Chapter 53

3.7K 154 72
                                    

Chapter 53: Convicted

Earlier, the authorities and government officials contacted Claire. Nabalitaan ng mga ito na dinumog ang kaniyang bahay, kalat na kalat nga iyon sa internet pati na rin sa balita.

Ipinarating ng mga ito sakaniya na hindi naman tuluyang nakapasok at nakasugod ang mga taong nagproprotesta. Mayroon kasing dumating na mga police kaya agad silang nagsi-alisan. Kaso nga lang, may ilang gwardiya na nakatamo ng mga sugat dahil sa mga taong pumapalag.

Napagdesisyunan ni Claire na 'wag nalang ito dalhin pa sa korte. Mas matatagalan pa sila eh, mas gugustuhin pa niyang diretso nalang ipakulong si Henry pati na rin ang tatay niya.

Kinamusta niya rin ang mga company officers. Itinanong niya sa mga ito kung may update na ba tungkol kay Nicole.

Nakapunta na naman sila eh, kaso nga lang ayaw silang patuluyin ng mga magulang nito. Binanggit din sakanila ng mga ito na nagkukulong sa kwarto si Nicole. Kaya naman, bigo sila.

Napa-buntong hininga nalang si Claire dahil doon. Kailangan pa ba talagang magmatigas nitong si Nicole?

Ipinasuyo muna niya sa mga ito na h'wag na munang pagtrabahuin ang mga empleyado sa ngayon. It's not like she fired the ones who stayed, in fact, she owes them a lot, especially Chelsea.

Gusto muna niyang maayos ito. Baka pati ang mga nagtatrabaho sakaniya ay maapektuhan at madamay rin.

They spent their night at the house she bought for Athaneum. Noong una ay naligaw pa nga sila, feel tuloy ni Claire ay ang tanga-tanga niya.

Hindi niya pa rin mapatawad ang sarili dahil pati si Athaneum ay nadamay at naapektuhan sa issue niya. Kahit si Peanut ay pwede ring maapektuhan dahil sa gulong nangyari kagabi.

Umagang-umaga, kasalukuyang nag-aalmusal sina Athaneum at Claire. Magkatabi sila sa stool habang kumakain sa counter bar.

"How are you feeling, baby?" Pagtatanong ni Claire, her eyes fell to Athaneum's baby bump.

Ngumuya muna ito bago sumagot, "Ayos lang naman kami ni Peanut, kumpara kagabi." Ngumiti ito

May bahid pa rin ng pagkabalisa at pag-aalala sa mukha ni Athaneum. Nag-aalala pa rin siya. Baka may sumunod sakanila o kaya nakapag-track ng location.

Claire sighed. Last night was a mess.

Bago niya pa tugunan si Athaneum ay nakatanggap siya ng text notification. She took her phone from the counter and read the text.

"Ma'am, we have tracked Mr. Quirnesh's location."

"Pero hindi po namin ma-track ang kinaroroonan ni Mr. Castallejo."

It was from one of the authorities she has connections with. Alam niyang nagtatago ang dalawang iyon ngayon.

"We'll convict him as soon as possible if you want, Ma'am." She smirked in satisfaction upon reading the text. Finally.

Hindi na makakapalag si Henry, alam niya 'yon. Wala naman itong mga pruweba. Isa pa, paano ito manglalaban kung kakampi niya ang gobyerno, awtoridad, mga opisyal, pati na rin ang mga pulisya?

Well, the media do despise her though. But it's because of the circulating fake rumors.

Pasalamat nga siya na hindi na niya ito dinala pa sa korte. Dahil paniguradong wala itong mailalaban sakaniya pagdating sa mga receipts, proofs, at rebats.

"Ano 'yan?" Napansin ni Athaneum ang pag-ngisi ni Claire kaya hindi niya mapigilang maki-usisa.

Claire answered, "Henry has been tracked." Nanliwanag ang mukha nito.

She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now