, Jacky? You’re so stubborn and a brat little brother.” Ang lamig ng boses niya, mas malamig pa yata kaysa sa yelo, eh. Ang seryoso rin ng mukha niya.

May kung ano na naman akong naramdaman sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit heto na naman ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

“Sorry, Kuya Jecky. Come on, our princess looking for us I’m sure of that,” sabi ng batang nagngangalang Jacky. Iyon ang tawag ng pangalawang bata at kuya ang tawag sa kanya. Jecky naman ang pangalan niya. Ibinaba ko na lamang siya at hinawakan niya sa kamay ang kapatid niya.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now