Chapter 43

3.3K 129 158
                                    

Chapter 43: I Wanna Be Yours

Gabi na ngayon at kakatapos lang kumain nina Claire at Athaneum. Sa wakas ay makakatulog na nang mahimbing si Athaneum dahil nandito na ulit si Claire sa tabi niya.

But not Claire. She's still anxious for what might come next. Hindi magpapatalo at magpapaawat ang tatay niya, alam niya 'yan.

Natapos nang labahan ni Claire ang pantaas niyang suot. Nagtaka nga ang mga Manang dahil nilabhan iyon ni Claire ng sarili niya, usually kasi sila naman talaga ang naglalaba ng mga damit.

Nang tanggalin ni Claire ang makeup niya sa washbin, obvious pa rin ang mga sugat at pasa niya. Kaya naman naglagay nalang ulit siya ng makeup upang matakpan iyon, pero exclude the lipstick. Napansin na rin naman ni Athaneum ang labi niyang pumutok.

Kasalukuyan silang nasa music room. Ito talaga ang paboritong tambayan ni Claire tuwing malungkot siya.

But now, she has company; Athaneum. Her favorite person.

Nagsosound trip lang sila rito habang magkatabi. Halos magkaparehas nga ang music taste nilang dalawa.

I Wanna Be Yours by Arctic Monkeys is playing. Si Claire ang pumili no'n dahil isa iyon sa mga paborito niyang mga kanta.

Tsaka patama niya rin 'yon sa katabi niya.

Claire grabbed an electric guitar and set up its amp. Kumuha rin siya ng pedal at muling bumalik sa tabi ni Athaneum.

"Do you play an instrument?" Tanong ni Claire at sinimulang i-tono ang gitara.

Athaneum shook her head, "Hindi eh. Pero willing naman akong mag-try." Gusto niyang mapag-aralan ang piano, harp, gitara, at drums.

Halos lahat yata ng mga musical instruments ay nandito. Napakalaki at lawak ng music room. Ganito na yata kalaki ang apartment niya dati.

"I'll teach you some time." Claire said and started playing the electric guitar, sinasabayan nito ang kanta.

Napahanga nalang si Athaneum. She sat there, quietly watching Claire play the electric guitar with her long fingers.

God, she loves women.

"May nagturo ba sa'yo niyan? Tsaka ilang years mo namaster?" Galing kasi eh, tugma na tugma sa kanta ang pagplaplay ni Claire.

Claire shook her head, "Nope. I'm a self-taught. I learned this for about 2 months?" Hindi niya na naaalala, pero mabilis lang naman niya natutunan ang electric guitar.

Napa-wow nalang si Athaneum. Papakasalan na niya talaga ito.

Pati rin ang ibang mga instrumento ay siya lang nagturo sa sarili niya.

As soon as the ending part of the song hit, tila ba natabunan ng libo-libong paro-paro ang kaniyang tiyan.

Paborito niya kasi ang part na 'yon. Wala, nakakakilig eh!

Hindi rin nakatulong na katabi niya si Claire habang sinasabayan ng electric guitar nito ang kanta. Hirap magpigil ng kilig.

Unti nalang, titili na siya sa kilig.

Ibinaba ni Claire ang electric guitar nang matapos ang kanta. Bumaling siya kay Athaneum habang nagplaplay ang sunod na kanta na nasa playlist niya.

"Kiss." Claire said with a grin.

Ha?

Nataranta si Athaneum sa sinabi nito, "H-ha?"

Tama ba siya ng rinig??? Kiss???

She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now