Chapter 32

3.5K 134 32
                                    

Chapter 32: Suyo

Maagang umalis si Claire kaya hindi na siya naabutan ni Athaneum nang magising siya. Masakit pa nga ang kanyang labi, pero g lang, magpapacheck-up siya today.

Kakatapos niya lang mag-lunch at tinanong na niya rin ang isa sa mga driver na si Kuya Fin na ihatid siya.

Pumayag naman ito. They're currently in a white car. Ngayon na rin niya malalaman ang gender ni baby, yay!

Ii-spill niya sana kaagad kay Claire, kaso nagtatampo pa nga pala siya.

💌

Pagkatapos at pagkalabas niya ay nakangiti siyang lumabas sa clinic. Kailangan lang niyang mag-ingat dahil naapektuhan nga ang baby, pero hindi naman ganun kalala.

And guess what, it's a boy!

Habang palabas siya ay may tumambad sakanyang hindi niya inaasahan.

"Claire? Anong ginagawa mo rito?"

Bumungad kay Athaneum si Claire na nakasandal sakanyang motorbike. Nakasuot ito ng black leather jacket at nakakrus ang mga braso.

"Picking you up." She said sternly while looking directly at her eyes.

Luminga si Athaneum, "Nasaan si Kuya Fin at ang sasakyan?"

Napansin niyang nawawala ang puting kotse na kanina ay sinakyan niya papunta rito.

Inabot ni Claire ang isang helmet kay Athaneum, "I told him to go home."

Aba? Bakit naman, aber? "Ha? Bakit naman?" She frowned.

"Because, ako ang susundo sa'yo." Aniya gamit ang seryosong boses at ekspresyon.

Umayos na ng pwesto si Claire sa motorbike, "Now, get on here."

"Ayoko, baka kaskasera ka." Naks, playing hard to get pa, oh.

Claire sighed while rolling her eyes, "I am not a 'kaskasera'. Now come here or I'll make you."

"Hmp." Labag sa loob na lumapit patungo si Athaneum kay Claire.

Umupo siya sa likod nito. Nagsuot ng helmet ang dalawa at bago magpaandar si Claire,

"Hold on to my waist." Sinunod nalang iyon ni Athaneum. Baka mahulog pa siya sa kaskaserang ito.

Este, baka mahulog pa siya dahil sa kaskaserang ito.

Gusto na niyang sabihing nalaman na niya ang kasarian ng anak nila, and that the baby is not that affected. Pero ayaw niya nga, ano si Claire, gold?

Silent treatment na this.

"So, how'd the check up go? Is peanut alright?" Peanut, nagugutom tuloy siya.

Hindi naman masyadong mabilis magpatakbo si Claire, "Yeah." Maikli at tipid niyang tugon.

"I know you're sulking." By all the pouting and silent treatment, it is obvious.

Hindi nalang umimik si Athaneum. Okay alam mo pala, edi suyuin mo.

Napansin ni Athaneum na ibang direksyon ang tinutunguhan nila. Hindi ito ang direksyon papunta sa bahay ni Claire.

"Saan tayo pupunta?" Hindi na niya napigilang magtanong.

Ngumisi si Claire, "Sa Sogo." Syempre, nagbibiro lang siya.

Akala pa ni Athaneum ay namali siya ng rinig, "H-ha?"

Sogo? Hindi ba maraming tao ang nagkakaraoke at nagpuputukan doon?

Taray ha, advanced new year.

"I'm kidding." Nakafocus si Claire sa pagpapatakbo, "But, we're almost there."

She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now