Chapter 28

3.1K 122 28
                                    

Chapter 28: Closeness (1)



───────────────────────



Kasalukuyang nasa private jet ang dalawa at pabalik na sa Pilipinas. Nakakalungkot man nang kaunti dahil parang bitin, marami naman silang memories na nagawa habang magkasama. Hehehehe.



Ngayon, ang ginagawa nila ay tinitignan ang mga pictures na kinuha ni Claire sakanyang camera. Napakarami nga nito at napabilib si Athaneum dahil ang gaganda ng pagkakuha ni Claire sa mga litrato.



Kaya naman napatanong ito, "Dati ka bang photographer?" Tumatawang tanong niya.



Akala mo kasi professional base sa mga litrato nitong kinuha. Every angle is perfect and it just captures the beauty of the places they went to.



Claire chuckled, "No. But if I weren't a CEO, I'd totally be a photographer."



Sa katotohanan ay na-consider niya rin ang pagiging photographer noon. She enjoys taking photos of nature especially those which are beautifully created.



Napangiti si Athaneum sa nalaman. Kada-araw ay parang may bago siyang natututunang bagay tungkol kay Claire.



"Wow nama-"



Naputol ang kanyang komento nang makita ang susunod na litrato. Napataas ang mga kilay niya at napaawang ang mga labi nang mapagtantong candid photo niya iyon.



It's a picture of her whilst admiring an artwork in the Louvre Museum. Malaki ang ngiti niya doon and she didn't even realize that Claire was taking pictures of her secretly.



Napatigil si Claire, hindi niya binalak na ipakita ang mga litratong palihim niyang kinuha!



"Uh, that's noth-" Sinubukang takpan ni Claire ang camera ngunit nakita pa rin iyon lahat ni Athaneum.



Puro pagmumukha niya ang makikita sa camera, halos lahat ay ng mga iyon ay palihim ang kuha. Kahit papaano ay ang ganda pa rin pala niya kahit candid, hehehe.



Sadya lang ba na maganda siya o 'yong photography skills ni Claire ang nagpapaganda sakanya?



Nag-init ang kanyang mukha at hindi naiwasang kiligin nang patago. Alam niyang hindi niya dapat ito lagyan ng malisya, pero naging palaisipan din kasi iyon para sakaniya.



Imagine, 'yong camera ng crush mo, puno ng pagmumukha mo, tapos pa-candid pa!



Pero possibly, it's only for memories, right?



Oo, bawal assumera. Do not assume unless stated. Eme.



Idinaan nalang niya sa tawa ang kilig na nadarama, "Wow, dami ah..."



On a serious note, napahanga siya dahil napakaganda talaga ng kuha ni Claire kahit wala siyang kaalam-alam. Ipapapasa niya sana sa phone niya, kaso full storage na nga pala siya.



Napa-iling si Claire, "It's just that, you're a perfect muse for photography." Palusot nito.



"Photogenic ka kasi." Dagdag pa niya habang nag-iiwas ng tingin.



Mas lalong naramdaman ni Athaneum ang dagitab na dumaloy sakaniyang katawan. Ikaw ba naman sabihan ng crush mo ng ganiyan!



Umiling nalang siya upang mai-alis sa isip ang mga sumasagi sa utak niya. Hindi niya dapat iyon gawing malaking bagay dahil paniguradong wala lang iyon kay Claire.



She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now