Chapter 20

3.4K 132 25
                                    

Chapter 20: Attention

───────────────────────


Kasalukuyang nasa labas ang dalawang magkaibigan. Hinatid na ni Athaneum si Chelsea sa underground parking lot. Pinahatid kasi ito ni Claire sa kanyang personal driver dahil wala namang masasakyan dito na public transportation.



"Thank you for the night, Athaneum. Alagaan mo si baby ha." Imik ni Chelsea kay Athaneum at nag-beso.



Tumango siya, "Syempre. Bisita ka ulit kapag may time ha." Nakangiting sambit ni Athaneum.



They both hugged first before Chelsea went inside the car. They then waved and greeted goodbye to each other.



Nang makalabas sa underground parking lot si Athaneum ay nag-tungo na siya pabalik sa mansyon. Sobrang lamig sa labas. Hindi pa naman siya nakajacket.



"Girlfriend mo?" Bumungad ang tatlong Manang na nakangisi sakanya.



She chuckled, luh girlfriend kaagad? Hindi ba pwedeng kaibigan lamang?



"Nako, hindi po." Umiling-iling siya.



"Alam mo, bagay kayo. Hehehe." Mahina siyang dinunggol ni Cecil bilang pang-aasar.



That made her heart skip fast. You know, sometimes she and Chelsea really do look like a couple.



Pero hanggang kaibigan lang sila. Sigurado siyang hindi na iyon hihigit pa dahil loyal siya kay Claire.



"Magkaibigan lang po kami, 'no." She shyly smiled.



Yes. She likes Chelsea, but platonically only.



"Magseselos niyan si Claire, 'tamo." Komento ni Yen habang nag-vavacuum.



Napataas ang kilay ni Athaneum sa sinabi nito at bahagyang namula. Unti-unti rin namuo ang maliit na ngiti sa mga labi niya dahil sa narinig.



Totoo ba ang sinasabi ni Manang Yen na magseselos ito?



"Hay, hindi natin alam kung selosa ang isang 'yan." Napa-upo silang tatlo sa couch habang si Yen ay nagvavacuum.



"Hindi ko pa siya nakikitang nagselos." Bakit naman ito magseselos, all the spotlight and attention is on her.



To be fair, Claire isn't really showy of her real emotions. Most of the time, she's just wearing her usual poker face. Kaya hindi nila alam kung may kakayahan ba itong magselos.



"Siya lang ang nakikita kong pinagseselosan." Natatawang saad ni Rosalia.



Maraming nagseselos kay Claire. Honestly, who wouldn't? She's rich, successful, smart, pretty, and is living a luxurious life. Kaso nga lang, masungit.



"Pero bakit naman po ba siya magseselos? Mukha naman pong hindi niya ako gusto at dinala niya lang ako rito para sa magiging anak namin." Aniya at totoo naman ito. She'll get jealous for what?



Tsaka, hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang tunay na sexuality ni Claire. Wala naman yata itong nababanggit sa tatlong ginang tungkol sa pagkakaroon ng interest sa mga babae.



Napabuntong hininga siya sa isip. Tila ba nawalan siya ng pag-asa dahil sakaniyang sariling sapantaha.



"Hmm, sabagay." Tumango ang dalawang Manang na katabi niya.



She Got Me PregnantKde žijí příběhy. Začni objevovat