CHAPTER 14

2.6K 45 1
                                    

CHAPTER 14: The Truth

“W-WHAT, Mom? What are you---”

“Raizer!” sigaw ko sa pangalan niya nang bigla na lang siyang hinimatay at bumagsak sa sahig kaya mabilis ko siyang dinaluhan. “Raizer, wake up!” Tinapik ko ang pisngi niya para gumising siya. Pero nakapikit lang ang mga mata niya.

“Mommy!” tawag sa akin ni Quinne at nang sulyapan ko siya ay nangingilid na ang mga luha niya.

“She’s not your ]Mom, baby,” sita ni Madame Sanchez sa anak ko. Sino siya para sabihin iyon na hindi ako ang Mommy ng mga anak ko! Wala naman siyang alam, eh!

“No! She’s my Mom! Mommy!” Pilit na kumakawala si Quinne sa pagkakahawak sa kanya ng tauhan ni Madame Sanchez pero ayaw nilang bitawan ang bata kahit nagwawala na ito. “Mommy ko!” naiiyak na tawag niya sa akin, sensitive talaga siya pagdating dito at mabilis siyang umiyak.

“Kunin niyo ang anak ko at ilayo siya sa babaeng iyan,” utos nito.

“Raizer!” Napatayo ako nang kunin na nga ng tatlong lalaki ang walang malay na si Raizer at imbis na dalhin nila ito sa ER ay inilabas pa nila. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Alam kong nagulat siya sa nangyari. Kung bakit ba kasi walang pag-iisip ang kanyang ina at padalos-dalos siya.

“Impostor! This is all your fault!” sigaw sa akin ng Mommy ni Raizer. Mas kumukulo lang ang dugo ko sa kanya.

“Hindi ako impostor, baka ’yung kasama mo ang peke! Tauhan mo siya at sino ka para paratangan ako sa bagay na iyan?!” sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam pa kung mawalan na ako ng galang sa kanya. Nakagagalit lang siya dahil dinadamay niya ang mga batang walang kamuwang-muwang.

“Oh? May pruweba ako na si Catherina ang tunay na ina ng mga apo ko," nakangising sabi niya. Nababaliw na talaga siya.

“How sure you are, Madame? Wala kang alam tungkol ss buhay ko,” paghahamon ko sa kanya.

“Ikaw!” Tinaasan ko ng kilay ang babaeng kamukha ko dahil sa biglaan niyang pagturo sa akin. “Kinuha mo sa akin ang mga anak ko, Quinna! Dinukot mo sila! Hindi ba ay ikaw ang doctor ko noong ipinanganak ko ang triplets?! Ikaw iyon, hindi ba?! Walang hiya ka talaga!” Nanigas naman ako mula sa kinatatayuan ko kaya nang sinabunutan niya ako sa aking buhok at hindi ako agad nakagalaw.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. What the fvck she’s talking about? Ang galing niyang mag-drama, ah!

“Bitawan mo nga ako!” sigaw ko at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.

“Walang hiya ka talaga!”

“Pareho na talaga kayong baliw ni Madame Sanchez!” sigaw ko pa.

“Mom! Mommy, please help us! Mommy!” Naririnig ko ang mga pag-iyak nila. Shet talaga itong lola nila. Ang sarap tadyakan, oh.

“Quinne... Jecky.” Paulit-ulit na sampal ang natanggap ko sa babae, mabuti na lamang ay hapon na at wala ng masyadong tao rito sa OR.

“Mommy, that’s enough.” Napahinto naman ako nang marinig ko ang boses ni...Jecky.

“J-Jecky?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Bakit...b-bakit ang babaeng ito ang tinatawag niyang Mommy? Don’t tell me... naniwala siya agad?

“Let go of her, Mom. Sasama na po kami sa inyo,” sabi pa ni Jecky at parang sinaksak lang ako ng patalim sa dibdib ko.

“Oh, tama ’yan, apo. Catherina is your biological mother not that Quinna!” sigaw pa ni Madame Sanchez. Napaka-hopeless na niya.

“What did you say, Jecky? She’s not our Mom!” saad naman ni Jecky na halos mamula siya sa sobrang inis na nararamdaman niya. Kapag galit talaga siya hindi niya tinatawag kuya si Jecky, sa pangalan lang talaga nito.

You're Still the One I Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon