Chapter 8

3.8K 141 26
                                    

Chapter 8: The Phonecall

───────────────────────


"So ano na plano mo, Chels? Hindi ka pa magpapapalit ng ano?"



Kasalukuyang naglulunch ang dalawa na sina Chelsea at Nicole. Syempre hindi mawawala ang kanilang pagchichismisan kahit habang kumakain sila. Hindi na rin bago sakanila na ganito ang topic kahit nalamon pa sila.



"Saka na iyan kapag ready na ako. For now, may mga mas importanteng bagay pa akong pina-prioritize." Tugon ni Chelsea.



Nakwento na rin kasi ni Chelsea sakaniyang kaibigan noon na nais niyang sumailalim ng sex reassignment surgery. Pero sa ngayon ay wala na muna iyon sa kaniyang plano. Maybe in the near future.



Napatango-tango nalang si Nicole sa sagot ng kaibigan. Hmm, sabagay. Isa rin kasing goal-oriented ang kaibigan niyang ito at hindi naman siya makikialam sa desisyon nito.



Just like Claire, Chelsea is a transwoman as well. Parehas din silang hindi pa nakakapag-gender reassignment. Sa ngayon ay inuuna muna nila ang mga bagay na mas importante pa kaysa sa pagpapaputol.



However, when it comes to Chelsea, it's no secret. Everybody knows that she's a transwoman. That's the main reason why most of her co-employees always talk shit behind her back.



Pero wala siyang pake, we can't always be everyone's cup of tea. It's her life and they don't get to decide for her. Isa pa, mas maganda naman siya sa mga iyon.



Buti nalang nga ay naging kaibigan niya itong si Nicole. She accepted her with no judgment. Kaya kahit napakasalbahe niyan, tinitiis niya pa rin. Naiintindihan kasi nila ang isa't-isa.



Pero siyempre, hindi niya ito kinukunsinte sa lahat ng mga bagay. Binubungangaan niya naman din ito kapag alam niyang sumosobra na. Tsaka hindi rin naman makakapalag sakanya si Nicole dahil under ito sakanya. Bleh!



Napansin ni Chelsea na ngiting-ngiti si Nicole. Ano kayang meron sa gagang ites?



"Hoy babaita, ba't ngiting-ngiti ka diyan?" Kinalbit niya ang kaibigan.



Ano ba ang rason ng mujer na itez? Si Miss Castallejo na naman ba?



Ay siyempre. Hindi pa ba nasanay si Chelsea kay Nicole na dinaig pa ang mga delulung miyembro ng Aldub Nation?



Ngumisi ito bago sumagot, "Kasi napapansin kong napapalayo na si Miss Castallejo doon sa secretary niyang 'yon."



Napataas ang kilay ni Chelsea dahil sa sagot nito. Kahit din ang ibang employees ay napapansin ang awkward atmosphere between Claire and Athaneum. Panay hula na nga sila kung ano ang dahilan at kung kailan masisisante si Athaneum.



But Nicole didn't bother to know why. Kontento na siya na wala nang umaaligid sa crush niyang si Claire.



"Oo nga, 'no. Pansin ko rin 'yan." Halos lahat naman ay nakakahalata na.



"Pero mabait naman si Miss Fuertia, tapos ang ganda pa. Hihihi!" Chelsea giggled.



Ilang beses na niyang nakausap si Athaneum, and she's not that bad as she thought. Nakakainlove kaya ang personality nito.



Nakita niya ang pag-ismid ni Nicole, "Tse. Mas maganda naman ako diyan, lalo na si Miss Castallejo."



Napairap si Chelsea dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya rin alam kung bakit ba napakamaldita nito kay Athaneum. Wala namang ginagawa iyong tao sakaniya.



She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now