Chapter 29

3K 122 9
                                    

Chapter 29: Closeness (2)

Kasalukuyang nasa loob ng mansyon ang tatlo. Kakarating lang nila at inalok ni Athaneum na maupo si Chelsea sa sofa. And of course, Claire is wearing her bitch face. Kahit naman ang resting face niya ganiyan din talaga.

"Salamat po sa pagsabay sa akin." Nagpapasalamat na ani Chelsea kay Claire.

Nakakrus ang mga braso ni Claire habang nakatingin sa dalawang naka-upo sa sofa, samantala siya ay nakatayo, "Welcome."

"Magpapalit lang ako." Hindi alam ni Chelsea kung bakit, pero kinilabutan siya sa boses ni Claire. So cold naman.

Naglakad ito palayo at nagtungo sa taas para magpalit ng damit. Hindi nga niya alam kung gugustuhin pa niyang bumaba, gusto na kasi niyang magpahinga.

Nagkukwentuhan ang dalawa sa sala. Hindi kasi nila mapigilan ang kasiyahan dahil muli silang nagkita.

"Uy, baka hindi okay si Miss na binibisita kita ah?" Tatakot siya ih, baka bigla nalang siyang isisante nito kapag dumalaw siya nang dumalaw kay Athaneum.

Kilala niya na kasi si Claire, sinisisante nito ang mga employee dahil lang sa mga napakatangang rason.

Nginitian siya ni Athaneum, "'Wag kang mag-alala, pinagpaalam naman kita diyan."

Chelsea felt relieved. Mabuti nalang talaga dahil Athaneum always has her back.

"May soft spot yata sa'yo si Miss, eh." Natatawang pagbibiro ni Chelsea.

Napataas ng kilay si Athaneum, "Soft spot?"

"Oo, napakasungit at maldita nga niyan sa amin, pero ba't pagdating sa'yo parang hindi naman?" Isa iyan sa mga napansin ni Chelsea. Bakit nga ba?

Hindi umimik si Athaneum. Instead, she chuckled.

"Sumbong kita, tinawag mong maldita." Which is true naman, 'divah?

"Huy, 'wag!" Jusko, baka masisante pa siya ng wala sa oras.

She laughed, "Hahahaha! Joke lang siyempre!"

Pababa na si Claire at kahit sa taas ay rinig niya ang tawanan ng dalawa. Napairap siya, hindi niya type kapag maingay ang paligid.

Hindi nga niya alam kung bakit siya bababa. Gusto na niyang matulog at magpahinga but here she is, on her way downstairs.

Nadatnan niya ang dalawa na nagtatawanan at magkatabi sa sofa. Nakita niya ring may orange juice at biscuits na nakapatong sa lamesa. Siguro ang isa sa mga ginang ang nag-alok nun.

Napatigil si Chelsea sa pagtawa nang makita si Claire, "Good evening po, Miss."

Hindi siya nito tinugunan. Umupo ito sa isa pang sofa na nasa kanan nila at iniwasan ng tingin ang dalawa.

"Miss, bakit po hindi nalang kayo tumabi sa amin?" Pag-aaya ni Chelsea kay Claire na nasa isang sofa; mag-isa.

"I prefer this spot better." Tugon nito. Actually, ito ang pinakaayaw niyang spot dahil tutok na tutok sakanya ang lamig ng aircon.

Dinapuan niya ng tingin ang dalawa. Nginitian siya ng mga ito, "Let's eat." Hindi pa nga pala sila kumakain. Inaya na niya ang mga ito para wala na siyang ikakasakit ng mata, eme.

Luto na rin naman ang sandamakmak na ulam. Pagkarating nila sa kusina ay tumambad sakanila ang mga ulam at mga amoy nito, ambango!

Puro ito seafoods, pero may mga meat naman. Tuwang-tuwa nga si Athaneum dahil recently, laging hipon ang hanap niya.

Umupo sila sa stool, nahihiya pa nga si Chelsea. Grabe pala ang ulam ng kanilang boss sa iisang gabi lamang, akala mo eh may handaan.

Nasa kanan si Claire, gitna si Athaneum, at kaliwa si Chelsea.

She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now