Chapter 13

5.5K 175 30
                                    

Chapter 13: Moving Out


───────────────────────



"Just stay on the van instead. It's extremely hot here."



Hindi pumasok si Claire ngayon para tumulong sa pag-empake ng mga gamit ni Athaneum. Which means, tambak na naman siya ng mga meetings at gagawin bukas, which also means overtime for her tomorrow.



With no choice, Athaneum agreed to live with Claire. Actually, it's better for the baby. Sa apartment kasi ay mag-isa lang siya kaya kadalasan ay nalulungkot siya, tsaka minsan ay mahirap ding makatulog dahil kahit gabing-gabi na ay mayroon pa ring mga lasing na nag-kakantahan sa videoke.



Atleast doon, may mga kasambahay si Claire, para naman may mga makausap manlang siya para malibang.



"Miss, hindi niyo na naman po kailangan gawin 'to. Kaya ko naman na pong mag-empake mag-isa." That isn't really a heavy job for her. Kaso nga lang ay marami siyang gamit. Karamihan pa sa mga iyon ay mabibigat.



Claire's long, wavy hair flipped as she turned to Athaneum. She rolled her eyes and spoke.



"You have many things to pack. It's going to be exhausting for our baby, and to you as well." Pananaray nito sakaniya.



Marahan nalang siyang napatawa roon. Hindi talaga mawawala ang pagtataray sakaniya ni Claire.



But at the same time, she smiled with that 'our baby'. Wala, she just finds it sweet. It's nice to know the fact that Claire is taking full liability and facing her responsibility instead of running away like most men do when they impregnate women.



However, she's different. Talagang kakaiba ang mga babae.



"Please, stay on the van instead as I said. We'll handle this." Sinunod nalang niya ang inutos ni Claire, baka tarayan na naman siya nito, eh.



Doon sa van nalang muna siya mag-iintay. Kinuha niya ang panyo niya mula sakaniyang bulsa at pinunasan ang ilang butil ng pawis sa kaniyang noo pati na rin sa leeg. Talaga namang napaka-init ng panahon ngayon.



Pagkapasok niya sa van ay nawala kaagad ang pagka-init na nararamdaman niya kanina. Nakakapaso kasi ng panahon ngayon, eh. Mabuti nalang ay napakalakas ng aircon ng van na ito.



Inobserbahan niya ang sasakyan. Hindi ito katulad ng mga karaniwang puting van na akala mo ay kikidnappin ka. Pakiramdam niya ay nasa private plane sila ni Claire dahil sa style ng van na ito. Sobrang laki at spacious, siguradong maraming tao ang magkakasya rito.



Kung hindi siya nagkakamali, Jet Van yata ang tawag sa mga ganitong klase ng sasakyan. Halos kompleto na ang mga nasa loob dito. May TV, faucet, saksakan, table, at iba pang mga gamit.



Naisip niyang grabe talaga si Claire, mula sa kompanya nito hangga't sa mga sasakyan ay advanced ang teknolohiya o bersyon. Paano pa kaya ang bahay nito?



Namamangha nga siya kasi parang puwede na itong tirhan. Kinuha niya ang isang kumot nang makaramdam ng matinding lamig at binalot ang sarili roon. Nilibang nalang niya ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng TV. May Netflix naman doon, eh.



Sa katotohanan nga, kanina pa pinagtitinginan ng mga kapitbahay niya si Claire nang lumabas ito ng van. Aba naman kasi eh, kabog na kabog siya sa pormahan. Panay bulong din ang mga chismosa at panay sipol din ang mga lalaking manyakis, sarap apakan sa apdo eh.



She Got Me Pregnantजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें