Chapter 55

5.7K 159 27
                                    

Chapter 55: Tension

Ilang linggo ang nakalipas, napagdesisyunan ni Calanthià na lumipat ng tinutuluyan. Their house was full of bad memories.

Kasalukuyan siyang naninirahan ngayon sa isang condo. Malapit-lapit iyon sa bahay ni Claire kaya ayos na ayos. Si Claire na rin ang sumagot sa condo na iyon.

Nahihiya nga si Calanthià dahil si Claire pa ang gumastos. Isa pa, mamahalin ang condo na iyon kaya parang ang kapal naman ng mukha niya. She wasn't there for Claire most of the time, yet, Claire still treats her nicely.

Pangako niyang babawi talaga siya kay Claire. She thanked Athaneum, para bang mas nagkaroon ito ng parte sa buhay ni Claire kesa sakaniya. But anyway, she likes Athaneum for Claire. Mas maganda at mabait ito sa personal, maganda talaga ang tipo ni Claire.

Muling naging busy si Claire sa kompanya ngayong linggo. Maraming nawala sakaniyang mga employees noong nakaraan, pero ngayon, mas lalong marami ang dumagdag, mayroon pa ngang ilang mga bumalik.

Hindi na niya binigyan ang mga iyon ng pangalawang pagkakataon. Bakit pa nga ba? Ang ilang kasi sa mga 'yon ay pilit pa siyang sinisiraan at inilalaglag kahit wala namang alam, kaya bakit niya pa ibabalik ang trabaho ng mga 'yon?

Everything is doing fine now, everything is back to normal. Hindi niya masasabing fully, but almost. Also, may bago na siyang secretary. Just like her, the new secretary is also a transwoman. She's happily married to her husband.

She giggled in her mind. Soon, magiging ganoon din sila ni Athaneum. She will be happily married to her future wife, Athaneum.

Hindi na rin nila kailangan pang idaan ang lahat sa sikreto. Alam na ng lahat na magkasintahan silang dalawa, she no longer wants to keep their relationship discreet. She wants to be carefree around Athaneum, 'yong walang pagkabalisa tuwing magkasama sila sa labas.

Mabuti nalang at puro suporta ang kanilang natanggap. Mayroong ilang mga tao na feeling perfect at akala mo ay mga santo, pero majority of the people supports them.

Kasalukuyang magkasama ang dalawa, as usual. Athaneum is on Claire's lap, nakain ito ng siomai na siyempre ay ibinili ni Claire para sakaniya.

Nakahawak ang isang kamay ni Claire sa bewang ni Athaneum habang ang kabila naman niyang kamay ay nakahawak sa kamay ng kaniyang kasintahan.

Wow naman, kakain na nga lang ng siomai may pa-holding hands pa?

"I'll be back to work in a week, love." Kahit labag sa loob, kailangan ni Claire.

Nakita niya ang agad na pagsimangot ni Athaneum, "Baka matambakan ako ng gawain." Claire kissed Athaneum's cheek.

She's been priotizing Athaneum for many weeks now, kaso baka matambakan siya ng gawain sa trabaho. Sabagay, kaya naman niyang magmultitask, pero siyempre mas priority niya ang girlfriend niya.

"Eh mamimiss kita..." Umiling-iling ito. Hinaplos niya ang pisngi ni Claire.

Claire smiled, "Likewise."

Napanguso nalang si Athaneum, kawawa naman siya. Pinagpatuloy niya ang pag-kain ng siomai habang nakanguso.

"Sorry na," Napansin iyon ni Claire at bahagyang napatawa, "don't sulk."

"Eh anong gagawin ko rito habang wala ka?" Mamamatay na naman siya sa pagkabagot!

Claire chuckled, "Subuan mo nalang ako." Using her lips, she pointed the siomai.

Athaneum sighed. Ano ba 'yan, atleast si Claire makikita siya kahit papaano sa CCTV, eh paano naman siya? Wala naman siyang access sa CCTV nito sa opisina.

She Got Me Pregnantحيث تعيش القصص. اكتشف الآن