CHAPTER 23

2.5K 39 0
                                    

Chapter 23: Good choice

“THANK you for coming, Mrs. Sanchez. I thought you didn’t come,” ani Papa.

“Bakit naman ako hindi pupunta, Mr. Nandezo? Dahil ba sa kidnapping a year ago? I told you na hindi ako ang masters na iyon,” matigas na saad ni Mrs. Sanchez.

“Hon...”

“I know that,” sabi naman ni Papa na sinabayan niya rin nang pagtawa.

Nagsibabaan ang triplets para lang magmano at yumakap sa Lolo nila at kahit napipilitan din sila ay nagmano rin sila sa kanilang Lola.

“Aba, jackpot ang anak ko sa inyo, ah. Tatlo kayo agad,” tuwang-tuwa na sabi pa ng Daddy ni Raizer. Bumungisngis lang ang mga apo niya dahil sa sinabi niya. Bumalik din naman sila sa upuan nila at lumapit pa sa akin si Mr. Sanchez. Nabigla pa ako nang yakapin niya ako at marahan na tinapik ang ulo ko. “You still young when I first met you in New York. Ang plano namin noon ng Papa mo ay ipagkasundo kayong dalawa ng anak ko pero tingnan mo nga naman. Tadhana na rin mismo ang tumulong sa amin at mukhang para nga kayo sa isa’t isa. Welcome to the family, hija. Thank you for loving my son.” Loving his son?

“Salamat din po sa pagtanggap sa akin, Mr. Sanchez.”

Pinakawalan niya rin ako at umupo sa tabi ni Jecky. Samantalang umupo naman si Mrs. Sanchez sa tabi ni Raizer, sa side namin.

“Just call me, Tito or Dad. Since kayo ng anak ko...ay malapit naman na, you know,” he said.

“Dad...”

“Kaya naman maganda ang apo nating si Quinne dahil napakaganda rin ng Mommy niya,” sabi pa niya at sinulyapan niya si Quinna na agad na nag-react dahil napuri siya agad.

“Thank you po, Lolo Francis,” malambing na sabi pa nito.

“You’re welcome, apo.”

“Let’s eat,” Papa uttered.

“May dala rin pala kami, Kaleed. Nasa living room na niyo, ipinasok na ng mga tauhan namin.”

“Ha? Bakit naman kayo nag-abala pa?”

“May groceries din kaming dala,” sabi pa niya.

“Groceries?” gulat na tanong naman ni Papa.

“Oo.” Napatayo naman si Papa at lumabas na lang bigla.

“Para saan naman po iyon, Dad?” tanong ni Raizer sa kanyang ama..

“Hindi ba ganito ang ginagawa ng mga namamanhikan, son?” Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa tanong nito. Nagkatinginan pa kami ni Raizer.

“Ano’ng n-namamanhikan, Daddy?”

“Francis, ang dami naman ng dala mo.” Bumalik na nga si Papa.

“Hindi pa ba obvious, Kaleed? Hindi ba ang sabi ko sa ’yo ay kung makakauwi ako agad ay mamamanhikan na ako para sa anak mo?” Umawang ang labi ko sa gulat. Plano na nila iyon ni Papa? Napag-usapan na nga talaga nila.

“N-Nang ganito naman kaaga?” my father asked him.

“Maaga? Maaga pa bang matatawag na may mga anak na sila? Nandito kami para na rin personal na humingi ng paumanhin dahil sa nangyari at sa ginawa ng Mommy ni Raizer. Mas mabuting ayusin na natin ang gulong nangyari, Kaleed. Alang-alang na sa mga bata.”

“Pero Daddy, masya---” hinawakan ko ang kamay ni Raizer para pigilan na siyang magsalita. Tiningnan pa niya ako at umiling ako.

“Pero, Francis. Sariling desisyon pa rin ng mga bata ito,” ani Papa.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora