Chapter 10

4.1K 152 21
                                    

Chapter 10: Change of Treatment



───────────────────────



"Miss.... Alam kong hindi pa tapos ang contract ko bilang secretary niyo, pero balak ko na po kasing mag-resign."



Kumunot ang noo ni Claire at tumaas ang kaniyang isang kilay dahil sa pahayag ni Athaneum.



"Para naman po ito sa bata dahil masyadong nakakapagod at stressful ang trabaho na ito," Nasa harapan siya ngayon ni Claire at nagpapaliwanag.



"Baka po kasi may mangyaring hindi maganda sa bata kapag pinagpatuloy ko pa ang trabahong ito." Dagdag pa niya.



Matapos niyang ibigay ang kaniyang resignation letter kay Claire ay binigyan lang siya nito ng mukha na walang kaekspre-ekspresyon. Athaneum is silently praying that her boss would finally let her leave this job.



Masasabi mang may rason ito, datapwat hindi iyon kayang tanggapin ni Claire. May kontrata sila at hindi exception si Athaneum doon.



Kaya naman, heto si Athaneum ngayon at pinapaliwanag ang kaniyang rason kung bakit kailangan na niyang mag-resign mula sa trabaho.



Napatayo mula sa swivel chair si Claire. She can't let that happen. A contract is a contract.



Kinuha niya ang resignation letter ni Athaneum na nakapatong sakaniyang desk. Walang pakundangan niya iyong pinunit sa harap ni Athaneum.



Nagulat nalang si Athaneum dahil doon. Napalunok pa siya dahil mukhang hindi talaga papayag si Claire na mag-resign siya.



"I can't let you. A contract is a contract." She crossed her arms. Athaneum sighed.



Alam ni Claire na makakasama nga ito sa bata. But in what other way could she keep an eye on Athaneum if she resigns?



"But don't worry, I won't let you do heavy and stressful works." She said while not even looking at her.



Hindi na napigilan ni Athaneum ang pag-tugon, "Po? But the job itself is heavy and stressful."



Athaneum can no longer contain herself from talking back. Totoo naman eh. The job itself is heavy and stressful for a pregnant woman like her.



"I will lessen your work and I'll let you work half-day whenever you want. I'll pay you thrice the usual salary. Hindi na rin kita pag-oovertime-in. Just don't resign and keep the job." Claire offered.



That made Athaneum think twice. Sobrang dami niyang makukuhang benefits, pero ang kailangan niyang i-prioritize ay ang kalusugan ng magiging anak niya.



"And, sagot ko na rin ang mga pang-check up mo at kung ano-ano pang related sa pregnancy mo." Claire approached her with arms crossed.



How could Athaneum say no? This is very unusual of Claire. At tsaka ang dami rin niyang matatanggap na perks.



However, she still needs to focus on her baby's health. Oo sabihin nating maganda nga ang makukuha niyang benepisyo, pero maganda ba ang magiging epekto ng kaniyang trabaho sa kalusugan ng anak niya?



"Think about it, Fuertia." Sambit nito tsaka bumalik sakanyang swivel chair at itinuloy ang kaninang ginagawa.



A sigh escaped her mouth. Hindi niya alam ang pipiliin niya, although there are no choices because either way, si Claire pa rin ang masusunod.



She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now